Kiss
Medyo tinanghali ako sa pagluluto. Kaya tanghali na rin nang makarating ako sa bukid kung saan nagtatanim si Geon ng palay kasama ang ibang magsasaka. Sa bandang cottage core, natagpuan ko siya na masayang nakikipag usap sa mga kumpare niya. Umiinom siya ng tubig. Marahil ay inuhaw sa gawain.
Humigpit ang hawak ko sa paper bag na may lamang lunchbox. Nag-aalangan ako ngayon na lapitan siya. Kanina naman ay desidido ako na dalhan siya ng tanghalian.
"Oh, natigilan ka? 'Lika na't baka gutom na ang asawa mo!" pagalit sa akin ni Darlene. Kasama ko siya ngayon at gaya ko'y may dala siyang pagkain para sa asawa niya.
Kinagat ko ang aking labi. May kalayuan pa kami mula sa cottage core kung saan namamahinga ang mga magsasaka. Ano bang problema ko ngayon at kinakabahan ako? You will just give this lunch box to Geon tapos aalis ka na, Solaire. I hissed at my inner self!
"Grabe, ang laki ng katawan ng asawa mo. Mula rito ay tanaw ko ang bulto. Nagkakasya pa ba kayo sa katre niyan? Solaire, ano?" biglang puna niya.
Nginiwian ko siya. Halos kalahati ng katre ay kay Geon. At sa tuwing mahihiga siya roon, lumalangitngit. Parang magigiba.
"Sa laki ng katawan ni Geon, parang kahit banig lang ang gamit. Kaya kang dalhin sa langit!" bahagya siyang tumili. "Ano, Laire? Paano ka pinatungan?"
Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Darlene. What on earth? Bakit iniisip niya ang ganoong bagay! Pakiramdam ko'y sinilaban ang king pisngi.
"Huwag mong sabihing wala pang nangyayari sa inyo ni Geon—"
"Wala, Darlene." agap ko. "S-Stop it." I can't even imagine making love with him!
Sinundot niya ang tagiliran ko. "Asus. Tara na nga!"
Sa sinabi niya, para akong pinutulan ng buntot! Mainit ang mukha ko at hindi na kalmado ang puso ko. Hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa ko.
"Lalakad ka o tatawagin ko si Geon para---"
I glared at Darlene. "Maglalakad na ako." How dare you!
Tumawa siya ng mahina at tinapik ang braso ko. Iminuwestra niya ang nababalot ng mga ligaw na damo ang pilapil na aming daraanan. Bumuntong hininga ako at nag patuloy na sa paglalakad.
"Geon! Ang asawa mo kasama ko!" sabay tawa ni Darlene.
Halos mapairap ako sa biglaang pagsigaw ni Darlene nang nasa gitna na kami ng pilapil. Kung sanay lang ako maglakad sa makipot na pilapil na gaya nito, kahit naglalakad ay sinamaan ko ng tingin ang aking kaibigan!
Hindi ako tumitingin sa kay Geon habang naglalakad sa takot na baka bigla magsala ang tapak ng aking paa, mabuslot pa ako sa maputik na palayan. Bumagal lalo ang lakad ko, nag-iingat lang.
"Laire,"
Halos napasinghap ako nang sunduin ako ni Geon sa pilapil. Huminto kami ng halos lampas na sa gitnang pilapilan. Kinuha niya ang paper bag sa kamay ko. Nagkatinginan kami.
"Why are you here?" seryosong tanong ni Geon sa akin sabay sulyap kay Darlene na nasa likod ko na.
Nagpasintabi si Darlene sa amin ni Geon bago tumatawang inungusan kami sa pagpunta sa cottage core. Naiwan kami ni Geon sa pilapil.
"I cooked your lunch..." nagkurutan ang mga daliri ko sa harapan. Kinakabahan ako. Galit ba siya sa pagpunta ko rito? Ayaw niya kasi na lumalabas ako at pinupuntahan siya sa bukid. Marami raw lalaki.
Tumingala ako sa mga mata niya. Asul na ulap at madilim na mata ang naglaban sa aking paningin. Napakurap ako dala ng silaw at sa pagdaan ng hangin sa aking munkha.

BINABASA MO ANG
Flowers in the Shade (Variejo Series #2)
Roman d'amourThey say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want to hide and forget their past memories. Solaire Anja Gomez is one of them. But whatever she does. Ev...