"Ang weird ni Aly ngayon." Sabi ni Ella."Sobra! Ang clingy niya pa kay ate Den." Sabi naman ni Jia.
"May something na ata sa dalawang yan eh." Sabi ni Bea.
Pupunta na sila sa parking lot para makauwi na. Naglalakad si Alyssa at Den sa harap nila. Nakaakbay si Alyssa kay Den at si Den naman ay nakahawak ulit sa bewang ni Alyssa. Naglalakad sila na parang sila lang ang tao doon.
"Hoy Alyssa! Bakit mo kami iniwan dito?" Tanong ni Ara nang makita niya si Alyssa na papunta na sa kotse nito. Hindi sila umalis ni Kim para makita nila kung ano ba ang gagawin ni Alyssa. Well, mukhang epektibo yung sinabi nila kanina.
"Kaya nga! So, ano magqquit ka pa ba sa volleyball team?" Tanong naman ni Kim.
"You'll quit?!" Sigaw ni Den at saka bumitaw sa PAGKAKAYAKAP kay Alyssa para maharap niya ito.
"Makasigaw ka naman." Sabi ni Alyssa at saka humawak sa tainga niya. "I won't. I changed my mind." Sabi niya kay Ara at Kim. Natawa naman ang dalawa.
"Guys, alis na kami!" Sigaw nung teammates nila Den. Nagpaalam na sila pero naiwan si Ella dahil lagi naman silang sabay ni Den.
"Why did you think about quitting ba kasi?" Tanong ni Den. Mas malumanay na siya ngayon.
"The two of them won't join. I don't play volleyball without them. Kailangan ko na ata masanay na maglaro nang mag-isa." Sabi ni Alyssa. Hindi talaga siya sana nang wala ang dalawa niyang kaibigan.
"Who told you that you'll play alone? Andito ako..." Sabi ni Den. Napaubo naman si Ella at sina Ara at Kim. Kaya dinugtungan ni Den ang sinabi niya.
"Kami, andito kaming magiging teammates mo." Sabi niya nang na-realize niya yung sinabi niya.
Natawa naman ang si Ara at Kim sa kanya. Tiningnan niya ang dalawa na parang papatayin niya ito. Kaya napatigil sila sa pagtawa.
"Muntikan ko nang makalimutan. Di ba sabi ko sa inyo bantayan niyo si Alyssa?!" Sigaw nito sa dalawa. Natakot sila kaya bahagyang napaatras ang mga ito.
"Ah eh, Den, tumakbo siya bigla." Sabi ni Kim at saka nagtago sa likod ni Ara. Nakatayo naman si Ara nang tuwid at bahagayang nanginginig. Bahagyang natatawa si Alyssa, kung hindi siguro galit ang kasama niya, hahagalpak siya sa tawa. Mukha kasing pinapagalitan ng nanay nila ang dalawa.
"Ikaw kasi, bakit ka tumakbo?!" Hinarap ulit ni Den si Alyssa. Hindi naman natakot si Alyssa. Sa mga oras na nakasama niya si Den, kilala na niya ito agad. Yung mga gantong reaksyon niya ay nagpapakita lang na nag-aalala siya. Kinilig siya. Hindi siya natakot.
"I already told you the reason." Alyssa smirked. Alam niya kasing kinilig din si Den sa sinabi niya.
She's right. Namula si Den at lumambot yung expression ng mukha niya. Dahil maputi siya, pulang-pula ang mukha nito.
"Okay, ano yun?" Sabi ng nanahimik na si Ella.
Umakbay si Alyssa kay Den at nagpeace sign.
"Secreeeeeeeet."
-------------------------------------------------------
Natapos ang week na hinihintay ni Alyssa para makapagtraining. Hindi na masakit ang ankle niya at nakakalakad na siya nang maayos.
Nasa Specter Gym sila at sa wakas ay kumpleto na sila. Makakapagpractice na sila ng maayos,
Medyo madaming tao sa gym nila kaya nakapagtataka.
"Teka, Bakit ang daming tao?" Tanong ni Mich. Kahit part na siya ng basketball ay sumali na rin sa volleyball gaya ni Alyssa. Medyo kulang kasi sila dahil kahit pala si Bang at Mela ay hindi na din naqualify dahil grade 11 na din pala sila.
"Shet ka, Ly. Hanggang volleyball ba naman?" Sabi ni Ella. Hindi pa nakikita ni Den at Aly ang sinasabi nila dahil nasa likod sila at nag-aaway. Yep, sabay sila.
"Akin na nga kasi yan!" Sabi ni Den habang inaagaw ang bag niya kay Alyssa. Hanggang ngayon ay nasa tapat pa rin sila ng gym.
