Sabay pumunta sa hospital si Alyssa at si Den. Nakatira naman sila sa iisang bahay e.
Hindi naman alam yun ng mga empleyado ni Ly kaya nagtataka sila. Ang weird talaga ng hospital ni Ly. May office sa taas. Para na din daw hindi na niya kailangan puntuhan ang main building ng kompanya kasi mas gusto naman niya sa hospital. Magkatabi lang din naman e kaya yung office niya dinala na niya sa ospital. Madalas kasi siya ang humaharap pag may absent na psychologist.
"Close kayo ni boss?" Tanong ng katabi ni Den. Mia pala ang name niya.
Hindi sumagot si Den. Ngumiti lang siya nang awkward. Hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin o kaya dapat ba may sabihin siya.
"Sabay kayong umalis nung isang araw. Tapos absent kayo pareho kahapon. Ngayon naman, sabay kayong pumasok. Nakakapagtaka lang." Sabi ni Mia.
"We're actually high school classmates tapos iisa kami ng circle of friends." Den said.
"Oh? Tingin ko higit pa dun." Sabi ni Mia habang nagsscroll ng phone,
"Ha?" Takang tanong ni Den.
"Look. You two have pictures on ig. Hehehe. I follow boss kasi and ang daming nakatag sa kanya nung chineck ko. You two were holding hands." Sabi ni Mia.
Inagaw ni Den yung phone ni Mia nang ipinakita sa kanya ito.
Meron ngang pic dun na magkaholding hands sila.
"Uhhh. Hindi ba pwedeng magholding hands ang magkaibigan?" Den asked.
Umiling si Mia.
"Ha? Pwede kaya." Den said.
"Hindi nga. At saka you're holding a bouquet of flowers oh." Sabi ni Mia at tinuro ang pic.
"Ah eh, malay mo bigay ng iba yan?" Den said.
"At saka, pumunta talaga kayo sa beach ng Palawan? Sweet!" Mia said.
"How did you know na sa Palawan yan?" Den asked.
"May caption o." Sabi ni Mia. Mga fans ni Ly pala ang kumuha ng picture. Fans nung high school pa sila.
"So may something nga?" Mia asked.
"Something. W-wala." Sabi ni Den at umiling.
"Okay, pwede pa pala si Boss. Best friend niya lang pala si Rad! Sayang! Bagay pa naman sila!" Sabi ni Mia. She's trying to make Den react. Alam naman niyang may something e.
"Pwede?" Den asked.
"Pwede as in single and ready to mingle." Mia said.
"No." Den said.
"No? Single naman siya ah!" Mia said.
"Okay okay. She's courting me." Den said.
"Porket nililigawan ka, di na siya pwede sa iba?"
"Of course, yes!" Den said.
"No."
"Yes."
"No."
"Yes. Ikaw ba pag niligawan ka, sasagutin mo ba kung may iba pala siya?" Den asked.
"May iba ba sabi ko? Ang sabi ko pwede siya sa iba." Mia said.
"It's just the same."
"No."
"Yes."
"Anong pinag-uusapan niyo?" Alyssa asked. Lumabas siya para yayain si Den maglunch. Napansin niyang may kausap si Den.
BINABASA MO ANG
Countdown to Forever
FanfictionShe gave me forever within the numbered days. Alyssa was always left alone by the girls she loved. She treated girls like toys and played with their hearts as long as she wanted. Then, Den came. She changed her but she also left, just like the three...