Chapter 2: Meet Den

20.6K 383 0
                                    

"Ella, papunta na ako dyan. Wait mo lang ako ha? Ha? I'll take care of it. Oo. Sure. Bye. I love you, besh!" Sabi ni Den habang nag-aabang ng taxi. Tumakas na naman siya sa kanilang bahay. Tumakas na naman siya sa tatay niya. Ayaw kasi nitong nagpaparty o nagbabar siya every night. 4th year high school pa lang ito pero laman na siya ng mga party.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na siya sa bar kung nasaan si Ella, ang kanyang best friend.

"Tumakas ka na naman, besh. Lagot ako kay Tito nito." Sabi ni Ella sa kanya ng nakasimangot. Siya na naman ang papagalitan ng ama ni Den pag umuwi ito ng lasing.

"Nooope. I'll go back there naman before 12. I still have 2 hours to waste. Come on. Party tayo!" Sigaw naman nita at pumunta sa gitna at nagsayaw ng wild.

Napailing na lang sa kanya si Ella at sumama. Baka kasi mabastos na naman ang kaibigan niya. Maganda ito, maputi at talagang nakakaagaw-pansin. Muntik na kasi 'to mabastos nung nakaraang linggo. Pero dahil siya si Denden, hindi na siya nadala at nagbabar pa rin ngayon.

"Andito sila ate Gretch? Ba't di mo sinabi?" Tanong ni Den sa kasama niya nang napansin ang grupo ng mga babae na maingay sa sulok ng bar.

"Di ka nagtanong. At saka hindi ka naman talaga dapat nandito e." Sabi na lang sa kanya ni Ella. Nagtext lang naman kasi siya para alam nito kung nasaan siya. Hindi naman niya alam na susunod ito sa kanya.

"Psssh. Let me have fun, besh. Minsan lang 'to oh. Hi guuuuuuuuuuuuuuys!" Sigaw ni Den. Sa ginawa niyang iyon ay mas lalong umingay ang grupo. Napailing na lang sa kanya si Ella.

"Sasabihin ng mga tao na ako pinakawild sa atin, ikaw naman talaga." Natatawang sambit ni Ella sa sarili.

Sa loob kasi ng paaralan nila ay sikat si Den. Good girl with grades at sporty kasi siya. Isama pa na part siya ng supreme government ng school nila. Hindi nila alam ang wild side nito. Walang namang pake si Den sa iisipin ng iba pero syempre ang daddy niya mayroon.

----------------

12:30 am na nang naka-uwi si Den. Medyo may tama na ito. Pagewang-gewang na rin siya maglakad. Hindi niya alam na nag-aabang na pala ang daddy niya sa may sala. Pagkabukas niya ng pinto ay nakatayo na ito sa harap niya.

"Saan ka pumunta?" Nagpipigil na tanong sa kanya ng kanyang ama.

Hindi naman natakot si Den. Nagawa pa nga niyang tumawa e.

"Now you're asking. Ngayon may pake ka na. Dati kasi sasabihin mo lang na I'm irresponsible and so what. Hahaha. Galing. Anong nakain mo?" Sabi ni Den sa kanyang ama.

Napahawak na lang ang kanyang daddy sa sentido niya. Hindi na niya kinaya ang mga sinasabi sa kanya ng sarili niyang anak.

"Den, I'm still your father! Show some respect!" Sigaw ng daddy niya. Again, hindi natakot si Den. Unti-unti na siyang nasasanay.

"Now we're talking about respect. At tatay pala kita? I never thought you actually call yourself a father to me. Hahaha. Hindi ko ma-imagine. Lasing na ata ako. Anyway, good night, DAD." Umalis na siya sa harap ng kanyang ama at dumiretso sa kwarto niya. Pero bago niya masara ang ama niya ay sinabi ito sa kanya.

"Ililipat na kita ng school. No buts." Sabi nito. Napatigil siya dito at napalingon. Buong high school niya ay doon siya nag-aaral. Kahit na hindi niya naipapakita ang wild side niya sa school na iyon ay masaya siya doon. Doon niya nakilala si Ella. Hindi, ayaw niyang lumipat.

"DAD NO!" Sigaw niya.

"I already warned you. Sabi ko last na yung sinundo kita sa bar pero hindi ka pa rin nakinig! Now, sleep. Bukas na bukas din ay aayusin na natin ang mga requirements mo." Sabi ng kanyang ama at pumasok sa kwarto nito.

"Ano pa nga bang silbi ng "no" ko? It's planned na pala." Sabi niya nangmay kuha sa mukha.

-----------------------------------

"Besh! Pumayag si mommy! Lilipat din ako kung saan ka lilipat!" Salubong ni Ella kay Den. Tinext nuya kasi ang barkada niya sa plano ng daddy niya. Biglang natanggal sa sistema niya ang epekto ng alak nang sabihin iyon ng tatay niya kagabi. Pero kahit ganun, may hangover pa rin siya kasa Starbucks na lang sila nagkita-kita.

"OMG! YES! I don't need to adjust na!" Sagot naman sa kanya ni Den.

"And say what? Makakasama na natin sila ate Gretch!" Sigaw naman ni Ella. Volleyball players kasi ang barkada nila doon sa paaralan na yun. Nakilala nila ang mga ito nang nanood sila ng game nila para sa project ng school nila.

"Kaso hindi na girls school yun." Simangot naman na sabi ni Den. Hindi siya sanay na makihalubilo sa mga lalaki dahil simula pa lang nang mag-aral siya ay babae lang ang mga nakakasama niya. Kaya siguro ilap siya sa ama niya.

"Well, at least may kilala naman tayo dun, di ba? Makakalaro na rin tayo ng volleyball ng totoo!" Sabi ni Ella. Nagttraining lang sila pero hindi talaga sila nakakapaglaro. Wala kasing volleyball team sa dati nilang school.

"Sabagay, they're strong naman. Oh wait besh, let's go to a bar." Yaya ni Den. Bigla namang nagbago ang aura ni Ella.

"Nung huli nating punta sa bar, pinatapon ka sa ibang school. Anong gusto mo ngayon? Sa ibang bansa naman? Hindi ko na afford sundan ka dun!" Sabi ni Ella sa kanya. Napatawa na naman siya.

"Dali na. Hindi tayo iinom, promise! Kakausapin ko lang si Ate Fille. Bilis na. Pleaaaaaaase!" Nagpuppy eyes eto at nagpacute. Halos masuka naman si Ella sa ginawa niya kaya pumayag na ito.

"Kadiri, besh. Yuck. Eew. Oo na."

Natatawa siyang lumabas ng Starbucks dahil sa reaksyon ni Ella.

"Alam ko na gagawin ko para pumayag ka." Tagumpay na sabi niya sa sarili niya.

----------------------------

"Hey, Den and Ella. What are you doing here? I heard the news. Welcome to Specter Academy!" Sabi ni Fille sa kanya.

"Well, start na daw ako bukas. I hate Mondays." Sabi ni Den at umupo sa tabi ni Ella. Dahil hapon pa lang, kaunti lang ang tao sa bar.

"Look! Andun pala yung women's basketball team." Sigaw ni Bang habang kinikilig. Well, may crush siya doon. Si Ara.

"Huh? Tatlo lang sila e." Sabi naman ni Jia sa kanila. Si Ly, si Kim at si Ara lang naman ang nandoon.

"Well, sila naman ang foundation ng team." Sabi ni Mich sa kanila.

"Kimmy! Dito na kayo." Tawag ni Mela. Alam naman nilang lahat na sila. Well , suportado namn sila ng buong team.

Lumapit sila sa table nila Den.

"Hi Ly! How are your girls? Nasampal ka daw kahapon ah? Tanong ni Gretchen sa kanya.

"Damn! Pinaalala mo na naman. Ang sakit pa rin hanggang ngayon ng pisngi ko." Sabi ni Ly habang dinadama ang mukha niya.

Nang narinig ni Den yun ay napasimangot siya. Hindi niya din alam.

"Hoy, itsura mo?" Sabi ni Ella. Bigla kasi itong tumahimik.

"Wala. Nawala lang ako sa mood." Sabi niya. Hindi niya napansin na sa kanya tumabi si Alyssa.

Hindi niya din alam kung bakit bigla na lang tumaas ang balahibo niya.

"OMG, ANO 'TO?" Tanong ni Den sa sarili niya.

Countdown to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon