Chapter 46: The Ring

13.5K 297 13
                                    


"So paano naging kayo?" Tanong ni Ella kila Alyssa at Rad. Tapos na silang kumain at nakaupo na sila ngayon sa may poolside. Dahil namiss talaga nila si Ly, pinagkukwento nila ito.

"Naging magbestfriends?" Bulong ni Ly kay Rad.

"Sagutin mo na lang." Sabi ni Rad at saka hinampas si Ly. Natatawa pa ito.

"Ehem ehem." Ubo ng mga kasama nila.

"Hahaha. Sorry sorry. Ganto kasi yun. Nag-away kami tapos bigla siyang napaamin. Pagkatapos nun hindi na ulit niya ako pinansin ng ilang araw. Nung wala na siyang classes, may mga kinausap ako na magbigay ng notes sa kanya tapos ayun naghihintay ako sa garden. Dun ko na siya tinanong." Sabi ni Alyssa.

Totoo naman ang sinabi niya pero hindi nga nman talaga sila.

"Teka, ito ba yun?" Kim asked. May ipinakita siya sa kanila na pictures from Alyssa's fan page.

"Hala! May picture nun?" Alyssa asked. Maski siya ay nagulat. May fan page pala siya.

Sa picture ay yung magkayakap na sila ni Rad. Mukha ngang sinagot siya ni Rad sa picture na iyon kaya mas lalong kapanipaniwala ang relasyon nila.

"Alypagong, niyaya kami ni ano." Pag-iiba ni Ella ng topic.

"Nino?"

"Ni..." Sabi ni Ella. Di niya alam kung okay na si Ly pero dahil kaibigan niya ito dapat niyang malaman na naging kaibigan niya ulit si LA.

"Nino nga?"

"Ni LA sa Palawan." Sabi ni Ella.

Medyo nag-iba ang expression ni Ly pero agad din itong bumalik sa dati. Sa sobrang bilis nang pagpapalit nito ay hindi na nahalata ng ibang tao maliban kay Rad. Kabisado na niya si Ly. Ganun din naman si Ella at Ara pero malayo sila ngayon sa pwesto ni Ly kaya hindi na nila napansin.

"Oh? My dad bought a hotel there. Bakit nga pala kayo pupunta?" She asked. She's sure na nandun din si Den. She kinda felt disappointed nung makita niyang wala pala si Den sa welcome party para sa kanya. Ang tanga niya lang para mag-expect. Iniwan na nga siya para kay LA, nag-expect pa din.

"Party for her mom." Ella said.

"Mom? Her mom?" Pagtatakang tanong ni Ly.

"Ah eh Den's mom." Ella said,

"May mom si Den?" Pagtatakang tanong niya ulit. Si Mike ang kilala niya. Tuwing pumupunta siya sa bahay ni Den, walang mom ang nandun. Hindi din naman nagkkwento si Den about her kahit nung hindi pa sila at nung sila pa. Who the hell is her mom?

"Ah yes. Yes. I think you and Rad can go. We can invite daw e." Sagot ni Ara. Siya na mismo nagsabi.

"Babe, you want?" Alyssa asked Rad. Rad nodded.

"Kailan ba 'to?" Alyssa asked. April pa naman effective yung pagiging head niya ng CV Hospital. Hindi lang naman iyon yun eh. May kompanya sila at yun naman talaga ang hahawakan niya.

"March 24." Kim said. Nag-aalangan pa siya.

This time nagbago na talaga ang expression ni Ly. Napansin na ito ng lahat. Alam nilang ito ang anniversary nila ni Den.

Alam ni Rad na marami pang katanungan ang mga kaibigan ni Ly at ang isang gabi won't be enough para sa mga katanungan na yun. That's why she felt the need to leave them.

She kissed Ly on the cheek. "Akyat lang ako. Aayusin ko na gamit natin." She said and then left nung tumango si Ly.

Medyo matagal bumalot ang katahimikan sa kanila nang basagin ito ni Trisha. Kanina pa siya nanahimik.

Countdown to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon