Usap
How disgusting!
Hanggang ngayon, hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Dapat nga nakangiti na ako gaya ng ibang tao rito sa Calle Crisologo, nag-enjoy! But knowing Lyrea is back here in Ilocos makes me want to squeal! Surely, she will stay longer to flirt with my new tutor! Kairita, 'di ba?
Nilingon ko si Sir Geon sa likod ko. Nakasunod lang siya kung saan ako pumunta. Wala ako balak kausapin siya. Naiinis din ako sa kaniya. E, halata naman na napilitan siyang samahan ako dito. Sana binawi niya na lang, hindi ba?
"Laire, ice cream," alok niya nang lapitan na ako.
Huminto ako sa paglalakad. Iritado akong humalukipkip. Nagtaas ako ng kilay sabay nandidiring tiningnan ang ice cream na inalok niya. Binalik ko ulit sa kaniya ang tingin.
"Mukha ba akong batang kalye para bigyan mo ng ... dirty ice cream?"
Pumalatak siya sa gilid niya. He smacks his lips, and his firm jaw gets tense by the minute. Aiming for his dark cold eyes, I get only chills in my spine. He sighs gently and then throws the ice cream near the public bin.
"Mainit ulo mo. Akala ko gusto mo kaya bumili ako." mahinahon niyang sinabi.
Iniwas ko ang mata ko. Kinurot ko ang braso ko. Nasa pagitan ako ngayon ng guilt at ego. Hindi pa rin nabawasan ang inis ko mula kanina. Nakangiti na ako kanina dahil pinili niya samahan ako pero hindi ko maiwasan magduda! Ayaw ko maramdaman na napilitan ang isang tao na makasama ako sa gimik ko. At iyon ang dahilan ng inis ko sa kaniya.
I am overthinking. Paano kung gusto na niya umuwi kami para makapag usap sila ni Lyrea nang matagal, gano'n! Aba, sinong tanga ang magseselos? Hindi ako! Bakit ako magseselos? E, mas matanda siya sa akin. Hindi ko siya type! It'll never be! Ang point ko rito—ayoko ng pakiramdam na napilitan siya!
"This is boring. I am bored now. Could you please, send me back home?" wala sa hulog kong sinabi.
"We just came, Solaire," he scoffed. "We came here for nothing? Akala ko ba nais mo bumili ng mga gusto mo?"
It took me minutes to recalled how he sounded like when seriously asking. Pakiramdam ko, lagim na mismo ang lumapit sa paligid upang ipakilala si Sir Geon.
Just like his firm and huge body frame, his voice declares power, authority, and so much more of masculinity. I find him tough and hard when in a serious mode. I could have died of suffocation.
He folds his sinewy arms. His thick black brows narrowed in irk while looking directly at me. When he clicks his tongue, I know he's pissed off.
"Hindi kasama sa trabaho ko ang makipaglaro sa'yo, Solaire. Bakit hindi mo ako diretsahin anong problema mo? Dumayo tayo rito para paburan ka sa gusto mo. Ngayon, nagkaganyan ka. Hindi ko maintindihan." he said humorlessly.
Tuluyan na nawala ang gana ko. Seryoso na siya masyado. Natural lang siguro ang nararamdaman ko ngayon. Bumigat ang dibdib ko na halos hindi na ako makapagsalita.
Sino ba nagsabi sa kaniya na nakikipaglaro lang ako? Dapat hindi na lang kami tumuloy dito. O hindi kaya, sina Mon or Wed na lang isinama ko. Kung alam ko lang na sama ng loob makukuha ko sa kaniya.
"Fine. Take me back home, Sir." Tugon ko bago siya tinalikuran.
I could have been walking only if he did not grab my arm. Tamad ng humarap ako sa kaniya.
"Hindi tayo uuwi hangga't hindi mo nabibili ang gusto mo. You cannot stay mad at me, Solaire."
I gritted my teeth. Ilang beses ko na siya narinig na tinawag ako sa buo kong pangalan. He used to call me Laire, not Solaire! Huh! Ano, indication ba iyon na iritado siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/292340610-288-k974406.jpg)
BINABASA MO ANG
Flowers in the Shade (Variejo Series #2)
RomanceThey say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want to hide and forget their past memories. Solaire Anja Gomez is one of them. But whatever she does. Ev...