Chapter 42: They Fell

12.6K 300 26
                                    




Umuwi ng late si Den. Napatagal sila sa pagpaparty. Nakainom din siya. Gusto niya kasing makalimot. Puro si Alyssa kasi ang pinag-usapan nila at syempre nasasaktan siya. Marinig niya lang ang pangalan nito ay nasasaktan na siya. Masakit na marinig ang pangalan niya, dahil mas lalo niyang namimiss ito kahit siya naman ang nang-iwan.

Nang maisara niya ang pinto ay nagsalita si LA.

"Bakit ngayon ka lang?" He asked.

Nakatira sila sa iisang bahay. Ayaw man ni Den ay ito ang kondisyon ng kanyang ina. She can't say no dahil baka atakihin na naman ito sa puso. Gusto niya kasing mag-aral sa Ateneo pero ayaw ng nanay niya. Para pumayag ito, LA needs to be by her side. Though she loathed the guy, pumayag siya. Her life is in Manila. Pero ang puso niya, somewhere in New York, di niya lang alam.

"Mind your own life." Mataray na sagot ni Den.

"You know I can't and I won't. Uminom ka ba?" LA asked seriously. Hindi alam ni Den na may lihim na gusto na pala sa kanya si LA. Sa araw-araw na kasama ni LA si Den, nahulog na siya dito. Kahit na lagi siyang tinatarayan ni Den, gustong gusto niya pa rin ito pero hindi siya pwedeng umamin. Magiging magulo ang trabaho niya.

"It's none of your business." Sabi ni Den at umakyat na pataas.

"You're my business, Den." LA said.

"Then go fuck yourself." Matapang na sabi ni Den at pumasok na sa kwarto niya.

She cried. Kung dati ay feeling niya nakakulong siya sa dad, ngayon naman ay nakakulong na talaga siya. At wala siyang magawa para makatakas, makaalis sa pagkakakulong na yun. Since wala ang dad niya dahil kasama nito ang nanay niya sa Canada, si LA ang kumokontrol sa kanya. She just can't handle it.

Pumunta siya sa kama niya. Kahit tatlong beses niya pa lang nakasama si Alyssa doon, tandang-tanda niya pa rin every little detail ng panahon na iyon. Yung mga movies na pinanood nila, yung pasimpleng akbay nito sa kanya, yung paghiga nito sa lap niya, yung paglalaro nito sa kamay niya, yung paglaro niya sa buhok nito, yung mga banat niya. Lahat. Lahat naalala niya.

That made her miss Alyssa more.

Kahit naman hinanap niya ito through social media accounts ay wala siyang nahanap. Fan pages lang lahat. Pero kahit fan pages lang iyon, she checked it. Nagbabakasakali siyang may balita dito.

She clicked a new made fan page. May nag-iisang pic doon. She tried clicking it and zooming it in pero malabo ito at medyo dark.

Wala namang information yung page. Alyssa Valdez lang talaga ang nakalagay.

Tinitigan niya ang picture nang maigi. She somehow felt something. The figure matches Alyssa's. Medyo nakatalikod iyon. Para siyang nasa isang street na puno ng ilaw. Low quality lang ginamit nung kumuha ng pic kaya nagmukhang madilim.

She was checking it nang may biglang nagcomment.

"Hope we're classmates!"

"She's a psych student tho."

"Heard she plays volleyball"

Den tried clicking the profile of those who just commented. Sadly, mga nakaprivate account 'to.

Yung mga commentsomehow confirmed na si Alyssa nga iyon. Her Alyssa.

Her heart breaks because of the last comment.

"She was with her girlfriend awhile ago. I cri. 😭. The girl's super hot tho."

-----------------

2 years later

"Hi Miss! I'm Danny!" Pakikipagkilala ng lalaki kay Rachel.

"Fuck off." Sabi ng katabi niya. She somehow giggled.

Countdown to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon