Chapter 8: Thank You

18.3K 343 1
                                    


"Gusto niyo ba talaga?" Tanong ni Aly sa kanila. Nagiguilty na siya. Lagi na lang siyang piangbibigyan ng mga kaibigan niya. Siya ang laging nasusunod. Hindi niya na iniisip ang opinyon at damdamin ng mga kaibigan niya.

"Honestly, dude? Yes. Passion ko rin yun aside from playing basketball and volleyball, and skating." Sabi ni Ara at saka tumabi sa kanya sa ilalim ng puno kung nasaan ang tambayan nila.

"Yeah, patunayan na rin natin na hindi pang5th place lang yung talento natin. Patunayan natin na nakamove on na tayo at pababagsakin natin yung banda nung kalbong Monte na 'yon." Sabi naman ni Kim at tumabi din sa kanila.

"Ano pre? FATUNAYan natin?" Pang-aasar ni Alyssa sa kanya.

"Gago ka talaga. Tigilan mo ako." Namumulang sabi ni Kim. Lalo naman siyang tinukso ng dalawa. Nang napagod sila sa pagkukulitan ay biglang tumahimik ang tatlo.

"Then what? Dadayain na naman tayo?" Seryosong sabi ni Alyssa.

Last Battle of the Bands kasi ay pang 5th place lang sila. Everyone reacted at sinasabing sila ang dapat na nanalo noong inannounce ang place nila. Syempre, hindi tanggap ni Alyssa iyon. Deep in her heart she knew na sila ang panalo. Nung inannounce na ang champions ay mas lalo siyang nainis at nagalit. Dahil nga coordinator ang Music teacher nila ay nagawa nitong manipulahin ang results. Ang advisory nito ang pinanalo niya. Pero wala naman siya magagawa kung hindi damhin ang nasaktan niyang ego. Guro pa rin naman niya iyon.

"Ano yun, Ly? Den?" Pang-aasar ni Kim. Hindi naman ito naintindihan ni Ly.

"Huh?" Sabi ni Kim. Ilang segundo ang dumaan saka nagets ni Ly ang sinabi ni Kim.

"Gago! Wala nga akong gusto dun!" Sabi ni Ly at pinagbabato si Kim ng malilit na ugat na nadadampot niya mula sa lupa.

"Kadiri ka. Tigilan mo nga yan." Saway ni Ara,

"Kakulay mo naman kaya okay lang." Sabay na sabi ni Aly at Kim.

"Wow ha, WOW. KAYO PA TALAGA NAGSABI NYAN." Sabi ni Ara.

Nagharutan at nagtawanan na lang sila.

-------------------------------------

"So that's it? Bakit hindi siya nagreklamo?" Sabi ni Den. Kasama nito si Ella sa parang park sa may school nila. Kakakwento lang ni Ella kung ano ang nangyari last year. Hindi lang naman childhood friend si Alyssa. Magbestfriend sila ni Alyssa. Eto ang takbuhan nito sa lahat ng problema niya. Kaya alam na rin ni Ella halos lahat ng problema ni Alyssa.

"Well, she can't. Hindi man niya aminin, takot siya kay Sir Monte." Sagot ni Ella. Nagtaka naman si Den sa sagot niya.

"Yung mayabang na yun, may kinatatakutan? Impossible dude." Sabi ni Den sa sarili niya.

"Sir Montes is still Trisha's father anyway." Dagdag ni Ella. Kumakain ulit ito ngayon.

"Who's Trisha?" Nagmumukhang clueless na si Den. Parang ang laki naman ng mundo ni Alyssa.

"Ano bang paki ko?" Den to herself.

"Teka. Why are you suddenly curious?" Pagtatakang tanong ni Ella kay Den at inilapit pa nito ang mukha niya kay Den. Ngumiti ito nang may halong pang-aasar.

"BESH NAMAN EH!" Sigaw ni Den. Kanina pa kasi inaasar ni Ella si Den kay Alyssa.

"What?" Painosenteng tanong ni Ella at bumalik sa pwesto niya kanina.

"Don't what me! Cliffhanger ka talaga." Maktol ni Den. Para itong batang sumisimangot.

"Para kang bata, alam mo yun? Anyway, ulyanin ka talaga. Si Trisha yung latest girl na nang-iwan kay Ly. Yung kinuwento ko sa'yo kahapon? Well, yun nga. Ayaw ni Sir Montes kay Ly kaya he sent Trisha to US. The worst thing is Trisha left without saying a word to Alyssa. We found out na lang na may boyfriend chuchu na si Trisha sa ibang bansa."

Countdown to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon