Chapter 24: You Already Got It

17.2K 397 24
                                    


Ngayon makakaharap ng Specter Academy ang school kung saan nag-aaral ang tatlong babae na sumampal kay Ly at kina Ara at Kim. Missing in action pa rin ang dalawa dahil kailangan talaga nila bumawi sa mga binagsak nilang subject.

Isa lang ang nakikilala ni Alyssa. Mukhang wala yung dalawang maliit na sumampal sa kanya. Ang isang ito ay si Daquis, ayon sa jersey nito.

"You ready?" Tanong ni Den sa kanya.

Tumango na lang siya at naggame face on.

They got the first set pero hindi pa rin niya namumukhaan gamit ang bola si Daquis. She still got 2 more sets. Pinaplano niyang gawing 3-0 ang larong ito para madurog niya ang pride ni Daquis.

Nasa harap na ng net si Alyssa at nasa harap din si Daquis.

"Volleyball player ka pala. Kala ko player ka lang." Inis na sabi ni Daquis. She really liked Alyssa nung sinasamahan pa siya nito noon. Akala niya nagseryoso sa kanya si Alyssa, yun pala niloloko na sila ng teammates. Yung dalawa niyang teammates na sumampal din kay Alyssa ay lumipat na ng school. They got hurt real bad by Alyssa. Lakas mo, Ly!

"Hindi ko pa rin nakakalimutan ang sampal mo. I'll have my revenge soon." Alyssa smirked. As much as Daquis wants to answer back, hindi na pwede. Pumito na ang referee so magseserve na ang kupunan ni Alyssa.

Nareceive ito ng kabila, sinet ni Daquis pero overset ito kaya na-spike ni Alyssa. Score! Now, Specter got the 2nd set!

Pansin ni Den na magkausap ang dalawa sa pagitan ng net. Nasa bench muna siya para magpahinga. She didn't understand anything from their conversation dahil malayo siya pero she saw Alyssa smirked. Dun niya lang naalala na Daquis was one of those who slapped Alyssa hard.

After ma-spike ni Aly yun ay dumiretso ito agad sa bench. Hindi ito napansin agad ni Den dahil ang kinausap nito ay si Bea.

"Bei, nice one from a rookie!" Pagbati niya kay Bea at tinapik niya sa ulo tho matangkad ito.

"Thanks ate Den!" Sabi ni Bea at inakbayan niya ito.

Hindi napansin ni Den na nakatingin lang si Ly sa kanila. Alyssa stood up and poked Den.

Den looked at her. Medyo madilim ang aura ni Alyssa. Alyssa passed by at her para pumasok sa court for the last set.

Okay, what was that? She asked herself.

It was Alyssa's turn to serve. Lumakas ang hiyawan dahil siya na nga ang magseserve. Valdez's fans dominated the whole Specter Gym.

Pawis na pawis si Alyssa but she will lack of time para makakuha ng towel from the bench. Binitawan na muna niya ang bola at tinaas ang jersey para punasan ang mukha niya. After that, mas lalong lumakas ang hiyawan ng lahat. Surprised and shocked, Den stopped and stared at Alyssa's well-toned abs. Naiiba na ni Ly ang jersey at nakapagserve na pero tulala pa rin siya. It was a service ace from Alyssa dahil namishit ni Daquis iyon at nag-out. Mukha naman wala ito kay Alyssa dahil she's too focused on the game.

"Matunaw." Sabi ni Ella kay Den. She was sitting right beside her, resting too.

Den just shook her head off but she can't remove the image of Alyssa's abs from her head.

"Hahahahahahahaha. Sabi mo sa akin ayaw mo sa abs. People do change no?" Sabi ni Ella, remembering yung sinabi sa kanya ni Den.

"I-i still don't like though." Sabi na lang ni Den.

"Oo na lang, Den."

The crowd was chanting, "Isa pa. Isa pa." Obviously, referring sa pagpapakita ni Alyssa ng abs.

Countdown to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon