Wedding
Abala kami nito ng mga nakaraang araw dahil sa nalalapit na kasal. Sa Pico de Loro Beach and Country Club ang napili naming venue ng kasal. Ang gusto kasi namin ay malapit sa bundok at dagat. Nagustuhan namin ni Geon ang view at privacy roon kaya iyon ang pinili namin. Ginawa na nga naming kanto ang Manila, La Union, at Batangas. Nakakapagod pero masarap sa pakiramdam!
Bumalik kami sa Variejo mansion matapos ng mga lakarin. Nasa outdoor porch ako, kumakain ng mango. Si Geon ay kinakausap sina Tali at Ysa sa loob ng mansion, hindi ko lang alam tungkol saan. Sunday ngayon kaya walang pasok ang kumpanya maliban sa mga nasa top level management na kailangan tapusin ang ilang trabaho nila.
Sa malayong likod ng kinaroroonan ko, narinig ko ang pagtatalo nina Imara at Abra sa gazebo. Hindi ko sila pinapansin kanina dahil akala ko lover’s talk. Pero ngayon mukhang papunta na sa away, e.
Sinilip ko sila. Tumigil ako sa pagnguya nang makita kung gaano kaseryoso ang mukha ni Abra habang nakatitig kay Imara. Kuyom ang kamao at hindi mapaghiwalay ang kapal na kilay. Nakatalikod sa gawi ko si Imara kaya hindi ko maaninag ang mukha niya.
Umayos ako ng upo pagkatapos kumain. Mula sa likod ko, sumulpot si Geon. Humalik siya sa pisngi bago ako niyakap sa bewang.
“What’s going on?” tanong niya agad.
I shrugged. “Nag-aaway yata sila...”
“Hmm? Is there something new?”
“Shh...”
He chuckled and tightened his embrace. He buried his face on my neck and showered kisses in it. We watched Abra and Imara argued before our eyes.
“Hindi ko alam na naroon siya sa wedding party, okay?! My friends did not tell me that Guian will be there!” Imara explained.
Ohh?
“Nagkita pa rin kayo!” Abra raised his voice. “What the fuck, Imara?! Kung hindi kita sinundo roon ay hindi ko malalaman na kasama mo ang gago mong ex? Kung hindi ako dumating doon, walang magsasabi sa akin na kasama mo siya! Kayang kaya ka pagtakpan ng mga kaibigan mo sa akin!”
Imara runs her fingers in her hair. “Hindi ko nga alam na nandoon siya, ‘di ba?! Come on, babe!”
Abra laughed forcibly. “What the fuck? Alam mo na diskomportable ako kapag kasama mo ang gagong ‘yon pero hindi ka umiiwas? The hell, Imara?”
“He was—”
“Are you even sane? He was your fucking ex for six years! The hell, man!” Lumalabas ang litid ni Abra sa leeg sa sobrang pagpipigil ng galit. Sa itsura niya, parang wala siyang sasantuhin.
“I moved on, okay?! What’s with you?” Imara’s voice is about to break. “Please, babe! I-I did nothing wrong!”
“Fuck!” Abra cussed in so much frustration and disgust. “Kung naka move on ka na, noong nalaman mong na roon ang ex mo dapat umalis ka na, Imara! Pero hindi mo ginawa! Kasi gusto mo rin! Ginusto mo na magkausap kayo! Ginusto mo na magkasama kayo kahit sa maikling oras!”
Imara tried to touch him, but Abra moved away. “That’s not true, babe. I love you, okay? It was our common friend’s wedding for Pete's sake! God... please!”
Abra chuckled bitterly. He shook his head slowly. And I saw Imara wipe her tears. Natahimik sila ng ilang minuto.
Nagkatitigan kami ni Geon. Kumibit kami pareho. Nasasaktan na ako sa pinapanood ko pero gusto ko malaman ang kahahantungan. Binalik ko sa magkasintahan ang atensyon, hindi pinansin ang mga sinasabi ni Geon.
BINABASA MO ANG
Flowers in the Shade (Variejo Series #2)
RomanceThey say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want to hide and forget their past memories. Solaire Anja Gomez is one of them. But whatever she does. Ev...