Chapter 59: Throwback

17.1K 333 11
                                    

"Besh, naiinis ako kay Alyssa." Sabi ni Den kay Ella. Nasa bahay sila ngayon ni Alyssa pero wala naman ito dito. Madalas hindi siya nakikita ni Den kahit na nakatira sila sa iisang bahay at kahit na isa lang naman sila ng pinapasukang kompanya.

Kakauwi lang ng mga kaibigan nila ni Ly from Palawan kahapon kaya dito na natulog si Ella. Humiwalay na ng kwarto si Rad kay Ly dahil daw baka magselos si Den so sa guest room siya. Hanggang ngayon ay tulog pa rin ito.

Naging busy ito after ng pag-uusap nila ni Mike.

"Bakit naman?" Ella asked.

"Sabi niya babawi siya. Parang gaya pa rin ng dati. Hindi ko na siya nakikita!" Den complained.

"Luh. Pagkagising mo may breakfast ka na. May service ka pa for work. Tapos may lunch na agad sa'yo. May blue rose pa everyday!" Ella said.

"I don't need those things! Siya yung kailangan ko. I mean makita siya basta ganun! Gets mo naman ako di ba?"

"Yun naman pala. Namimiss lang. Hayaan mo na yun! Nagpacancel ng meeting for one week. Malamang sa malamang ngayon nagpile up yung trabaho niya." Ella said.

"Kahit text man lang wala?" Den asked.

"You know Ly is not the texting person. Baka busy nga!" Ella said.

"Edi call! Maraming way, besh! Kahit one minute lang oh!" Den said.

"Busy nga, besh. BUSY. Di ba sa tapat lang ng cubicle mo yung office niya? Ba't di mo puntahan?" Ella asked.

"Tingin mo hindi ko ginawa yun? Sabi ng secretary niya bawal daw ako pumasok. Importante daw yung meeting na yun. Basta pag wafs, kalokohan yun!" Den said. Kahapon ay tinry niyang puntahan si Ly. Hindi naman siya inallow ng secretary kasi andun daw sila Ara, Kim at Mika. Pagkadating nila from Palawan, dumiretso na agad sa office ni Ly. Importante daw yung meeting.

"Yun naman pala eh! Importante." Ella said. May alam si Ella. Ako din, may alam. Pero secret na lang yun. Hahaha.

"Mas importante pa sa akin?" Den asked.

"Ang ganda mo, besh ah. Kala ko magmamature ka na? Para ka pa ring high school kung mainlove." Ella said.

"Si Ly na yun! Mamaya may humaharot na pala sa kanya, hindi ko alam. Alam mo naman yun di ba? She's been with many girls. Paano kung ganun siya for the past 5 years? Ahhhh. Mababaliw na ata ako!" Den said. Hindi na kasi nila napag-usapan kung Ly got into flings or what. Knowing na ganun siya before she met Den.

"Trust me, Den. Ly has never entertained anyone since you two broke up." Sabi ni Rad habang pababa nang hagdan. She overheard the conversation of the two beshies. Kung si Ly nga naman ang usapan, baka paranoid din siya sa mga babaeng umaaligid dito. Knowing na ang mga nagustuhan nito ay sina Amanda, Laura, Trisha at syempre si Den.

"Good morning Ms. Bestfriend for 3 years." Bati ni Ella kay Rad. It was sarcastic pero in a good way. Medyo napag-usapan na nila yun. Nakabawi na naman si Ly e.

"Good morning din Ms. Bestfriend since birth." Rad greeted back at umupo sa tapat ni Den.

"Sabihin mo nga kay Den kung bakit di niya kailangan magworry." Ella said to Rad.

"Ikaw nga for the past 5 years din. As in! Narindi ako sa kanya nung nalaman ko pangalan mo. Alam mo si Den ganto, alam mo si Den ganyan! Puro ganun! Kulang na nga lang, ilagay niya sa ulo niya, "Don't talk to me unless you want to be compared to Dennise Michelle Lazaro." Seriously talking here." Rad said. Natawa naman si Ella sa sinabi niya.

"Typical Alyssa." Ella commented.

"Di ba nagkagusto ka sa kanya?" Den asked.

"Yes. Di ba we talked about this na?" Rad asked.

"Yeah, but you left the part on paano ka nakapagmove on." Den said. She's curious.

"Actually, I haven't moved on." Rad said.

"WHAT?!" Den shouted. Who wouldn't shout?"

"Hahahaha. Epic mo talaga, Den. Rad, appear!" Sabi ni Ella at nakipaghigh-five nga kay Rad. Rad also laughed pero napatigil sila nang tingnan sila nang masama ni Den.

"Joke lang, Den. Hahaha. I already moved on. Wala. I just thought na hanggang magbestfriend lang talaga kami."

"Gaano katagal bago ka naging totally moved on?" Den asked.

"More or less two years. Ikaw ba naman, puro ibang babae yung binabanggit ng mahal mo sa'yo, di ka ba mag-iisip na magmove on na?" Rad said and then laughed.

"Alam mo kung bakit wala lagi si Alyssa?" Den asked.

"Naaaah. Oo nga. Didn't see her last night." Rad said. May alam siya pero di niya din sasabihin.

"Aaaaaaah. This is so frustrating!" Den frustratingly said, lahat na ata natanungan niya.

---------------------

"SURPRISE WEDDING?!" Wafs with Gretchen shouted.

"Oo nga." Alyssa said. She's planning on marrying Den on a surprise way. Fuck courting, they already wasted a lot of time.

"Are you even serious with that dude?" Ara asked.

"Basta kay Den, seryoso ako." Alyssa said.

"What if hindi pa siya ready?" Kim asked.

"She's ready." Alyssa said na parang sure na sure na siya.

"Kayo na ba ulit?" Gretchen asked.

"Uhhhhhm no." Alyssa said.

Napaface palm na lang ang tatlo.

"Dude, paano kung ayaw niya pang magpakasal?" Mika asked.

"Dude, Alyssa Valdez na 'to oh. Tatanggihan niya pa ba 'to?" Alyssa asked with her hands open. She may look confident pero sa loob loob niya ay ganun din ang tanong niya. Paano nga kung ayaw pa ni Den? Pero she will continue this. Kung umayaw naman si Den, hindi siya titigil. Pero hindi na niya papaabutin pa dun. Papapayagin na niya si Den.

She just wanted to lighten up the mood.

Binato naman siya ni Kim ng kapirasong papel.

"Gago hahaha. Sige na, tutulungan ka na namin dyan." Sabi nito.

"Uunahan mo pa pala kami ni Bang." Ara replied with a smile.

"Single pa din ako, ikakasal ka na." Sabi ni Mika.

"May kasama na ako!" Gretchen said. Kasal na kasi sila ni Fille e.

"So what's the plan?" Tanong nila.

"Throwback. It's theme will be a throwback." Alyssa said. She already planned this. Tutulong na lang ang kulang.

-----------

Epilogue na ba next? Let's see next week hahahahaha.

Last update for one week. Sorry sorry sorry.

Ud for you guys! Love lots!

Countdown to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon