THERE'S NO HAPPY ENDING
This story is dedicated to Yammy Escalona.
"Happy endings doesn't really exist."
She's one of those readers who continuously supported me, simula nang magsulat ako sa mundong ito.
Palagi siyang nagbibigay ng mga komento tungkol sa mga akdang sinusulat ko, hindi siya kagaya ng mga ibang mambabasa ko na tanging positive comments lang ang binibigay. Minsan sa sobrang straightforward niya, marami na ring mga readers ko ang naiinis sa kaniya, hindi ko na lang pinapansin iyon. I'll just take her advices at ina-apply sa pagsusulat ko.
Nasanay na ako sa kaniya.
Until one day, I chatted her, nagpasalamat ako sa mga advices na ibinigay niya, and guess what? She just replied a like emoji partida matagal pa siya bago nagreply. That day, mas lalo lang akong na-amaze sa kaniya, sa kaniya ko rin naramdaman na hindi porket famous writer ka ay pinagkakaguluhan ka na ng lahat. Napahiya ako sa sarili since that day dahil akala ko ay tatadtadin ako nito ng napakaraming chats dahil napansin ko siya.
She's really different.
I challenged myself. Kapag naging kami nito, I'll marry her. Nakakatawa man pero malabo kasing pakasalan niya ako, kaya iyon na lang ang naisip ko.
I chatted her again, kinulit-kulit ko siya hanggang sa malaman ko ang mga bagay tungkol sa kaniya.
We became close friends.
Maraming bagay kaming pagkakapareho pero mas angat pa rin talaga ang pagkakaiba namin.
She's five years broken hearted woman. Five years, hindi pa raw ito nakakamove-on dahil mahirap pa raw pakawalan. Habang ako, no girlfriend since birth dahil focus sa pag-aaral at pagsusulat.
Maayos naman ang lahat, nakikipagkulitan na rin siya sa akin, I even flirt with her pero lagi niya lang tinatawanan ang mga banat ko, halos lahat nga ng mga mambabasa ko ay akala na kaming dalawa na dahil halos lahat ng mga akdang pino-post ko ay dedicated sa kaniya. Palagi niya lang itinatanggi ang mga sinasabi nila while I'm just quietly watching her actions.
How can he reject Liam Gonzales, me? Because she's Yammy Escalona at siya lang ang may kakayahang ganiyanin ka. Tinawanan ko na lang ang sarili ko.
Hanggang sa nagpaalam siyang hindi muna babalik sa account niya para hilumin ang sarili niya. Habang ako naman ay patuloy na nagsusulat ng mga akda at hinihintay ang pagbabalik niya.
I miss her.
Habang patagal nang patagal na wala kaming komunikasyong dalawa, mas lalo lang lumalala ang nararamdaman ko sa kaniya.
I kept it for I'm scared. What if wala siyang nararamdaman sa akin? What if kaibigan lang talaga ang maibibigay niya sa akin? I quickly moved my head because of disappointment I'm gaining.
She came back, as always, nalaman ko dahil nagcomment nanaman siya sa bagong update kong story.
"It's too much sadness, ayos ka lang ba?"
Ayos nga ba talaga ako?
I immediately chatted her, saying that I'm just fine, dinadaga pa ring umamin ng nararamdaman sa kaniya. Lol.
"I'm not going to leave again, never," anito sa voice call namin.
"Why?" I asked.
"He's back again! The guy I'm talking to you, 'yong five years ko ng mahal!"
"Are you happy that he's finally back?"
Because I do, I'm happy and at the same time unfortunate that you're finally here.
"Of course."
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin. Pinakawalan ko ang isang buntong-hininga bago nagsalitang muli.
"May sasabihin ako, Yammy."
"Hmn... Ano 'yon? Are you sure ayos ka la-"
"I think I like you, no, I think love you, Yammy."
Wala akong narinig na salita mula sa kaniya, ilang minuto pa bago siya sumagot.
"Liam..."
"It's fine, pwede mo pang pag-isipan ang sagot mo, hindi kita minamadali," sagot ko at saka nagmamadaling pinatay ang tawag.
Naglog-out din ako, siguro dahil takot akong malaman ang sasabihin niya, call me coward but I'm use to it.
I logged in my account again after a couple of hours of thinking, bumalik ako sa pagiging makulit at clingy sa kaniya, sa tuwing binubuksan niya ang topic tungkol sa sinabi ko, palagi ko siyang pinapahinto at sinasabing may oras pa siya.
Not until that night came, nagulantang ako sa nakita ko, halos hindi makagalaw sa kinatatayuan, para bang nawalan ako nang kakayahang kontrolin ang sarili para magpatuloy sa paghakbang.
Kian Constello is in a relationship with Yammy Escalona.
Bumalik ako sa conversation namin, para sana itanong kung kailan pa sila nagkabalikan ni Kian pero bumungad sa akin ang mga chats niya.
"I'm really sorry, Liam. Kaibigan lang talaga ang maibibigay ko sayo. I'm really sorry, it's just, kahit anong pilit kong kalimutan siya sa kaniya pa rin ako bumabalik."
"I'm really really sorry Liam, I'm sorry for everything, I'm sorry. Kahit pa siguro sagutin kita at sabihing gusto rin kita, it will never be enough, I'm still inlove with someone and that's not you."
"You don't deserve a woman like me. I hope you understand, Liam. I love you but as my closest friend only."
Unti-unting nagsilaglagan ang mga luha sa pisngi ko, maging ang katawan ko ay unti-unti na ring sumusuko. I smiled bitterly, I guessed it was true, that happy endings doesn't really exist.
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
Queries: Compilation Of Short Stories
Short StoryQueries: Compilation of Short Stories The story composed of compilation of different themes‚ genre and issues that has been written purely by it's author. The author's purpose is to express her thoughts and persuade the readers to think wisely with...