"Ako na nga kasi ang magbubuhat!" Sabi ni Alyssa. Tinaas niya ang bag ni Den dahil inaagaw na ni Den ito sa kanya. Dahil maliit si Den, hindi niya maabot ito. Pilit na tumingkayad si Den pero mas lalo pa itong itinaas ni Ly.
"ALYSSA! Bahala ka dyan!" Sigaw ni Den nang mapagod na siyang abut n yung bag niya. Nagpantig na naman ang tenga ni Alyssa.
"Wow! Tinawag mo na ako gamit first name ko!" Sigaw ni Alyssa dahil pumasok na si Den.
Gusto ni Den yung gesture ni Ly pero naiilang na rin siya kasi tinutukso na siya. Isa na rin na may kumausap sa kanya na fan ni Alyssa.
FLASHBACK
2 hours ago"Kayo ba ni Alyssa?" Tanong nung isang maliit na babae.
"H-ha? No. Who are you?" Pagtataka ni Den. Sure siyang hindi ito naging 'girl' ni Alyssa. Hindi daw ito kagandahan. Lol.
"Akala ko madadagdagan na naman yung listahan ni Alyssa." Sabi nung babae at saka umalis. Napakunot ang noo ni Den dun sa babae.
END OF FLASHBACK
That bothered her. Nakalimutan niyang 'chick girl' si Alyssa.
Pero wala na akong nakikita ni isang babae na umaaligid kay Ly. Sabi niya sa sarili niya.
Ever since na naging close sila ni Ly, wala na siyang nakikita na babae na hinaharot niya. Oo, meron lumalapit sa kanya, pero hindi na niya ito ineentertain.
Pero ayaw niyang maloko. Kailangan niyang umiwas muna kay Ly. Baka mahulog na siya nang di niya napapansin.
Hindi na pinansin ni Den ang dami ng tao sa gym.
"Madaming babae dun. In less time, may mahahanap na bagong babae si Alyssa. Madami dun. Hindi maarte, hindi conyo, hindi ikaw." Sabi ng boses sa isip niya.
"Yan ka na naman. Akala ko nawala ka na." Sabi niya sa isip niya.
"Madami dun na hindi ikaw. Madami dun na hindi si Dennise Michelle Lazaro. Madami dun ang hindi sinasamahan ni Alyssa kasi ikaw ang sinasamahan ngayon ni niya. Hindi mo na nakikita ang pakikipaglandian niya sa iba. Nasa iyo ang atensyon niya. Ano pa bang problema mo? Inggit lang sa'yo yun kasi close kayo ni Alyssa." Sabi ng boses sa isip niya.
Hindi na ulit nagsalita ang boses sa isip niya. Dahil sa sinabi ng boses sa utak niya ay gumaan ang loob niya.
That made her worry less.
Nag-ingay ang mga tao sa gym nang makita nila na pumasok si Alyssa.
"Iniwan mo naman ako dun eh. Oh, eto na bag mo." Sabi ni Alyssa kay Den, not minding the noise of her fans.
"Bakit hindi mo pinansin yung mga fans mo?" Sabi ni Den sa kanya without looking at her.
Alam ni Alyssa na may problema pero pinapagaan niya lang ang loob ni Den by teasing her.
"Wala lang. Mas gusto ko ikaw yung pumapansin sa akin." Sabi ni Alyssa at saka tumabi kay Den. Wala pa ang coach nila kaya umupo muna sila.
"Damn you!" Hampas ni Den kay Alyssa. Kinilig siya dun.
"Kilig ka naman. Hehehe, joke lang, bee. Ano bang problema mo? Tinatarayan mo na naman ako." Sabi ni Alyssa na nagtatampo.
"Wala, never mind." Tumayo na si Den at saka nag-istart magjog. Iniiwasan ang tanong ni Alyssa.
"Ay Den!" Sigaw ni Alyssa nung medyo nakakalayo na siya.
"Ano?" Sigaw niya pabalik.
"Pwede pahiram ng full name mo? Pakisulat na din sa makapal na kahoy." Sigaw ni Alyssa.
"Huh? Ano?" Napahinto si Den sa sinabi ni Alyssa. Ang weird daw naman kasi nung sinabi ni Alyssa.
"Ihahampas ko lang sa mga taong tanong nang tanong kung sino daw gusto ko!" Sigaw ni Alyssa nang nakangiti.
That made Den's jaw dropped. The whole crowd shut up. Napahinto sa warm-up ang teammates nila.
Did she just confess?!
"Now what? PARA DAMANG-DAMA NILA." Sigaw ni Alyssa ulit at saka nagjog.
DAMN HEART! Stop beating so fast! Sabi ni Den sa puso niya.
BINABASA MO ANG
Countdown to Forever
FanfictionShe gave me forever within the numbered days. Alyssa was always left alone by the girls she loved. She treated girls like toys and played with their hearts as long as she wanted. Then, Den came. She changed her but she also left, just like the three...