13: I SOLD MY LIFE TO BE ON TOP

11 2 0
                                    

I SOLD MY LIFE TO BE ON TOP

"Be contented."

May 16, 2006.

"Lagdaan mo na." malumanay ngunit nagmamadali wika ng lalaki habang nakangiti.

Kinakabahan kong hinawakan ang panulat at saka tumingin sa kaniya. Kailangan ko ba talagang gawin ito?

"Kailangan mong gawin iyan dahil nais mong sunikat hindi ba?" sagot ng lalaki sa aking harapan.

Halos mahigit ko ang hininga sa sobrang gulat, iwinika ko lang iyon sa isipan, paanong nalaman niya ang bagay na iyon?

"Alam ko lahat ng madilim na sikreto at ninanais ng isang tao, Binibini. Lalagda ka pa ba o nagbago na ang isip mo?" sagot muli nito.

Tinitigan ko siya habang nakakunot-noo, napakainosente ng mga mata nito na siyang bumabagay sa pagkakahulma ng kaniyang mukha. A sweet- he devilish smile! Agad din iyong nagbago at nagtatakang tumingin sa akin. Napatayo ako bigla mula sa pagkakaupo.

"Tila yata nagbago ang desisyon mo, Binibini?"

Agad akong umiling sa sinabi niya at saka naupong muli sa harap niya, "Hindi!"

"Kung gayon ay lumagda ka na at makukuha mo agad ang ninanais mo."

Ito lang ang paraan para umangat ka, Khailee. Ito lang kaya nararapat lamang na tanggapin mo at gawin ang lahat.

"Ngunit..." Agad akong napahinto nang pigilan ako nito sa pagpirma.

"Ano?"

"May kapalit ang lahat, Binibini."

"Kaya kong ibigay ang pera kung iyon ang ninanais mo, Ginoo. Marami akong pera."

"Hindi pera ang nais ko, Binibini, dahil tulad mo'y marami rin ako niyon." nakangiting ani nito.

"Kung gano'n ano ang kapalit na gusto mo?"

"Buhay."

"A-Ano?"

"Ang iyong buhay."

"Pero-"

"Wala akong ibang nais mula sayo Khailee. Kaya kung nagbago na ang isip mo ay bukas ang pintuan ng aking o-"

"Hindi."

Nasisiyahan itong inilapit sa aking ang kontrata, "Sige lumagda ka na."

Agad kong ginawa ang nais nito.

"You have until June, 06, 2006 to enjoy your popularity."

Iyon ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

May 18, 2006

Iba't ibang tao ang pumuri sa mga akdang isinulat ko, hindi ko alam kung anong akda ang pumukaw sa atensyon nila pero agad iyong pumatok at naging sikat ako online.

"Ang galing mo po, Author!"

"Matagal na akong nagbabasa ng mga akda mo and I am really happy na naaabot mo na ang dapat na para sayo. Congratulations, Khailee?"

"Nandito pa rin kami kahit anong mangyari."

May 25, 2006

I received an email, agad kong binuksan iyon at halos mapatalon ako sa gulat nang mabasa ang laman niyon.

*********** Company
Hi, we greatly appreciate your works on wattpad. Maraming aral ang matututunan at napupuno ng iba't ibang kaalaman. Kaya naman kung ayos lang sa iyo, narito kami para imbitahan kang maging bahagi ng aming kumpanya. We really do hope that you would accept our sincere invitation. Good evening.

Queries: Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon