1

2.9K 52 12
                                    

Haggle

Nag-aalinlangan man na sumama at magpatangay sa hila ni Geon patungo sa loob ng isang hindi pamilyar na restaurant, wala na rin akong nagawa. Nasa dulong mesa kami pumwesto.  Ipinaghila ako ni Geon ng upuan bago siya naupo sa kasalungat kong silya.

May magandang babae, maliit ang buhok , at naka suot ng salamin ang agad dumulog sa amin. Naglapag ng mga pagkain, bagay na ikinatingin ko kay Geon. Nag-order na ba tayo? Kakaupo lang namin, ah?

Geon nodded once but was firm with the staff. “Thank you, Mystica.”

“Walang anuman, Sir…” tugon nito bago bumaling sa akin at ngumiti ng tipid.

Tinitigan ko ang mga pagkain sa aking harapan. Naramdaman ko ang paninitig ni Geon kaya ibinalik ko sa kaniya ang aking atensyon. “Why are we here?” mahinahon kong tanong.

Alam kong kakain kami. Hindi naman iyon ang hinahanap kong sagot. Nais kong sagutin niya ako kung bakit niya ako dinala sa ganitong klaseng lugar? Sinusubukan niya ba ako kung kahit ito ay aking maaalala? O may iba pang dahilan?

Isang malalim na buntong hininga lamang ang kaniyang itinugon sa akin. Sinimulan niyang hainan ako ng pagkain. Hinayaan ko lang siya. Hindi mawala-wala sa kaniya ang aking  mga mata. Sa mismong ginagawa niya…

“Let’s eat, Laire. Para makauwi na tayo.” Napaka lamig ng kaniyang boses.

Halos dumugo ang aking utak sa pagpipigil na mag-isip nang mag-isip. Pakiramdam ko ay isa akong bagong silang na tao. Kahapon lamang ipinanganak! I feel so unlettered.

Habang kumakain ako ay pinakikiramdaman ko si Geon. Sa riin at lamig ng paninitig niya sa akin, hindi na ako halos makanguya ng maayos. I feel so intimidated right now. Which lead me to conclusion that he might be someone…I used to fear of? Is he?

But he told me…he’s my fiancee. Hindi ko dapat nararamdaman ang pagdududa sa kaniya… Dapat ay kalmado ang puso ko dahil siya ang kasama ko. But why do I feel like I am under control?

“Good evening. Sir Israel…”

“Good evening po, Sir Zion.”

Sa kalagitnaan namin ng pagkain, biglang umingay sa entrance. Sabay kami halos napatingin ni Geon sa mga taong papasok pa lang.

Pinanood ko ang paglalakad patungo sa gawi namin ni Geon ng dalawang matatangkad at maskuladong lalaki. Kapwa sila naka suot ng business attire, hinubad lamang ang suit. Ang isa ay nakapamulsa. Ang isa naman ay bahagyang nagbabali ng leeg.

Sumulyap ako sa paligid. Ang mga guests na kumakain ay huminto sa pagkain para lang lingunin ang dalawang lalaki. Sino ba sila?

Paglapit ng dalawang lalaki sa pwesto namin, tumayo si Geon at agad nakipag usap sa dalawa. Sumulyap sa akin ang mga iyon. Ang lalaking may makamandag na tingin ay napangisi. Ang isa naman ay masamang tingin ang ibinato sa akin.

Halos mahiya ako. Dahilan kung bakit ko nalunok ang aking dila. Ininuman ko ang aking baso upang mabaling ang aking panlalamig. Bakit ganoon makatingin ang isa? Anong…ginawa ko? Kilala ko ba sila? Kilala ba nila ako?

“Sir Throne is looking for you, Geon. Might as well visit them in your villa…” anang lalaking masama ang tingin sa akin. Ramdam ko pa rin ang tingin niya hanggang ngayon.

“Nalaman nilang hindi na kayo sa Caba nakatira,” Ito ang lalaking ngumisi sa akin. “Balak mo yatang lagyan ng red dots ang La Union.”

Tiningnan ko ang taong iyon sa kaniyang biro. Tama siya. Lumipat kami ni Geon ng tirahan, isang buwan na ang nakaraan. Dati kaming nakatira sa Caba ngayon ay nasa Naguilian na. Sa dulong bahagi na halos ng nasabing lugar. Hindi niya sa akin sinabi ang dahilan kung bakit. Hindi na rin ako nagtanong pa. Marahil ay may kinalaman sa aking kondisyon.

Flowers in the Shade (Variejo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon