"Haaaays, ang sarap matulog. Buti na lang next week pa yung game 1. Gala tayo ah." Sabi ni Ly sa katabi niyang si Ara.
Nakahiga sila sa madamong bahagi ng kanilang paaralan. Katatapos lang nilang maglaro ng basketball. Hindi pa rin sila nakakapagpalit at suot pa rin nilang dalawa ang jersey nila.
"Mas kailangan nating magtraining, Ly. Adik ka talaga. Next next week mo na gawin yang balak mo. Teka, nasaan na ba si Kim? Sabi ng wag na munang magshower eh." Sabi naman sa kanya ni Ara.
Dahil kilala sila sa school nila, maraming nakatingin sa kanila kahit andun lang silang nakaupo. Lapitin ito ng mga babae. Lalong-lalo na si Ly. Huminga lang siguro siya ay tumitili na ang mga fangirls niya. Tuwing maglalaro sila nina Ara at Kim ay saka lang napupuno ang buong gymnasium ng school nila.
"Sorry guys. Hinabol ko pa kasi Mela e." Hinihingal na sabi ni Kim. Sa kanilang tatlo, siya pa lang ang may steady na relationship. Ang dalawa kasi ay mahilig pang maglaro. Since may itsura talaga sila ay marami talaga silang naloloko.
"Uy, out na daw results ah. Sino kayang top 1 natin ngayong 1st quarter? Tara tingnan natin! Nakapost na daw sa may bulletin board." Yaya ni Ara. Hindi niya napansin na nakatulog na pala sa tabi niya si Ly. Napagod kasi ang team captain nila sa katatapos nilang laro. Pasok na sila sa Women's basketball championship. Nasa kanila ba naman ang Big Three e.
"Hoy Ly, out na yung results. Hoy! Gumising ka na!" Sigaw ni Ara habang niyugyog si Ly.
Dali-dali naman itong bumangon at nagpunas ng kanyang mga mata. Hindi nila napansin na may tatlong babae ang papunta sa kanila. Magaganda ang mga ito at mapuputi. Dahil siya si Ara, ngingitian niya sana ito pero napalitan ito ng ngiwi dahil parang mga tigreng galit ang papunta sa kanila. Nagulat na lamang sila ni Kim sa ginawa ng mga babae. Pagkakababang-pagkababa ni Ly ng kamay niya sa mata niya ay sinampal siya nung tatlong babae. Tig-iisa sila. Dalawa sa kanan at isa sa kaliwa. Nagmarka sa mukha ni Ly ang bawat daliri ng tatlong babae. Doon napansin nina Kim at Ara na nakajersey ang tatlo at naka-cycling. Varsity players ang mga ito ng ibang school kaya lapat na lapat sa mukha ni Ly ang mga kamay nila.
"The fuck!" Sigaw ni Ly. Napahawak na lang ito sa namumula niyang mga pisngi. Agaw-eksena na naman sila.
Mukhang na-gets naman nina Ara at Kim ang nangyayari kaya napafacepalm na lang sila. Babaero talaga itong si Ly.
"Sabi mo ako lang, Valdez! The heck! Pati pala mga teammates ko pinatulan mo na!" Gigil na sabi nung maputi at nakabrace na babae.
"Sabi mo single kang hayop ka. Kaya pala pag niyaya kita sa training namin ayaw mo. How dare you?!" Sabi naman nung maliit na singkit. Hindi naman nila kasi kilala ang mga ito.
"Bestfriends ko pa!" Sigaw naman nung matangkad.
"Mahilig sa mapuputi si Aly no? Hahaha." Bulong ni Kim kay Ara. Dahil sa sinabi nila ay napahagikhik sila sa gilid.
Tiningnan lang si Aly nang nalilito.
"Problema nito?" Takang tanong ni Ara sa sarili.
"Pwede ba? Hindi ko kayo kilala." Sabi ni Aly. Everyone gasped. Yung tatlo mas lalong nanggigil. Lolokohin ka ba naman tapos sasabihan kang hindi kilala, sinong hindi manggigil?
"WTF?!" Sigaw ng mga babae. Bago pa nila masampal si Ly ay nakatakbo naman ito. Hindi nila ito nahabol dahil mabilis itong tumakbo at madaling nawala sa kanilang paningin.
Napatingin ang tatlo sa gawi nila Kim at Ara. Napatingin naman ang dalawa sa isa't isa.
"Oh no." Sabay nilang sabi.
-----------------------------
Hinihingal na nakarating si Ly sa tapat ng bulletin board. Kagaya ng mga nagdaang quarter ay suya pa rin ang number 1. Matalino ito at sobrang sporty. Mukha itong tahimik (kahit hindi) lang at misteryoso. Ito siguro ang mga nagugustuhan sa kanya ng mga babae.
"Ang sakit pa rin! Hindi ko naman sinabing kami na! Assumera ng mga yun! Ahhh. Namamaga ata." Sabi ni Ly sa sarili. Pabalik na siya ngayon sa usual tambayan nilang tatlo. Habang palapit siya ay nakita niya nag dalawa niyang kaibigan na nakapanghalumbaba. Natawa siya kasi pareho ito ng pwesto.
"Hoy! Para kayong mga tanga dyan! Tara! Libre ko kayo!" Sabi niya nang natatawa. Napatigil siya sa pagtawa ng napatingin sa kanya ang dalawa nang seryoso.
Sabay na binaba ng dalawa ang kanilang mga kamay.
"HAHAHAHAHA. Hindi ko alam mahilig na pala kayo sa blush-on! The eff!" Patawang sabi ni Ly. May marka din kasi ang dalawa. Pero tingin niya ay mas masakit pa rin sa kanya dahil kahit pagngiti ay nagdudulot ng hapdi sa kanyang pisngi.
"Tangna pre. Minsan kung mambabae ka sana hindi volleyball player." Sabi ni Kim na nakasimangot.
"Sana naman hindi mo rin kami iiwan. Kami sumalo ng mga spike nila!" Sigaw naman ni Ara.
"Hahaha. Oo na. Tara na nga. Ililibre ko na lang kayo!" Yaya niya sa mga kaibigan niya. Para makita ang sorry niya sa mga ito ay ililibre niya na lamang sila. Mayaman din kasi itong si Valdez. Napakahumble pa.
"Pre, ang sakit talaga ng pisngi ko! Buti na lang hindi tumabingi yung mukha ko sa sampal nila!" Sabi ni Ara. Napatawa na lang si Ly.
"Mambabae pa kasi." Sabi naman ni Mela. Kasama nila ito ngayon dahil free time naman na nila. Ito rin ang nag-aasikaso sa kanilang mga namamagang pisngi.
"Hindi ako yun! Aly, kasi naman eh! Ba't mo naman pinagsabay-sabay kasi yung mga yun?" Baling ni Ara sa kaibigan niya.
"Hindi ko sila pinagsabay-sabay. Hindi ko naman talaga sila kilala. Ewan ko sa mga yun kung saan nakuha yung number ko. Tawag ng tawag tapos makikipagkita. Ako naman, being the nice guy here, pupuntahan ko. Malay kong iba na ibig-sabihin nila dun! Basta alam ko I've met them in a bar and they kissed me. So I kissed back. That would be rude kung hindi ko sila hinalikan di ba." Pagkukuwento ni Ly sa kanila.
"Hayop ka talaga, Valdez." Komento ni Ara. Napailing na lang siya sa sinabi ng kaibigan.
"Kapag ikaw ang nambabae, hindi lang sampal ang aabutin mo. Babalatan pa kita ng buhay gamit ang nail cutter." Sabi ni Mela kay Kim.
Mukhang natakot si Kim kay Mela kaya napayakap na lang ito sa kanya.
"DUWAG." Aly
"HAHAHA. Ang pangit mo, Kim. Umayos ka nga!" Sabi ni Ara at binato si Kim ng fries.
Napatawa na lang tatlo sa itsura ni Kim.
-----------------------------------------
"Kung hindi mo kasi ako iniwan, hindi sana ako ganto." Bulong ni Aly sa isang painting. Painting na siya ang gumawa. Artistic din ito ngunit sa loob lang ng kwarto niya ipinapamalas ang galing sa pagpipinta.
Ang nasa painting ay si Trisha. Ex niya nung 3rd year sila which was last year. Hs pa lang ay maharot na talaga si Ly. She got the looks anyway.
"Ang drama ko. Hahahaha." Sabi na naman niya sa sarili. Kinuha niya ang gitara niya at tumugtog. Nang napagod siya ay humiga na lamang siya.
"Aanhin ko pa 'tong mga talent ko kung wala ka ang tagal mong dumating." Tinutukoy niya ang kanyang future na mamahalin niya. Kung sino man yun.
"Ang tagal mo naman." Muli niyang sinabi. Hindi niya alam kung si Trisha pa rin yun o ibang tao na ang tinutukoy niya.
Sa kanyang pag-iisip, siya ay nakatulog.
BINABASA MO ANG
Countdown to Forever
FanfictionShe gave me forever within the numbered days. Alyssa was always left alone by the girls she loved. She treated girls like toys and played with their hearts as long as she wanted. Then, Den came. She changed her but she also left, just like the three...