42

1.2K 24 1
                                    

Forgive

Nasisikipan ako sa silid na kasama ang lalaking nakatakda kong pakasalan, ang ama nito, at ang kaniyang ina. Hindi pa ako lubusan nakaka-recover sa nangyari kanina. Nasa balat ko pa rin ang sensasyon ng baril. Nakakapanghilakbot.

“Maraming kaaway ang pamilya namin,” panimula ni Sir Throne. “Hindi na bago sa pandinig na nadadawit kami sa iba't-ibang uri ng anomalya, hija...”

I am fluent in silence now. I was so drained that I could not taste my own saliva.

Hinawakan ni Geon ang kamay ko mula sa ilalim ng mesa. Hindi ko siya tiningnan. Natutuliro ako.

“Mr.Gomez had built a great rapport with us. Your parents were my  wife’s good friend.” he forced a chuckle. “Why would I kill him? I see no reason to get in his way, hija.”

“Hindi iyon sasabihin ni Gideon kung... wala k-kayong kinalaman sa pagkamatay ng aking a-ama... Sir...” bahagya na akong makapagsalita.

Buong buo pa rin ang galit sa puso ko. Maraming tumatakbong masamang pambawi sa mga ito. Pero ayokong gawin! Ayokong pangunahan ng galit! Hindi ko naman alam ang tunay na naganap dahil sa napakabata ko pa noon.

Sir Throne heaved a deep sigh. Tita Isabel caressed his hand, and then turned to me wearing a slight smile. But I was not moved. I did not show any of my response to her, but I look at her with respect.

“We have your father’s medical documents, Solaire, here... look for yourself.” Kinuha niya ang isang envelope mula sa attache case. Inilapag niya iyon sa harap ko.

Ilang segundo ko iyon tinitigan. Nagdadalawang isip ako kung bubuklatin iyon o hindi. Pakiramdam ko... inuuto ako upang hindi ko sila sisihin.

“Laire...”

I heaved a deep sigh. Wala ng atrasan ito ngayong nasa harap ko ang magpapatunay na inosente sila. Kinuha ko ang mga papel bago isa-isang binasa at inintindi. Sa tagal nitong nakatago, nagkamantsa na ang ilan.

Pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko sa bawat lipat ng pahina. Naglalaban ang awa para kay daddy at galit sa mga taong walang pusong malakas ang loob na saktan siya. Hindi ko alam... kung anong dapat kong pairalin!

“Someone with a deep grudge against your father switched the pain reliever capsules into toxins.” Sir Throne shook my world.

Kumuyom ang kamao ko.

Alam ba nila na bata pa lang ako, marami na akong plano para maging proud si daddy sa akin? He spoiled me with many things not because I am his only daughter, but because I will soon grow as a woman.  Sinabi niya sa akin na kung hindi ako ita-trato nag maayos ng makakarelasyon ko tulad ng ginagawa niya, I should avoid that man. He set himself as a standard for a man, so I would know how to choose a lifetime partner. Kasi... hindi niya raw ako habambuhay na kasama.

Nangingilid ang luha ko habang inaalala ang sinabi ng aking ama noon. He was smiling widely. He was laughing teasingly. Kailanman... hindi ko inisip na iiwan niya kami nang ganoon kaaga. He was strong and healthy... kungay irereklamo man siya kay mommy, iyon ay masakit lang ang kaniyang likod.

Then one morning, the news came to our door that my father was dead on arrival due to heart failure.

Hindi ko naisip na may mali. I was young back then. All I had to do is to accept his sudden death. Alam ba nila kung gaano kahirap mawalan ng ama sa buhay sa pamilya? Ama sa anak? Wala ba silang anak para gawin sa kaniya iyon?

But I cannot cry harder. Ngayon ko nararamdaman ang lahat ng sakit... sariwa sa pandama ko... na tila kahapon lang nangyari ang lahat.

“The night before he died, I was with him. I was the one who gave him the medicine...that eventually attacked his heart.” Sir Throne confessed.

Flowers in the Shade (Variejo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon