Amor Propio
Malakas na tawanan mula sa mga guards nila Geon ang tuluyang nagpagising sa aking diwa ng sumunod na araw.
Ang laki ng mansyon pero kapag magkakasama ang mga guards nila, parang ang sikip. Pero ayos lang sa akin. Ang saya nila kasama, e. Hindi rin naman nagkakalayo mga edad namin kaya mabilis ko silang nakasundo.
Nasa porch ako at ini-enjoy ang aking whipped hot chocolate and french toast. Hinihintay ko lumabas si Geon sa library kasama ang pinsan niya.
Wala kaming lakad ngayon kaya maraming tao sa mansyon. Isa pa, may event dito mamayang gabi. Welcoming event daw para sa akin at graduation ni Verdana Alexandria (daughter of Zia and Eurus at pamangkin ni Geon) sa elementary at the age of 10.
Kung ako ang papipiliin, ayoko na bumaba ng bundok kung ganito kaganda ang masisilayan tuwing umaga. Asul na kalangitan. Berdeng kapaligiran. Malamig na hangin. Malawak na lupain. Tahimik na buhay. Masayang samahan...
“Movie marathon idea, guys?” Abra asked his friends habang nagtitipa sa cellphone niya.
Halos matawa ako sa sarili nang minsang mabasa ko ang text ng strawberry niya halatang kinikilig dahil namumula ang mukha at tainga niya! Gosh, I am so hilarious.
Andrew clapped his hands once, getting his attention. “Panoorin mong ma-inlove sa iba ang strawberry mo! A very outstanding movie!”
Abra grabbed a throw pillow at ibinato kay Andrew. “Alam mo kung bakit ka single, dude? Deserve mo, gago!”
Nagtatawanan sila pero ang pinaka nangibabaw ay ang tawa ni Alex. May paghampas pa sa katabi niya na abala sa pagtitipa sa laptop niya.
“Putangina mo naman, Alex. Tawa lang, walang hampasan!” reklamo ng katabi niya.
“‘Sensya na, Tiano. Pft—tangina! Na saan kaya ang avocado ko? Ikaw, na saan ang santol mo, Dave? Pft.” pagpaparinig ni Alex kay Abra.
“Tarantado,” sabi ng tinawag na Dave.
Abra squinted his eyes. “Palibhasa mga pangit kayo kaya walang nagkakagusto sa inyo!” He then showed his wallpaper. It was him with Imara on a beach. “Oh, ano? Meron kayo niyan? Wala! Meron kayo magandang girlfriend? Wala rin! May utak kayo? O, mga bobo! Lalong wala!”
Nangibabaw ang tawa ni Abra. Ang katabi niyang si France ay sinamaan siya ng tingin.
“Sige, ipagyabang mo pa! Tatawanan ka namin kapag naghiwalay kayo, bobo!”
Kanina pa ako nagpipigil ng tawa sa kanilang asaran. Naiihi na ako!
“Pero ito seryosong tanong...” Abra looked serious at them one by one.
Huminto sa pagkalikot ang mga kaibigan niya sa mga laptop at cellphone nila. Hinihintay nila ang susunod na sasabihin ni Abra.
“Kapag iyan kalokohan, Abra, sasaksakin kita ng stylus.” si Alex.
“Gago, ganito kasi!” Abra heaved a deep sigh. “Huwag kayong mabibigla?”
Abra’s face is steady and motionless, but he appeared to my eyes hiding his cynical smile! Samantalang ang seryoso ng mukha ng lima. Natawa ako ng bahagya.
“Ano ba ‘yon?” inip na si Andrew.
“Ako ang nawawalang kapatid ni Sir Eurus Variejo!” Abra held his chest dramatically, with his eyes closed, animo’y seryoso sa tinuran!
Dahil sa joke niya, pinagbabato siya ng unan ng mga kaibigan. Napatayo siya at nagtago sa likod ng porch.
“Alam mo sayang ka... tangina. Walang anak si Sir Throne na mukhang galunggong!” si France.
![](https://img.wattpad.com/cover/292340610-288-k974406.jpg)
BINABASA MO ANG
Flowers in the Shade (Variejo Series #2)
RomanceThey say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want to hide and forget their past memories. Solaire Anja Gomez is one of them. But whatever she does. Ev...