Special Chapter

19K 379 36
                                    

Okay, our wedding was really a throwback themed wedding. Hindi ito yung beach wedding namin somewhere in Batangas. Nung 2nd wedding namin sa New York yung throwback wedding.

Alyssa was wearing her old jersey at nakaspandex pa siya nun. Nakakatawa lang! Ganun din yung mga kaibigan namin. Syempre pati ako. Blue rose ang bulaklak na nasa paligid. Nung sa reception naman, umacting naman ang mga kaibigan namin na parang kami ni Alyssa nung high school.

Si Ara as Alyssa and si Bang naman as me! Hindi ko alam kung oa sila or ganun lang talaga kami ni Alyssa nung high school.

Nakaupo kami ni Alyssa habang sila ay nasa stage. Pinapanood namin silang gayahin kami. Natatawa na lang ako kasi feeling ko nga ganun talaga ako ka-OA nung high school.

Mika: Musta kayo ni Den?

Ara: Otw to forever na pre.

Naghiyawan ang mga tao. Napatingin ako kay Alyssa nun.

"Kailan yun?" I asked her.

"Nung nagkabati ata kami. Hehehe. Look, nasa forever na tayo!" Alyssa said.

Bumalik si Bang wearing a yellow dress. Shit! Ito yung katangahan ko.

"Go Valdez. Go Valdez!" Sigaw ni Bang habang sumasayaw nang may hawak na pompoms. Ganun ba talaga yung itsura ko dati.

Lumapit si Ara sa kanya.

Ara: You looked good in that dress.

Bang: I looked like a bee!

Ara: Then, I will be your honey.

"Ano ba yan? Hindi man lang exact words." Sabi ni Alyssa.

"Hayaan mo na. At least, andun yung thought." Sabi ko sa kanya.

"Sabagay, wala namang makakagaya kay Alyssa Valdez." Sabi niya kaya kinurot ko siya, yung kayabangan na naman niya, lumalabas.

"Ang bigat na ata ng ulo mo, bee. Napupuno na ng hangin eh!" Sabi ko sa kanya.

She kissed me on my cheek at sinabing, "mabigat kasi ikaw ang laman."

Natawa na lang ako at bumalik sa panonood ng skit nila.

Ara: Den, alam mo kung anong masarap na kape?

Bang: Masarap daw yung kape dun sa bagong bukas na coffee shop. Let's try?

Ara: Ako, kahit saan. Ang masarap na kape lang naman para sa akin ay ang maKAPEling ka.

Tumawa ako, si Alyssa at ang mga bisita namin.

Naaalala ko 'to! Hinampas ko si Alyssa nun sa kilig e. Ang random niya lang talaga!

Ara: Den, hindi mo ba ako tutubusin?

Bang: Huh? Pinagsasabi mo?

Ara: Malaki na kasi interes ko sa'yo e.

"Sobrang namula ka nyan noon, bee." Bulong sa akin ni Alyssa.

"Luh, mainit lang nun." Sabi ko.

"Asus, kunwari ka pa." Sabi niya at saka inakbayan ako. I leaned my head on her shoulder.

Ara: Den, pwedeng pahiram ng full name mo? Pakisulat na rin sa makapal na kahoy.

Bang: Huh? Ano?

Ara: Panghahampas ko lang sa mga taong tanong nang tanong kung sino daw gusto ko.

Tumigil si Bang sa stage at tiningnan si Ara na nakanganga. Nakanganga ba ako noon?!

Countdown to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon