Ignore
What an eyesore.
Ikalawang umaga ko na naabutan si Sir Geon at Lyrea na magkasama rito sa kusina. Maintindihan ko pa na marunong si Sir Geon magluto. Pero 'tong si Lyrea? Huh! E, simpleng pritong itlog ayaw niya lutuin! Tapos ngayon, makikita ko na nag-volunteer mag-fry ng eggs and ham for breakfast? Wow! What a great actress!
"Hmm! This is so delicious, Geon! Tama lang ang seasoning na nilagay mo!" komento niya matapos tikman ang soup.
"Wala pa akong nilalagay," si Geon.
"H-Huh?" pahiyang tanong ni Lyrea.
Pigil ang ngisi ko. Nasa kanila ang tainga ko ngunit ang mata ko ay nasa tinitipang mensahe para kay Carlo.
Mabuti nakauwi na sila kahapon. Si Danica ay hindi pa, may trip pa raw sa Rizal. Samantala, ang aking ina at kaniyang asawa ay wala pa yata balak bumalik dito.
Carlo:
Sunduin kita later at 2pm. Kain tayo sa labas.
Mabuti na rin siguro na sumama ako sa kaibigan. Wala kumakausap sa akin dito sa mansyon simula noong isang gabi. Siyempre, nagkasagutan kami ni Sir Geon at nasaktan ko pa si Lyrea (kahit desere niya naman) kaya wala pumapansin sa akin.
Kumakain ako sa umaga, tanghali, at gabi na kasabay sila. Pero hindi nila ako kinausap. Hindi na lang rin ako nagsalita. Hindi ko naman ikamamatay 'yon, 'no.
Ako:
Sige. I'll wait for you na lang.
Tinago ko ang phone matapos mag-reply. Tumayo ako sa upuan upang kumuha ng gagamitin ko sa pagkain. Naglabas na rin ng tubig at saglit nagpa-init ng tubig para sa gatas na titimplahin ko.
"Laire, leave it to me. I'll do—"
"I ain't disable. I can do this." irap ko sabay talikod sa kaniya.
Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Lyrea sa aking pagbabalik sa upuan. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko hinintay ang mga pagkain niluto ni Sir Geon na ihain sa mesa. Kumuha na ako ng lumamig na pagkain. Nagsimula na ako kumain.
"Here," nilapag ni Sir Geon ang gatas sa tapat ko.
Iyon na ang gagawin ko kung hindi niya ako pinangunahan. Ano pang magagawa ko? Tinimpla na niya, nilapag na sa tapat ko! Hindi ko naman sinabi na pagsilbihan niya ako.
Nagtaas ako ng kilay. Wala siyang narinig mula sa akin. Bumalik ulit ako sa pagkain. Nakita ko siya na naupo sa gilid ko at sa tabi niya ay si Lyrea na halatang nainis sa akin. Masyado akong maganda para pansinin ka pa.
"You should try the soup, Laire," alok ni Sir pero inignora ko. "Tocino and ham are well-cooked, too. That's your favorite according to your maids..."
Malalim ang inis ko. Huwag silang umasa na makakausap nila ako nang maayos ngayon. Kulitin nila ako hanggang sa magsawa sila, wala lang sa akin. Sanay ako na binabalewala.
"God, Laire. When will you grow up even a bit? Simpleng bagay lang nagkaganiyan ka na? Your tutor is talking to you, but you act like you lost your ears. How pathetic ..." Lyrea mocked.
Hindi ko rin siya pinansin. Kung nagkataon, sabong na naman. Tapos ano? Siya papaboran kasi mas matanda siya? Siya palagi tama? Ugh! Mukha siyang kaning lamig, walang kwenta!
Tumunog ang cellphone ni Lyrea. Dahilan upang malihis ang kaniyang atensyon. Iritado siyang tumayo sa kaniyang upuan bago lumayo upang sagutin ang tawag ng kung sino. Naiwan kami sa hapag ni Sir. Ramdam ko ang kaniyang paninitig. Binalewala ko para matapos na ako kumain. Gusto ko na umakyat sa silid ko at magkulong. Ayoko makausap ni isa sa kanila.

BINABASA MO ANG
Flowers in the Shade (Variejo Series #2)
RomansaThey say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want to hide and forget their past memories. Solaire Anja Gomez is one of them. But whatever she does. Ev...