"Kung nakakapatay lang ang tingin, malamang nakahandusay na ako dito." Sabi ni Trisha kay Alyssa. Kanina pa niya napapansin ang titig ni Den sa kanya. Hindi niya lang ito tinitigan pabalik dahil baka hindi lang maganda ang mangyayari ."Huh? Pinagsasabi mo dyan? Hindi pa nga kita tinitigan dati, patay na patay ka na sa akin." Lokong sagot nito kay Alyssa.
Hinampas naman ni Trisha si Alyssa.
"Gaga! Tingnan mo kasi si Den. Promise, feeling ko pinapatay niya talaga ako gamit titig niya." Sabi ni Trisha. Magkatabi sila ni Alyssa at medyo malayo sila sa team. Sa pamamagitan ng peripheral vision, nakikita niya si Den.
Lumingon si Aly at Trisha kay Den. Tinaasan siya ng kilay ni Den kaya umiwas siya ng tingin at saka tiningnan si Trisha.
"Oo nga. Hahaha." Sabi ni Alyssa nang hindi naapektuhan. Sanay na siya sa ganyan ni Den.
"Tawa ka ngayon? Kanina parang ayaw mo sa plano ah." Pagpapaalala ni Trisha.
Inakbayan siya ni Alyssa at saka may binulong ito.
"Seeing her jealous? I'm happy kasi at least, I know na may epekto ako sa kanya." Sabi ni Alyssa. "Pero ayoko din, kasi alam kong wala siyang tiwala sa akin." Sabi ni Alyssa.
Inalis ni Trisha ang braso ni Alyssa sa balikat niya at nilagay ito sa legs ni Aly, iba na talaga tingin ni Den, guys. Nanliliit na ang malalaking mata niya.
"Drama ah. Asan na yung makulit na Aly?" Pang-aasar ni Trisha.
"Makulit? Eto oh." Kinliti nang kiniliti ni Alyssa si Trisha hangga't hindi ito makahinga.
"Shit, Ly! Stop. Ayoko na! Oo na. Oo na! Sorry na!" Sigaw ni Trisha dahilan para tumingin sa kanila ang buong team at ang ibang fans ni Alyssa na nanonood.
Napansin ni Alyssa ito kaya hininto niya ang pangingiliti kay Trish at awkward na ngumiti.
"May gana pa talaga ngumiti!" Gigil na sabi ni Den.
"Nasaan na yung what's mine is mine mo? Wala ka pala e." Pang-aasar ni Ella. She's trying to push Den to her limits,
"No, hindi ako gagawa ng eksena. Lalaki ulo ni Valdez." Sabi ni Den. Totoo ang sinabi niya na what's hers is hers pero hindi siya gagawa ng bagay na ikakahiya niya rin after,
"Valdez!" Sigaw ni Gretchen kay Alyssa.
"Wait lang ah. Aalis ka na ba?" Tanong ni Alyssa kay Trisha.
"Ah oo. Dad's looking for me. Bye, Ly!" Sabi ni Trisha kay Alyssa at saka hinalikan siya sa pisngi .
"Bye, ingaaat ha?" Sigaw ni Alyssa kay Trisha nang palabas na ito. Trisha just waved her hand at naglaho.
"Why, Gretch?" Tanong ni Alyssa,
"Wala lang. Para makalayas na si Trisha." Sabi ni Gretchen.
"What? Why?" Tanong ni Alyssa kay Gretchen. Hindi naman ito ganun ka-rude.
"Baka sumabog na si Den. Tingnan mo ang pula-pula." Bulong ni Gretchen.
Napatingin naman si Alyssa kay Den. Umiwas din siya ng tingin at bumalik doon sa pwesto nila kanina ni Trisha at kinuha ang isang blue rose.
Tumakbo siya papunta sa pwesto ni Den at humarap dito habang nakaupo si Den.
"Oh." Sabay abot ng blue rose.
"Anong gagawin ko dyan?" Napakatanong ulit ni Den. Tumingala ito kay Alyssa.
Kung hindi siya sinabihan ni Trisha kanina, malamang ay yun pa din ang sagot niya kay Den, iabot ito sa fan niya. Pero ayaw niya nang patagalin at palalain ang away nila.
"Sorry?" Sabi ni Alyssa.
"Aanhin ko sorry mo? Bakit ka nagsosorry?" Mataray na tanong ni Den. Ella left them dahil seryoso na silang nag-uusap.
"I'm sorry for making you uncomfortable?" Sabi ni Alyssa. Ever since na sinabi niya yun kay Den, umiwas na talaga ito sa kanya.
"You're saying sorry for telling me that you like me? Yun ba?" Sabi ni Den. Alyssa's getting in her nerves.
"What? No? I won't ever say that. Yun lang pinakatotoong sinabi ko that day no!" Depensa ni Alyssa. Medyo kinilig si Den pero hindi niya pinahalata.
"Then what?"
"Come on, Den. Tell me kung bakit hindi mo ako pinapansin. Because you know what? Mababaliw na ako." Sabi ni Alyssa.
"Mababaliw? You look happy with Trisha. Mababaliw sa kasiyahan with her, yun ba?" Unti-unting lumalakas na sabi ni Den. Hindi pa naman ito rinig ng teammates nila.
"What? No! Wait, are you jealous?" Tanong ni Alyssa at saka hinarap ulit si Den. Tanga ba siya kung iniisip niya na sana oo ang sagot nito?
"No! Go hang out with her for all I care!" Sigaw ni Den enough para marinig ng teammates niya.
Naiinis na si Alyssa.
"Okay, bye. See you next time na lang." Sabi niya at saka kinuha ang bag niya. Hindi naman talaga siya aalis. Hinihintay niyang pigilan siya ni Den. She wants to end her misery kasi talagang mababaliw na siya pag hindi sila nagkaayos ni Den. Nang malapit na siya sa labasan ay may narinig siyang isang frustated na sigaw.
"Oo na! Oo na! Masaya ka na?" Sigaw ni Den.
Okay na yun. Kahit walang sweet words.
"Yes, more than happy." Sabi ni Alyssa kay Den. Tumakbo siya pabalik doon.
"Nakakainis ka. Alam mo yun?" Sabi ni Den kay Alyssa. Umiiyak na naman siya.
Niyakap ni Alyssa si Den at ibinaon naman nito ang ulo niya sa dibdib ni Alyssa.
"Umiiyak ka na naman! Bakit ba kasi?" Tanong ni Alyssa kay Den. Medyo hindi na siya nagpanic kagaya nung una. Iyakin lang siguro talaga si Den.
"Nakakainis ka kasi! Sasabihin mong gusto mo ako tapos makikita kitang kasama mo si Trisha!" Pagsusumamo ni Den nang nakayakap pa rin kay Alyssa.
"Hindi mo kasi ako pinapansin for three fucking consecutive days." Sabi ni Alyssa.
"Wag ka ngang magmura! Kasi naman agad agad kang magtatapat! Hindi ko alam kung paano magrereact! So ganun, pag hindi kita papansinin, tatakbo ka sa kanya?" This time tumingala si Den kay Alyssa. Pinaninkitan niya ito ng mata.
"Of course not! Humingi lang ako ng advice dun!" Depensa ni Ly. Ngumiti siya kaya lalo siyang pinaningkitan ng mata ni Den.
"Why are you smiling?"
"So okay na tayo?"
"No." Sagot ni Den.
"Ah okay. Dun na lang ako kay Trisha!" Akmang aalis na si Alyssa pero hinila siya ni Den.
"You'll stay. Okay na tayo." Sabi ni Den.
Umupo naman si Alyssa sa tabi ni Den at inakbayan ito. Den allowed her na lang. Gusto rin niya rin naman.
"You're jealous." Aly stated.
"No, I'm not." Sabi ni Den.
"And it's not a question." Sabi ni Alyssa.
"I didn't say it's a question." Sagot ni Den.
"Hahaha. You're jealous." Sabi ni Alyssa. Tuwang-tuwa sa reaksyon ni Den.
"I told you I'm not. Ano pag-aawayan pa ba natin 'to?" Sabi ni Den. Umiling na lang si Alyssa sa kanya.
"Pahiram nga nung makapal na kahoy." Sabi ni Den.
"Huh?" Takang tanong ni Alyssa. Napakarandom naman ni Den.
"Ihahampas ko kay Trisha para kahit hindi na siya magtanong, damang-dama na niya kung sino yung gusto mo." Sabi ni Den ng seryoso.
BINABASA MO ANG
Countdown to Forever
FanficShe gave me forever within the numbered days. Alyssa was always left alone by the girls she loved. She treated girls like toys and played with their hearts as long as she wanted. Then, Den came. She changed her but she also left, just like the three...