It's already 1:00 pm in the afternoon, ang sakit ng puso ko ang bigat. I feel something heavy in my chest, ngayon ko lang ako naka ramdam ng ganitong sakit. Maybe jerome is right, hinde na nga ako maganda, mataba na ako pero, importante pa ba yon? kasi para sakin mas pinriority ko lang naman yung pag aaral.
Nag kaklase pala ako ngayon, kahit ang bigat ng nararamdaman ko pumasok pa rin ako hinde pede si jerome ang maging dahilan ng pagbagsak ko, maybe he's right I'm not good enough pero pedi naman mag bago diba? pedi pa naman mag glow diba? Just wait, Jerome Martinez. Pag sisisihan mo din ang lahat.
4pm ng matapos ang klase namen, pagka sara ko ng laptop kinuha ko agad ang phone ko nagulat ako ng makita na ang daming message ang na receive ko pero mas inuna ko basahin ang sa mama ko.
"Anak, kamusta na kayo dyan? na mimiss ko na kayo, ingatan mo sina nanay dyan ah"
Mabigat ang nararamdaman ko ngayon, pero nang nakita ko ang message ni mama bigla nabawasan ang sakit na nararamdaman ko, beside sa grandparents ko siya ang dahilan kung bakit nag aaral ako ng mabuti. Hindi nya alam na tumigil na si jerome sa panliligaw sakin, pero sasabihin ko paba ito? Ayoko mag alala sila lalo na siya."Okay lang po kami dito ma, aalagaan ko po sila wag kayo mag alala. Na mimiss nadin po namin kayo basta mag ingat ka dyan ah" I replied.
Ng ma replayan ko si mama binabasa ko lahat ng mga message pero puro tungkol din naman kay jerome ito ang daming nag tatanong if wala na ba daw kami? Hinde ko alam bakit nila alam ito pero bahala na, ayoko na mamroblema. Habang nag babasa ako ng mga messages, nagulat ako ng bigla tumunog ang phone ko at sinagot ko ito kaagad
"BAKLAAAAAAAA" ayon na nga tumawag na si adie, ang sakit sa tenga.
"Uy ano ka ba, para ka naman ano dyan ang lakas naman ng boses mo" sagot ko.
"Hahahahaha pasensya na, wala na pala kayo ni papi jerome?" tanong nya.
"Wala na nga, e bakit mo alam?" ako. " Ano ka ba bakla, kalat na sa school natin na wala na kayo, ang dami pa nga nag sasabi na masyado ka daw kasi pabebe ayaw mo pa sagutin yung tao" sagot naman nya. "Ay ganun, siguro nga maarte nga ako at paki ba nila e di naman sila yung niligawan" Galit na sagot ko. "Alam mo bakla feel ko may bago na yon, kasi dati patay na patay sayo yan e, hindi nga mabuhay ng hinde mo kinakausap" tama naman si adie ganon nga si jerome noon pinipilit nya pa ako para replayan ko sya."Sa tingin mo?" Tanong ko. " Oo, diba sabi ko sayo nakita nga siya ng kapatid ko may kasama babae at hinde nya yon kapatid bakla hinde talaga" Gigil na gigil na ito. " Eh pano mo naman nalaman na hinde nya kapatid mga yon? " tanong ko. "Pinakita ko sa kapatid ko mga picture ng mga kapatid ni jerome at wala daw sakanila yung kasama ni jerome kaya bakla CONFIRM NGA!" habang sinasabi nya ang mga salitang yon, nadurog nanaman ang puso ko. Totoo kaya? Pinagpalit nya ba talaga ako?
"Baka pinsan nya or kamag anak nila" Tinatanggi ko pa din dahil hindi matanggap ng sarili ko.
"Alam mo bakla, ang T A N G A MO, sinasabi ko sayo linoko ka nung gunggung na yon." Galit na galit na siya. " Sige na, mag aayos pa ako at gagawa ng mga activities thank you sa concern ah"
"Ano ka ba parang kapatid na kita, basta bakla wag ka na babalik don ah sasapakin kita." Natatawang sagot nya. Pinatay ko na ang tawag dahil nasasaktan na ako sa mga nalalaman ko.7pm ng matapos ko lahat ng mga gawin ko, pinapakain na ako ng lola ko pero wala talaga ako gana kumain, gusto ko lang matulog. Habang nakatulala naisip ko ang pinag usapan namin ng lola ko kahapon tungkol kay ferdinand marcos.
"Lord, ang swerte po ni ma'am Imelda marcos naramdaman niya yung totoong pag mamahal na hinihiling ng mga kababaihan pero nakakalungkot dahil agad sila nagkahiwalay pero ramdam pa rin ang pag mamahal nila hanggang ngayon. Lord, ako kaya kailan ko mararamdaman ang pagmamahal ng isang ferdinand? Sana maranasan ko."
Nagulat ako ng may bigla bumulong "Edi hintayin mo ang isang ferdinand" nagulat ng kaonti akala ko kung sino ang bumulong ang lolo ko pala. "Tay, bat ka po andito?" tanong ko. "Hinde ka pa daw kumakain, ayos ka lang ba?" Gusto ko sana sabihin sakanya ang lahat ng problema ko kung paano ako iniwan ni jerome sa mga panahon na kailangan ko siya. "Okay lang po, pagod lang" Nagsinungaling na lang ako kase baka pag sinabi ko ang totoo baka awayin niya si jerome.
"Alam mo apo, hinde naman sa pinapakyelaman kita sa mga desisyon mo sa buhay ah pero hinde mo naman kailangan pa abutin ng isang taon ang panliligaw ng isang tao sayo ang mahalaga, araw araw ka niyang nililigawan" Sagot nya. Gusto ko ng umiyak gusto ko na sabihin lahat kase kita ko sakanila na napamahal na si jerome. " Tay, sa tingin nyo pu ba may tatanggap ba sakin yung hinde tumitingin sa panlabas ng anyon?" tanong ko at naluluha na ako. " Oo naman, lahat naman ng tao apo tinitignan ang appearance sa unang pagkikita pero ang importante nahulog sya sa totoong ikaw, hinde mo kailangan mag panggap kung ano ka dahil sinisigurado ko sayo, may iisang ginoo na mag mamahal sayo,ipaglalaban ka sa mapait na mundo."
Bumigay na ako. Hinde ko na napigilan umiiyak na ako.
"Tay, Sorry tumigil na po si jerome sa panliligaw hinde na daw po nya matiis" sagot ko habang umiiyak na nakatingin sa kanya.
"Alam ko, alam ko darating ang oras na ito" Sagot nya. Pero anong alam niya? Bakit nya alam? gusto ko sana i tanong sakanya pero hinde na ako makapag salita sa iyak. Kaya niyakap nya lang ako ng mahigpit. "Darating ang araw, malalaman mo ang dahilan kung bakit ka nya linayo sa tao yun, alam ni lord ang ginagawa nya kailangan mo lang maging matatag"
YOU ARE READING
THE OBSESSION ( SANDRO MARCOS )
RomanceI'm just scrolling on my tiktok then suddenly, I saw this guy speaking in english so well, expensive, mabango. Wait, So it's Sandro Marcos. I just open my eyes... I see Sandro Marcos looking me i know he wants me. She fell inlove with a politician g...