"Ay besh. Niyaya namin sila ni Daquis." Sabi ni Ella."Daquis? Rachel Anne Daquis? Yung nakalaban natin nung championship nung 4th year high school? Close kayo?" Den asked. She remembered her. Isa siya sa mga sumampal kay Alyssa nung una nilang pagkikita.
"Yeah. Siya nga. Hindi kami close. Siya yung girlfriend ni Ly." Sabi ni Ella.
"Huh?!" Den asked.
"Makahuh ka dyan. Oo sila."
"Paano?"
"They're roommates. Wait nga. Nagseselos ka ba?" Ella asked. Medyo ngumingiti dahil rumereact na si master Den.
"No, besh. Nagtaka lang ako." Den defensively said.
"Guess what." Ella asked. May something na sa utak niya. Hindi lulubog ang ship!
"What?"
"Guess nga e." Sabi ni Ella.
"Alam mong wala akong hilig diyan, besh." Sabi ni Den.
"Tssss. 3rd Anniversary nila ngayon." Sabi ni Ella.
"Huh?! Matagal na sila?" Den shouted.
Ang bilis naman ata makamove on ni Ly. Syempre nasasaktan siya. Ngayon pa nga lang niya sinagot si LA tapos siya 3 years na with Daquis. Sila nga ni LA pero magulo pa din ang puso niya tapos si Ly may girlfriend na pala for 3 years. Masakit pero siya din naman ang may kasalanan.
"Oo, 3 years nga. Kaysa naman sa 30 days." Ella said.
"Oh come on, besh. We talked about this." Sabi ni Den. Alam niyang nagalit si Ella sa kanya nung nakipagbreak ito kay Ly. Ella warned her na wag iwan si Ly pero she still did anyway. Nagkaayos sila pero alam niyang may tampo pa rin si Ella sa kanya. Kaya nga mas lalo siyang naging close kay LA kasi feel niya hindi na siya welcome sa group nila pero welcome naman talaga siya. Iniwas niya lang talaga ang sarili niya dahil lagi namang si Ly ang pinag-uusapan nila.
"Kasi I don't understand you. Ang daming options, Den. Pwede mo namang sabihin kay Ly yung totoong rason. Pero anong ginawa mo? Kinimkim mo. Ly could have understood your situation. Hindi mo nga lang siya binigyam ng pagkakataon."
"Tingin mo ba hindi ko naisip yun? At anong gagawin niya? Ipaglalaban kami? My mom was dying that time!" Den shouted. Mukhang mag-aaway na naman sila ulit.
"No! She's willing to wait for you! Hindi mo naman kailangan makipagbreak sa kanya!" Ella shouted too.
"Wait for me? I can't assure her na babalik pa ako. I can't assure na magiging kami ulit . I can't assure her na ganun pa din." Den said na mas kalma na ngayon.
"Pero ganun pa din hanggang ngayon, di ba? Kasi I can sense it, Den. Mahal mo pa si Ly." Ella stated. She's now sure na mahal pa nito si Ly.
"Mahal ko si LA." Sabi ni Den. Hindi siya sigurado kung kay Ella niya ba talaga sinasabi iyon o sa sarili niya.
"Make yourself believe that." Ella said.
Tumahimik si Den. Alam niyang tama si Ella. She still loves Alyssa. Damn, Alyssa's presence fucking changed everything!
"You know what? Hindi mo mahal si LA. You're just in love with the thought of falling in love with him. Siya kasi ang lagi mong kasama. Baka nga ganun lang yun. Anyway, aalis na ako. Good night, Den. Think about it." Ella said and then left Den questioning her life for the past 5 years.
Mali ba talaga ang desisyon niya 5 years ago?
-------------------------------------
"Ang ganda ng painting mo, babe." Rad said. Nasa painting room sila ni Alyssa at tinitingnan ni Rad ang pinakahuli niya painting. Yung ginamitan niya mismo ng dugo.
BINABASA MO ANG
Countdown to Forever
FanfictionShe gave me forever within the numbered days. Alyssa was always left alone by the girls she loved. She treated girls like toys and played with their hearts as long as she wanted. Then, Den came. She changed her but she also left, just like the three...