Harassed
Hindi ko maitago ang ngiti sa labi ng panibagong umaga habang hawak ang ibinigay ni Geon sa akin na singsing na yari sa santan. Walang paglagyan ang aking tuwa dahil dito. Kung sa iba, wala itong halaga. Sa akin, malaki. Walang sinabi ang mamahalin kong alahas sa singsing na santan na ito.
“It’s settled now. Your prenuptial will be held tomorrow in the afternoon,” si Arman habang humihipak sa tobacco niya.
Namulsa si Arman bago tumitig sa mga tauhan niya mula sa glass partition. Likod niya na lang ang nakikita ko.
Maingat kong binalingan ng tingin si Gideon sa malayong gilid ng sofa. Nakatingin siya sa direksyon ko, tinititigan din ang ring finger ko.
I composed myself. Itinago ko ang aking kamay sa likod. Tumuwid ako ng upo. Nagtama ang mata namin ni Gideon. Kumunot naman ang noo niya.
Sa paraan ng paninitig niya, tila hindi niya nagustuhan ang nakitang kilos. Wala pa man ang kasal, nangangaliwa na. Pakialam ko sa nararamdaman niya? Wala akong maalalang magandang bagay na ginawa niya para sa akin.
Ang mga taong kasamaan ang ipinunla, kasamaan din ang aanihin.
Right at this moment, wala akong ibang hangad kundi ang bawiin na ako ni Geon. Pero ayoko rin siya mapahamak. Hindi biro ang aking sitwasyon. Maaaring sa isang kalabit, may buhay na kapalit.
“Gideon, make sure you are aware in everyone's action within this mansion...” pinakawalan ni Arman ang usok sa hangin sabay baling sa akin.
Napalunok ako. Ayokong isipin na may nalalaman siya sa lihim naming pagkikita ni Geon. Sana... hindi. Dahil ipapahamak ko si Geon kung nagkataon.
“Sir, may gustong kumausap sa inyo...”
Naantala kami panandalian sa pagpupulong nang pumasok si Sun. Saglit niya akong tiningnan bago bumalik kay Arman.
Umalis si Arman sa living room. Naiwan kami ni Gideon. Sa unang limang segundo, wala kaming imikan. Naburyo siya sa aking pananamik.
Tumayo si Gideon. Nahigit ko ang hininga nang huminto siya sa tapat ko. Halos umangat ang katawan ako sa daglian niyang pagyuko. Madilim ang kaniyang mata nang tumitig sa akin bago ibinagsak ang pulang kahita sa center table. Animo’y bato ang kaniyang kamay doon.
“Suotin mo,” utos niya.
Tiningnan ko ang kahita. I stared squarely in his eyes. I shook my head, unfaltering.
“No.” matigas kong sinabi.
His lips agaped insultingly. “Wear it, Solaire. That'll be your engagement ring—”
Napatayo ako sa inis. Tinabig ko ang dibdib niya. Tumingala ako upang ipabatid ang alab sa aking mata!
“I will say this to you in the most respectable way, Gideon,” I smirked at him. “With all due respect... Fuck you.”
Nilampasan ko siya. Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at nagkulong. Umuusok ang bunbunan ko nang humarap sa salamin. Ang mukha ko ay tila dinamitang handa na sumabog!
Hindi talaga nila ako tatantanan! Hinagilap ko ang cellphone na bigay ni Geon upang magtipa ng mensahe. Bago iyon, nakita ko ang tambak na messages niya at missed calls.
Kinagat ko ang aking labi. Nanlalamig ang aking kamay habang nagtitipa. Hindi agad ako nakakuha ng response kaya tinawagan ko na. Dalawang ring bago sumagot.
“Hello, Geon...” mababa lang boses ko.
“Laire? Damn! I’ve been calling you since last night! What happened?” rinig ko ang pag-alala sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Flowers in the Shade (Variejo Series #2)
RomanceThey say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want to hide and forget their past memories. Solaire Anja Gomez is one of them. But whatever she does. Ev...