Ring
Hindi mapakali ang mata ko. Kanina pa nito hinahanap ang pagmumukha ni Geon. Anong oras na, hindi pa rin siya bumabalik dito. Hindi ako makapag-focus.
“Solaire, what’s with the long face?” tanong ni Diether nang mag-short break kami. Wala kasi talaga akong gana.
Maaga niya ako sinundo sa hotel. Pagkahatid sa akin dito, nakatanggap siya ng tawag. Nagpaalam sa akin na aalis at babalik din agad. Tanghali na, hindi pa rin siya bumabalik.
Kating kati na ako hagilapin ang number niya at i-message. Kaya lang ang kapal naman ng mukha niya kung gagawin ko iyon.
“Feon left the building with the chairman of the board and other entrepreneurs...“ imporma ni Diether, tumango na lang ako.
Hindi nagtagal ay bumalik na ako sa trabaho. I did my best to finish my job earlier than expected. Kaya lang may mga script kasi ako for promotion ng businesses. Doon ako nagkaroon ng problema.
“Miss Solaire, try to sound energetic!” sabi ng director.
Ngumiti ako. Inulit ko ang linya ko na hindi naman gaano mahaba. Pero wala talaga sa kondisyon ang katawan ko ngayong araw. Ewan ko ba.
Nag-cut ulit. Gusto ko na sabunutan ang sarili ko. Simpleng trabaho, hindi magawa!
Nilapitan ako ng director. Tipid itong ngumiti. “Are you bothered?”
Nilinga ko ang mata sa paligid. Only to be disappointed again when my eyes did not catch what I was looking for.
“Pasensya na po... ulitin po natin.” paumanhin ko.
The director nodded. Sumenyas siya sa mga stylist na lapitan ako. Pina-rehearse muli sa akin ang mga sasabihin ko. Sinubukan kong ituon ang buo kong atensyon sa trabaho. Hindi lang naman ako ang napapagod dito.
“Okay! Another shot, Miss Solaire! Ready!” signal ng director.
Natural kong ginawa ang commercial na ni-rehearse namin na parang tunay na artista na hindi nauutal sa script. Perfect na sana ang shoot kung hindi lang malakas ang fan na nakatutok sa akin. Humapdi ang mata ko dahilan upang maantala ang produksyon.
“S-Sorry, director!” paumanhin ko habang nagkukusot ng mata.
“Anong tinatayo niyo? Kumilos kayo!” utos nito sa ibang staff bago ako nilapitan. Sinuri niya ang aking mata. “Are you okay?”
“Move.”
Kapwa kaming natigilan nang sumulpot sa harap ko si Geon. Tumabi ang director. Nagkatitigan kami ni Geon. Kumunot ang kaniyang noo habang sinusuri ang mata ko. Ibinaba niya ang mukha sa akin. Hinawakan nito ang pisngi ko bago marahang hinipan ang mata kong napuwing.
“Ay, talaga naman!” may tumili sa team namin.
“Ting, ting, ting, ting! May nanalo na!”
“Ang hirap naman mapuwing! First step, dapat maganda at may Sir Dungeon Variejo!”
Hindi ko sila magawang pagtuunan ng pansin dahil sa sobrang lapit ng mukha namin ni Geon. Halos dumikit na ang amoy niya sa akin... para akong niyayakap noon.
“Does it still hurt?”
Kumakabog ang puso ko sa tanong niya.
“H-Huh?”
He chuckled. “Mahapdi pa ba?”
Mabagal akong umiling.
Marahan niyang pinisil ang pisngi ko. Hindi na ako makapag isip nang ayos. Kanina, wala akong gana. Ngayon, parang bigla akong nabuhay. Ganito na ba kalakas ang epekto niya sa akin?
![](https://img.wattpad.com/cover/292340610-288-k974406.jpg)
BINABASA MO ANG
Flowers in the Shade (Variejo Series #2)
RomanceThey say, let us not live in the past. Because it reminds us a lot of things. It might be painful. Complicated. Weakening. There are people who want to hide and forget their past memories. Solaire Anja Gomez is one of them. But whatever she does. Ev...