Part 21 | I"LL WAIT

423 22 2
                                    

5:am in the morning 1 week nalang christmas na din.

Bumangon na akong mabilis at naghilamos tska nagbihis para makaalis na kami.

I check my phone and may message pala galing kay sandro.

"Love, Wake me up kapag aalis na kayo. I wanna see & hug you before you go." Napakaswerte ko talaga dito kay ferdinand.

Kinuha ko na ang bag at maleta ko at pumunta sa kwarto ni kuya para magpaalam sakanya na gigisingin ko muna si sandro.

Pumunta na ako sa kwarto ni sandro at kumatok pero wala nagbubukas dito kaya pumasok ako tutal di naman ito naka lock.


Pagkapasok ko ay nakita ko sya na himbing na himbing ang tulog nya. Ayoko sana itong gisingin pero magagalit din naman ito pag diko ito ginising.

"Love, goodmorning" sambit ko at sabay yakap sakanya at nakaupo ngayon ako sa kama nya.

Binuksan nya ng kaonti ang isang mata nya at ng makita nyang ako iyon ay agad agad nya akong niyakap pabalik.

"Ang ganda naman ng umaga ko." Pambobola nito saakin.

"Aalis na nyan kame, hinihintay ko lang lumabas mga pinsan ko." I said.

Umupo na ito at nakitabi saakin.

"Love, babalik ka diba?" He ask. "Oo naman, promise" pangako ko sakanya. "I"ll wait you." sabay halik saakin.

Nandito na kami ni sandro sa elevator at pababa na dahil baka mamaya ay aalis na pala kami.

Nakita ko na mga pinsan ko at kasama nila si gov at linalagay na sa loob ng sasakyan ang mga gamit nila kaya dali dali kami pumunta roon ni sandro.

Linagay na ni sandro ang maleta ko sa likod ng van at pinuntahan ako nito.

"Love here." may inabot sya na paper bag saakin. "Ano to?" tanong ko sakanya. "Incase nilalamig ka, at kailangan mo ng kayakap." biro nya saakin. "Thank you. Wait for me ah, pag balik ko pagluluto kita ng sinigang with love" sambit ko sakanya at napatawa ito. "Sge ah, I'm excited." sabay kindat saakin nito at niyakap ko na sya ng mahigpit. "Iloveyou love, take care." bulong nya at pinakawalan na ako nito sa mga yakap nya at pumasok na sa van. Nag pasalamat din si kuya kay gov.

Makalipas ang ilang minuto ay nakalabas na kami dito sa resort at hanggang ngayon ay nalulungkot padin ako na hindi ko na muna makakasama si sandro pero ilang araw lang din naman at makakasama ko naman sya sa bagong taon.

Dali dali ko naman kinuha ang inabot ni sandro na paper bag at binuksan ito pinagbaon nya pala ako ng jacket at mukhang sakanya ito amoy na amoy ko sya.

Habang nag babhyahe kame ay nagbukas ako ng tiktok para malibang grabe puro si sandro fyp ko.

Habang nag sscroll ako sa tiktok ay may nakita ako video na interview ni sandro at tinatanong kung may gf naba ito? pero ang sagot nya ay meron daw at yun nga ay ilocos norte daw natawa ako dito kaya naisipan ko na lokohin sya.

I message him.

"So ilocos norte pala ah" I send.

Dali dali naman itong nag reply saakin.

"Hi love, where na kayo?". "What do you mean?" reply nya.

Kaya sinend ko yung video sakanya.

Kinuha ko ang airpods ko at nag play ng music para maka tulog ako habang nag b-byahe kami medyo matagal tagal din ang byahe.

Makalipas ang ilang oras nararamdaman ko na nagugutom na ako kaya tinignan ko ang oras.

11:00 am na pala at hindi pa ako kumakain kahit almusal hindi kasi talaga ako nag aalmusal kaya kanina nasa resort pa ay hindi ako kumain.

"Kuya, wala bang malapit na fast food dyan? nagugutom na kasi ako." tanong ko kay kuya na busy na nag ddrive. "Meron naman malapit dito, chowking ata" kumakain din naman ako sa chowking pero madalang lang, mas madalas kasi sa mcdo o kaya greenwich pero ok na yon kaya pumayag na ako.

Maya-maya ay hininto na ni kuya ang sasakyan at nag park dito sa harap ng chowking wala pa naman masyado tao dito pero may nakapila narin. Bago ako bumaba ng sasakyan ay nagtanong ako sa mga pinsan ko kung may gusto ba sila pero sabi nila ay busog pa daw sila kaya ako nalang ang bumaba.

Habang nakapila ako dito ay binasa ko ang mga message ni ferdinand saakin.

"Ingat love, wag mong kalimutan yung jacket incase nilalamig ka."

"Love, uuwi ako mamaya sa bahay may family dinner sayang wala ka."

"Nag eat ka na?"

"Maybe you're sleeping, sleepwell love."

Nireplayan ko din naman ito kaagad.

"Hey love, Sorry nakatulog ako. I'm here sa chowking para umorder ng foods nagutom kasi ako. Take care love, enjoy & kain ka din ah." I replied.

I ordered chinese - style fried chicken lauriat, pearl milktea at syempre ang favorite ko na choco pao.

Mabilis din ito nabigay saakin, kaya agad na ako lumabas dito at pumasok sa van at kumakain nadin.

"Hello, my love. Ano kinakain mo?" Kausap ko ngayon si sandro sa facetime dahil tumawag ito.

Pinakita ko ang pagkain ko at kausap sya habang kumakain.

Pinatay na si sandro ang tawag namin dahil nag oonline games silang dalawa ni gov at para maka kain nako maayos.

Habang kumakain ako ay ka kwentuhan ko ang mga pinsan ko at nakiki kain din sila saakin nag tatanong lang din naman sila tungkol saamin ni sandro.

Maya-maya ay nakapag pahinga na ako at muling nag airpods at nanunuod ng mga naglalaro ng tennis dahil medyo na mimiss ko maglaro nito.

Ilang oras din ang byahe at sa wakas nakauwi na kami.

Agad agad kami sinalubong ng mga tita namin at mga lolo at lola ko.

"Kamusta ang bakasyon?" tanong ni lola saamin. "O-okay lang nay, nag enjoy kami. Lalo na si cheska" pag bibiro nito at natawa tuloy sina lolo at lola.
"Oh bat hindi mo kasama yung boyfriend mo dito? sana sinama mo." sambit nanaman ng marites na tita. "Pasok na tayo." pag aawat ni lolo kaya pumasok na kami.

"Ang dami pagkain la?" tanong ko sa lola ko. "Eh syempre na miss namin kayo, pero hindi kasarap ng luto mo" pang tutukso nya saakin. "Sus, eh sayo lang nag mana yan." sagot naman ni kuya.

Nagsi upo na kami dito at kumakain nag message din ako kay sandro na nakarating na kami.

Nag kukwentuhan kami habang kumakain dito at biglang tumunong ang phone ko at tumatawag si sandro sa face time kaya dali dali ko sinagot ito.



"Hello love, nakauwi na pala kayo." si sandro.



Lahat sila ay napatingin saakin at tumahimik.




Like & Follow!



____________________________________

Hi guys, message me on IG may suggest ba kayong mga ganap para dito sa story. I will read them! ☺️

Also....

Follow my Instagram account!

THE OBSESSION ( SANDRO MARCOS ) Where stories live. Discover now