Prologue

99 6 1
                                    

<[—{ Return of the Last Survivor }—]>

Prologue

" Haaah... haah... shit... "

Mahigpit niyang hawak ang kaniyang baril at nakasandal ang likod sa pader. Hinihingal at kinakabahang pinakiramdaman ang kaniyang paligid.

Humigit 5 hours na siyang tumatakbo at nagtatago mula sa mga halimaw na humahabol sa kaniya.

Kung hindi lamang dahil sa amoy ng dugo na umaagos mula sa kaniyang sugat, makaaalis siya ng matiwasay sa lugar na iyon.

Pagod na siya. Isama pa ang galit na nararamdaman para sa kaniyang mga taksil na kasamahan. He swore that he will never forgive those bastards who did this to him. It was his companions betrayal that lead him to this situation.

Buong plano na pala ng kaniyang mga kasamahan na siya ay idespatsa sa hindi niya malaman na dahilan. Siya rin naman ay nagpadala sa mga magagandang salita ng mga ito.

" Napakatanga ko.... haah... "

Mga salitang kaniyang binitawan bago siya muling tumakbo kahit na paika-ika. If she's really gonna die, she does not want to be those monsters's food. Mas mabuti pang tumalon siya sa isang mataas na lugar o kaya ay magpakalunod na lamang.

" I swear... sa oras na magkrus ang aming mga landas sa impiyerno, sisiguruhin kong magbabayad sila.... "

Mga katagang kaniyang binitawan bago siya tuluyang tumalon mula sa tulay. Isang malamig na tubig ang syang bumalot sa kaniyang katawan. Sa kaniyang paglubog, isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang maputlang labi.

This is my end.

Unti-unti niyang ipinikit ang kaniyang mga mata hanggang sa hindi na niya naramdaman pa ang kaniyang katawan. Ang kaniyang katawan ay tahimik na hinila pailalim ng dagat sa pinakamadilim nitong hangganan.

Isang makinang na bagay ang huling beses na kuminang mula sa kaniyang leeg bago siya tuluyang mawala sa kadiliman ng karagatan.

———

The coldness covering my whole body. The pain I'm feeling from the large wound on my stomach. Lahat iyon ay naramdaman ko ng unti-unti akong nilamon pailalim ng madilim na karagatan.

Matapos noon ay ang madilim na paligid. Ang sakit na naramdaman ng aking katawan ay dahan-dahang nawala. Tanging ang malamig na tubig ng karagatan ang aking naramdaman.

Madilim, ngunit naging kaibigan ko sa tuwing ako ay nag-iisa. Takot, ngunit siyang naging ningas para sa aking nag-aapoy na damdamin.

Ngunit.... huli na ang lahat. Tapos na ang mga araw ko sa mundong ibabaw. Hindi ko pa man natatapos ang aking misyon ay wala na akong magagawa.

———

" Hmm... mn... "

H-Huh?

Wala akong... nararamdamang sakit. Hindi rin malamig ang aking katawan. Malambot rin ang aking hinihigaan.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Isang maliit, malinis at pamilyar na silid ang syang una kong nakita.

Bumangon ako ngunit kaagad rin akong napahawak sa aking ulo. Ah... How....

How did I get back here...?

My body... I'm all healed up... There is no one here... who did this?

Tumayo ako sa aking higaan at mabagal na naglakad papunta sa banyo. Huminto ako sa maliit na lababo na naririto sa banyo at naghilamos. Matapos kong maghilamos binalak kong lumabas na mula roon pero kaagad rin akong napahinto.

Napansin ko ang aking hitsura sa salamin na nakalagay sa lababo. Bumalik ako sa lababo at humarap sa salamin.

Pinagmasdan ko ang aking mukha. I-I look young.... My face... the scar on my face is gone! H-How!?

Pinagmasdan ko pa ang aking mukha sa salamin. Pati ang laki at taas ng aking katawan ay nabawasan. This is ridiculous. This...

I'm looking at my reflection with disbelief. I know that regression is not yet confirmed to be realistic but this is just so unbelievable. Sakto pa na ang pagkamatay ko ang syang naging tulak para bumalik ako sa nakaraan.

Binigyan ba ako ng diyos ng pangalawang pagkakataon o sadyang naawa lang siya sa naging kalagayan ko?

Is this a gift or a curse in disguise?

Apocalypse: InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon