18: ANG MGA MABUBUTING BINHI AT MASASAMANG DAMO

3 1 0
                                    

ANG MGA MABUBUTING BINHI AT MASASAMANG DAMO

"Napatawad ka na ng iyong Amang nasa langit."

Nagising ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.

"Ano ba naman 'yan, Nay! Ke-aga aga ay nambubulabog ka ng tulog!" Naiirita kong ani habang kinukusot-kusot ang mga mata. Walang sumagot sa akin kundi mga nagtatakang reaksyon lamang nila ang nakita ko, napapitlag rin ako sa gulat. Sino ang mga taong ito?

"Mahabaging Diyos, ano ang sinasabi mo Amelia? May Ina ka? Nasaan siya?" saad ng matandang kulot-kulot ang buhok. Tinitigan ko lamang ito saka mas lalong binalot ang katawan ko ng kumot. Hindi pamilyar ang mga mukha nila. My gosh nasaan ba ako? Nananaginip nanaman ba ako?

"Ayos ka lang ba, Amelia?"

"Hindi ako si Ame---"

"Maayos si Amelia. Magtungo na kayo sa balon upang sumalok ng tubig ako na ang bahala sa kaniya." Singit ng isang babaeng pamilyar ang mga mata.

Naniwala naman ang mga kababaihan sa sinabi ng babae kaya kami na lang ang natira sa loob ng silid. Inilibot ko ang paningin sa buong paligid, gawa sa bato ang silid, may mga gasera na nakapatong sa itaas. Hindi ba uso sa kanila ang ilaw or bombilya?

"Teka bakit ba nandito ako? Last time nasa bahay lang ako at natutulog dahil nagalit sa akin si Mama. Why am I fucking waking up here?" In a desert? Seriously? Malayo sa sibilisasyon ito.

"Kung gusto mo pang makabalik sa hinaharap 'wag kang magsasalita ng ingles sa lugar na 'to. Pangalawa, nandito ka para matuto. At panghuli, maswerte ka."

"Seriously? I am lucky? Nagpapatawa ka ba? Nandito nga ako sa isang disyerto kasama ang mga taong hindi ko naman kilala tapos malalaman ko pang may posibilidad na dito na ako maninirahan habang buhay tapos sasabihin mong swerte ako?" Hindi makapaniwalang sagot ko.

"Walang magagawa ang pag-iingay mo riyan sa kakareklamo. Halika na't magpupunta pa tayo sa balon upang sumalok ng inumin," anito bago ako iniwan sa loob ng silid.

Right. Just right. Nagising ako. Nandito sa isang disyerto. Swerte ako. Matututo ako. Mamatay ako ritooooo!

Nang sumunod na araw nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Maraming taong nawe-weird-an sa mga ginagawa ko habang nandiyan naman si Cristina para pagtakpan lahat ng iyon. Nakakainis. Gusto ko ng umuwi.

"Nandiyan na si Hesus!" sigaw ng mga kababaihan sa labas. Si Hesus? Agad-agad akong lumabas saka sumama sa kanila. May maganda rin pa lang mangyayari akala ko puro pag-iigib na lang gagawin ko.

Lumapit ako sa mga taong nagsisiksikan para makita ang imahe ni Hesus. Sa panahon namin maraming naniniwala na totoong naging tao si Hesus pero meron ding iilan na hindi naniniwala dahil maaaring isa lamang daw iyong imahinasyon o fiction. Pero ngayon makikita ko siya! Makikita ko siya gamit ang dalawa kong mga mata sa personal!

Umupo ito sa tabi, "Makinig kayong mabuti, ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: may isang taong naghahasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid. Isang gabi, samantalang natutulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway at naghasik ng mga masasamang damo sa triguhan."

"Nang tumubo ang trigo at magkabunga, lumitaw rin ang mga masasamang damo. Lumapit ang alipin sa punong sambahayan at sinabi rito, 'Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik niyo sa inyong bukid? Bakit po may mga damo?'"

"Sumagot ito, 'Isang kaaway ang may kagagawan nito.' Muli siyang tinanong ng mga utusan, 'Bubunutin po ba namin ang mga iyon?' Hindi ito sumang-ayon bagkus sinabi niya ang katagang ito, 'Hayaan na ninyong lumago kapwa hanggang sa anihan."

Queries: Compilation Of Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon