19

1.1K 24 3
                                    

Trying

North Peninsula Mansions and Subdivision. Basa ko sa pangalan ng subdivision. Binati si Sir Geon ng security guard doon bago kami palampasin.

Kung hindi ako nagkakamali, may isang oras mahigit ang biyahe kanina bago makarating dito. Kanina pa ako inaantok. Sinikap ko lang manatili gising sa takot na baka ibalik niya ako sa mansion.

Nakahinga ako ng maluwag dahil ... mukhang ... sa tinutuluyan niya ako dadalhin.

"I'll prepare the guest room, stay here," si Sir Geon nang makapasok kami sa bahay niya.

Hindi na ako nakaimik nang mabilis niya akong talikuran. Umakyat siya sa ikalawang palapag, nagmamadali.

I sighed.

Napapagod akong umupo sa couch. Pero agad din napatayo. Basa ang damit ko. Tumayo na lang ako sa isang tabi habang yakap ang braso.

I'm cold. I couldn't just grab something here to cover myself. This is not my place, by the way.

"Maligo ka." sabay bato ni Sir Geon sa akin ng puting towel pagbaba niya pero hindi naman malakas.

Niyakap ko ang towel. Nagtatanong ang mga mata ko nang tumingin sa kay Sir Geon.

Sumenyas lang siya sa taas.

Bumuntonghininga siya bago naglakad palapit sa akin. Mangingiti na sana ... kung hindi niya lang kinuha ang baggage ko.

Walang salitang nauna siya maglakad paakyat. Sumunod na ako.

Paglabas ko sa bathroom, naka roba lang ako. Nakalimutan ko kumuha ng damit sa baggage. Pero naabutan ko doon sa veranda si Sir Geon habang may kausap sa phone.

Hahakbang na ako patungo sa baggage nang lumingon siya sa akin.

I froze.

He looked at me. I mean ... in my wholeness.

Napailing siya bago nag-iwas ng tingin.

"Call you later, Martina," then he ended the call.

Pumasok na siya muli. Naglakad ng diretso sa pinto. Akmang bubuksan na niya iyon nang magsalita ako.

"Can we ... talk?" came in a slurred voice. Hindi ko rin alam na may lakas pa ako ng loob magsalita.

"Nah... tomorrow..." he shortly replied before leaving the room.

I somehow understand the way he talks and treats me now. Kung sino pa ang ipinagtabuyan mo siya pa pala ang lubos na makakatulong sa'yo.

I heaved a deep sigh.

Fine... I wasn't considerate at that part then.

One thing that crosses my head while trying to sleep is the name he mentioned earlier. Martina? Anong pinag-usapan nila? Bakit sila may number sa isa't-isa...

Are they together? O papunta na sa parteng iyon?

Tinitigan ko ang kisame. Bago lumingon sa pintuan. Tumagos ang mata ko hanggang katapat na pinto.

Tulog na kaya siya? Magka-call ba kayo ni Martina ngayon?

Pinilig ko ang ulo. I need to sleep! Stop overthinking, damn it, Laire. Para kang tanga diyan.

Bumalikwas ako sa higa nang madaling araw. Humahampas ang malakas na hangin sa bubog ng pinto sa veranda kasabay ng nagngangalit na kulog at kidlat sa kalangitan.

Hinapit ko ang kumot upang ibalot sa aking katawan. Umangat ang puwitan ko nang muli kumulog. Sa lakas ay tila may tinamaan sa labas!

"Ahh! Oh, my God!"

Flowers in the Shade (Variejo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon