Balak
Sa isang taon at kalahati na magkasama kami ni Geon, wala kaming naging problema. Hindi namin naramdaman ang anino ni Tito Arman. Patuloy namin hinahanap ang aking ina pero hindi ako huminto sa pag-aaral.
I graduated with the highest Latin honor last month in my college degree. Geon was there to cheer for me. Nagpursige ako mag-aral para makuha ang titulo. Hindi ako iniwan ni Geon kahit gusto ko na isuko iyon. He never lets me down during my toughest days. And I still can't believe I made it happen! We did it.
Napatunayan kong hindi ako bobo. Tamad lang mag-aral.
You know what? Dungeon Elixor Variejo is the happiest when he saw me on stage, giving my speech. He is ... more than proud ... of me. Like always.
He's been my solace during my darkest hours. I feel alone, but he's there. I want to cry alone, but he gives me his shoulder. I want to give up, but he encourages me to be braver.
Pinagmasdan ko si Geon na seryoso sa pakikipag-usap sa telepono niya sa veranda. Madilim ang matang nakatitig sa malayo, mahigpit ang kapit sa railing, at mainit ang presensya. Hindi maikakaila na matindi ang pagpipigil niya ng galit. Bagay na hindi ko maintindihan...
Lumingon ito sa aking gawi. Ipinagpatuloy ko agad ang paningin sa canvas. Hanggang dito ay ramdam ko pa rin ang kaniyang paninitig. Halos hindi ko na maigalaw ang kamay ko, tila nawala ako bigla ng gana.
I am fighting hard to knock my thoughts of working in my family's company down. Subalit walang lumalabas sa aking bibig—walang lakas sabihin kay Geon ag mga bagay na iyon.
"I'm sorry, mom. I'll get back to you soon. I love you." Dinig kong sinabi ni Geon bago itinago ang cellphone.
Tiningnan ko muli siya.
His jaw tightened firmly. His head is in a low bow now, eyes are closed firmly too. He leaned his elbow on the railing then ran his fingers on his already dishevelled hair.
What's wrong, baby...
Iniwan ko ang canvas upang lapitan siya. Niyakap ko siya mula sa likod. He stiffened for a second but after realizing it was me, his defense lowered. He sighed. I have spoke nothing. But I gave him assurance I'm here.
Ang totoo, ilang beses ko na siya nakita na ganito pagkatapos ng tawag o habang nakikipag-usap. Hindi niya kayang balewalain sapagkat pamilya niya ang kausap. Matagal na rin niya hindi nakikita ang pamilya niya ... iyon ay dahil sa akin.
He is willing to sacrifice his family just to be with me. Hindi ko maiwasan makaramdam ng kahihiyan. Pagkatapos ng ginawa ko noon, may mukha pa ba akong maihaharap?
"It's nothing to worry about, Laire," aniya matapos ang mahabang sandali.
Kumalas ako upang tumingala sa kaniya. Sa maikling panahon na kasama ko siya, nagawa ko basahin ang bawat kurap ng mata niya. Sa bawat lingon o sulyap, nahihinuha ko ang ibig sabihin nito. Bagay na gusto niya palagi itago mula sa akin upang hindi ako mag-alala.
He's in trouble.
"I understand..." sabi ko na lang.
Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala. Halos sinalo mo na ang kamalasang tinatamasa ko. Lalo na ngayon na wala pa rin kaming balita sa kilos ni Tito Arman. Bigla silang tumahimik.
He kissed my forehead. "Wait here. I just need to meet someone nearby."
Pumasok siya muli sa silid. Pinanood ko siyang lumabas bitbit ang susi ng sasakyan. Mula sa veranda, sinilip ko siya sa labas. Hindi ko alam kung saan siya pupunta ngunit gaya ng mga narakaraan, baka importanteng lakad iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/292340610-288-k974406.jpg)
BINABASA MO ANG
Flowers in the Shade (Variejo Series #2)
RomantizmThey say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want to hide and forget their past memories. Solaire Anja Gomez is one of them. But whatever she does. Ev...