Prologue

41K 521 0
                                    

"So this is it? It will end here? DAMN IT! Ano bang ginawa ko?" Pagsusumamo ni Ly.

Tiningnan siya ni Den. Hindi niya alam ang isasagot. Nasasaktan siya sa nakikita niya ngayon. Hindi siya sanay na makitang ganto si Alyssa. Lumuluha at wasak na wasak.

Yung mga mata niya na puno ng pag-ibig kung tingnan siya noon, nag-aalab naman sa galit ngayon.

Binago ko yung expressive niyang mata. Kasalanan mo 'to, Den.

Napatigil siya sa pag-iisip ng biglang tumayo si Aly at tumitig sa kanya nang may galit.

"Bakit di ka sumagot? May pagkukulang ba ako? Hindi mo na ba ako mahal?" Pasigaw niyang sabi at bumulong sa huling linyang kanyang binigkas.

Naiinis si Aly dahil parang hangin lang siya sa kanyang kausap. Hindi ito sumasagot sa kanyang mga tanong. Parang wala na talaga siya kay Den. Pero alam niya sa sarili niya na mahal siya ni Den. Hindi niya lang talaga alam kung bakit nakikipaghiwalay ito sa kanya. Sobrang saya lang nila nitong mga nagdaan na araw. Wala siyang maisip na dahilan upang makipaghiwalay sa kanya.

Pinunasan ni Ly ang mga luhang pumatak sa kanyang mata. Natatawa sa kanyang isipan dahil hindi naman talaga siya iyakin. Ni hindi talaga siya umiiyak.

"May iba na ba?" Muling tanong niya ngunit mas mahina pa sa bulong niya kanina. Kahit alam niya naman na mahal siya ni Den, hindi na siya sigurado. Sa totoo lang, wala na siyang kasiguraduhan sa lahat ng mga bagay ngayon. Yung taong sigurado niyang mahal na mahal niya, parang magiging malabo ngayon.

"O-oo, Ly." Utal na sagot ni Den. Wala naman talagang "iba". Sa tingin niya lang ay ito ang magpapatigil kay Ly sa pagtatanong. Nakita niya ang reaksyon ni Ly nang sinabi niya ang mga salitang iyon. Parang nahati ang kanyang puso. Gusto niyang bawiin lahat ng sinabi niya. Gusto niyang gumalaw, tumakbo sa pwesto ni Ly at yakapin siya. Gusto niyang punasan ang mga luha ni Ly at sabihin na magiging maayos din ang lahat. Pero hindi na. Hindi na pwede. Mas masasaktan lang sila pareho pag pinagpatuloy pa nila ito.

"Si LA ba, Den?" Gigil na tanong ni Ly. Alam niyang madalas silang magkasama ni Den pero hindi na siya naghinala. Hindi na lang niya pinansin dahil malaki ang tiwala niya kay Den. "Sana pinansin ko na lang.", bulong niya sa sarili.

Hindi na naman sumagot si Den kaya lalong nainis si Ly. Sinuntok niya ang pader kaya bahagyang dumugo ang kanyang kamao. Nagulat si Den kaya mabilis niyang nilapitan si Ly at maiging tiningnan ang kanyang kamay. Bago pa man mahawakan ni Den ang kamay ay naitulak na siya nito.

"Si LA ba?" Tanong muli ni Aly. Hindi naman ito pinansin ni Denden.

"Akin na yang kamay mo, Ly. Please, gagamutin ko lang." Akma niyang hahawakan ang kamay ni Ly ngunit sinampal lang niya iyon palayo.

Tinitigan lamang siya nito at naghintay ng sagot. Wala siyang magagawa kundi sagutin ang tanong nito. Hindi niya kayang makipagtitigan sa kanya dahil baka makalimutan niya kung bakit niya ginagawa ito at hatakin na lang niya si Ly para halikan.

"Oo, siya nga." Sagot ni Denden nang nakayuko.

"Sana nangialam na lang ako. Sana hindi ko na lang kayo hinayaan at iniwan sa mall nung araw na iyon. Hahaha. Tanga ko talaga." Tumatawang sabi ni Ly. Pero makikita sa mata niya na hindi talaga siya masaya.

Hindi na kaya ni Ly manatili sa kwartong iyon. Hindi na niya kayang makita na wala ng pake sa kanya si Den. Kailangan na niyang umalis.

"Ah sige, paalam na. Sana masaya ka. Sana hindi mo 'to pagsisihan. Hahahaha. Bye, Den. Bye." Sabi ni Ly nang nakatalikod kay Den. Umiiyak na rin kasi ito at hindi niya kayang makitang ganun ang itsura ni Den ngayon. Mas nasasaktan siya para dito.

Pagkasarang pagkasara ni Ly ng pinto ay napaupo si Den sa kama. Hindi na niya kinaya. Humagulgol na siya.

"Kung alam mo lang, Ly. Pinagsisihan ko na agad 'tong desisyon na 'to. Bye, Ly. Bye."

Countdown to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon