Nagagandahan si Aly kay Den. Well, type niya 'to. Maputi at maliit lang kasi ito. Tumabi talaga siya nang sadya para makagawa na siya ng moves niya. Nakita naman niya nabahagyang may epekto siya kay Den kaya napangiting tagumpay siya.Mukhang alam na nina Kim at Ara ang balak ni Aly. Kilalang-kilala na talaga nila ito.
"Hi, I'm Alyssa Valdez. You can call me Aly or babe. Just choose." Sabi ni Ly. Kumindat pa ito kaya parang gustong masuka ng dalawa niyang kaibigan. Napansin naman ito ng iba nilang kaibigan.
"Oy, ayos lang kayo? Hindi pa naman hard drinks 'to ah." Pag-aalalang tanong ni Gretchen sa kanila.
"No. Hahaha. Sorry. KADIRI lang kasi ang pinag-uusapan namin. Sorry guys. Hehehe." Sabi ni Ara at nagpeace sign pa ito.
Na-weirduhan naman ang mga kasama nila pero pinalipas na lang nila ito.
"I prefer Aly." Tipid na ngiti ni Den kay Aly. Naiilang siya dito. Well, mula sa narinig niya ay babaero ito. Pangalawa naman ay yung ibang epekto niya sa katawan ni Den.
"Buuuuuuurn, pare. Hindi na effective!" Sigaw ni Kim. Nagpanggap sila ni Kim na nanonood ng basketball. Ang totoo naman talaga ay narinig nila yung sinabi ni Den. Kadalasan kasi pag nagkikipagflirt si Aly sa mga babae ay ito ang tinatanong niya sa kanila. At ang laging sagot ay "baby" or "babe". Ngayon lang hindi. Napatahimik naman si Aly dahil tutuksuhin na naman siya ng dalawa. Kay Den kang hundi gumana ang charms kuno niya.
"Weird niyo talaga ngayon." Sabi ni Bea sa kanila.
Napangiti na lang ang dalawa.
"Ayaw niyo pa rin ba talagang sumali sa volleyball team?" Tanong ni Dzi sa kanila. Inalok na kasi nila ang tatlo pero ayaw talaga nila.
"Next month na ang volleyball season, ate. Tapos championship na next week ng basketball. We don't have enough time to train. Last year pa yung huli naming laro. Intrams pa yun." Sabi ni Aly. Ayaw niya lang naman talaga. Tinatamad siya.
"At saka andun naman na kayo. Malakas na kayo ah." Sabi ni Ara. Malakas na ang team kaya nagtataka sila kung bakit nagrerecruit pa sila. Masasabing sure win na nga e.
"Hindi na kami makakapaglaro next season." Sabi nina Fille at Gretchen.
"WHAT?" Sigaw na tanong ni Kim at Ara. Bahagya namang napatawa ang lahat lalo na si Aly. Mukha kasing ewan ang dalawa.
"K-12 chuchu. Hindi na kami pwede. Tutal 4th year high school na kayo, please. Para naman sa team ito e." Sabi ni Mela. Kung si Kim lang ay papayag siya dahil mas magkakaroon siya ng maraming time kay Mela. Pero dahil ayaw ni Aly ay wala siyang magagawa. Kung ano ang majority sa kanilang tatlo ay yun na yun. Ayaw din kasi ni Ara. Baka daw mailang ito kay Bang.
Nagulat na lang sila nang biglang takpan ng tatlo ang mga mukha nila gamit ang kanilang mga bag. Parang may tinataguan ang mga ito.
"Okay lang kayo?" Tanong ni Ella. Sa isip niya ay sinasabihan niyang weird talaga itong mga magkakaibigan.
"Ssssh. Tahimik lang kayo." Sabi ni Ly.
Mas lalo silang nagtaka ng sumilip ito sa may entrance. Sinundan nila ang tingin ni Aly. May nakita silang tatlong babae na papasok sa bar. Unfortunately, nakilala ito ni Michele.
"Sila yung taga-Cecilia di ba? Makakalaban natin yan next season. For how many years, yan ang nakakatapat ng Specter, di ba ate Gretch?" Tanong ni Michele.
"Anong problema niyo sa kanila?" Tanong ni Dzi sa kanila.
"Omg! Sila yung sumampal sa inyo?" Gulat na tanong ni Gretchen.
Tumango na lamang ang tatlo.
"Shit ka, Ly. Naloko mo yung mga yun?" Sabi ni Bang.
"Makapagshit ka, parang ikaw, hindi." Mayabang na sabi ni Ly. Nagkagusto kasi eto sa kanya dati.
"Kapal mo talaga." Sabi na lang nito.
Dahil sa narinig ni Den ay mas lumapit ito kay Ella. Hindi niya alam kung bakit parang ayaw niya dumikit kay Ly.
"Ang yabang. Porket alam niyang may itsura siya." Sabi niya sa isip niya.
"Why are you guys hiding too?" Takang tanong ni Amy.
"They slapped us hard too when they found that we're friends with Aly." Sabi ni Ara.
"HAHAHAHA." Tawa ng lahat dahil mukhang bata si Ara na nagsusumbong.
"Mga assumera kasi." Pagrereklamo ni Aly,
"Yan ka na naman. Sasabihin mo na hindi mo kasalanan na nagustuhan ka eh hinalikan mo naman sila." Sabi ni Gretch. Siya sa kanilang kahat ang nakakaalam ng mga kababalaghan sa buhay ni Ly.
"I never said na kami na. Makuntento na sila sa kiss." Sabi ni Aly. Napadampot naman si Ara ng nachos at tinapon ito sa pwesto ni Ly.
"Lakas mo talaga. Idooool." Sigaw ni Ara.
"Besh, I'll go sa cr. Wait for me here ha. I don't want to go home pa eh." Bulong ni Den sa kanya.
Hindi niya kinaya ang pinag-uusapan nila. Parang okay lang sa kanila na nanloloko si Aly. Kahit hindi niya pa tuloy kilala ito ay parang galit na agad siya dito.
Hindi niya alam ay sinundan na siya nito.
"You okay?" Tanong sa kanya ni Ly. Nakita niya sa mga mata nito na talagang nag-aalala ito. Kaya siguro nahuhulog ang mga ito sa kanya dahil sa expressive nitong mga mata.
"Yeah." Sabi ni Den at umiwas ng tingin at saka naghugas ng kamay. Sumandal naman si Ly sa sink.
"Damn it. Ang cool niyang tignan." Sabi ni Den sa sarili niya.
"Ang cold mo naman. Hindi ka pa nga nagpapakilala sa akin eh." Pagpapacute ni Ly.
Umepekto eto kay Den pero hindi niya pinahalata.
"I'm sorry. I'm Dennise Lazaro." Sabi ni Den.
"Oh, I thought you're my future." Muling kumindat si Ly sa kanya. May iba talagang epekto si Ly sa kanya.
"Well, you're wrong. Will you stop that? It's not funny." Sabi ni Den. Ayaw niya ng nararamdaman niya. Hindi pwede.
Umalis ito at bumalik si Den sa pwesto nila at tumabi kay Ella.
"Okay ka lang, Besh?" Pag-aalalang tanong ni Ella sa kanya.
Tumango na lang si Den sa kanya.
Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin si Aly.
"Saan naman kaya nagpunta iyon? Well, bahala siya." Sabi ni Den sa sarili niya.
"Oy Ly! Anyare sa'yo?" Tanong ni Ara. Bumalik si Aly sa pwesto nila na hawak ang pisngi niya ulit.
"I've decided. Sasali kami sa team." Sabi nito na parang galit.
-------
Fiction po ito. Walang nangyaring ganto sa buhay ng ALE at Lady Spikers. Thank you.
BINABASA MO ANG
Countdown to Forever
FanficShe gave me forever within the numbered days. Alyssa was always left alone by the girls she loved. She treated girls like toys and played with their hearts as long as she wanted. Then, Den came. She changed her but she also left, just like the three...