Crazy

37 6 2
                                    

Chapter #8

>>SAMANTHA'S POV<<

Gising na kaming lahat at may kanya-kanyang ginagawa. Noong magising ako, hindi ko na nakita si Lilac. Tinanong ko rin yung iba kung nasaan siya pero hindi rin nila alam. Si Ruiz naman ay kalalabas lang ng dorm. Hahanapin raw niya si Lilac.

Napabuntong-hininga ako sa kawalan...

Naalala ko ang nangyari kahapon. I feel guilty na pinapasok ko yung tatlo dito sa dorm pero hindi kami sinisi ni Lilac. She just warned them not to do it to us. Kahapon, as I heard her say that, I felt touched. I guess, she's considering us kahit hindi niya ito sinasabi.

Simula ng makilala ko siya kahapon, nakikita ko ang pagiging tahimik at malayo niya sa amin. She's like a kind of a woman that won't let us hear what's in her heart and mind. What she desired the most...

" Malalim yata ang iniisip mo, Sam? " tanong ng isang boses mula sa aking likod.

Tumingin ako rito at napangiti ako. Si Jonathan pala. Lumakad siya papunta sa tabi ko at saka umupo. Sumandal siya sa likod ng sopa.

" You seemed bothered by something. Ano iyon? " puna niya.

Ah, siya nga pala si Jonathan kasama ko na nakaligtas doon sa insidente sa clinic. Si Lilac ang nagligtas sa amin mula roon kahit na hindi ko alam kung talaga bang iniligtas niya kami or dahil doon sa nangyari kay Teressa.

" Tulala ka na naman. " ako ay napakurap ng marinig ko ang sinabi ni Jonathan.

Napatingin ako sa kaniya at nahihiyang magsalita. Nice one, Samantha. Kita mo namang may kumakausap sa iyo, nagpalunod ka naman ulit sa mga iniisip mo. Haysst.

" Wala lang 'to. Medyo inaantok pa. " sagot ko sa kaniya.

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo saka nagbuga ng hangin. He gave up.

" Hindi kita pipilitin kung hindi mo sasabihin. O sya sige, maiwan na kita dyan. Susubukan ko lang na humingi ng armas kay Alexander. " pagpapaalam niya.

Tumango lang ako bago siya umalis. Ng makaalis na siya saka naman ako napabuntong-hininga. Bago pa man ako makabalik sa pag-iisip, biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng dorm.

" What the heck!? Alam mo bang mapanganib ang ginawa mo? Ha, Lilac!? " sigaw ni Ruiz na umalingawngaw sa buong dorm.

Lahat kami ay napalingon sa kinaroroonan nung dalawa. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ko ang sitwasyon ni Lilac. Balot na balot siya ng dugo. Wala ring emosyon ang mga mata niya.

" I know. " malamig at seryoso niyang sagot sa sinabi ni Ruiz.

Ramdam ko na nagtayuan ang mga balahibo ko sa leeg. Ang takot na naramdaman ko kahapon.... naramdaman ko ito ulit ngayon.

" Alam mo naman pala eh! Bakit mo pa rin ginawa!? Lilac, babae ka! Hindi ka ba natatakot na–. "

" I've experienced more hell than this, Ruiz. Yes, I am a girl and I'm more capable of protecting myself. I'm not afraid of death cause I've faced more death and life situations before. Happy? " diretso, malamig at seryosong pagputol niya sa sasabihin ni Ruiz.

Sa tingin ko ay huminto kaming lahat sa paghinga dahil sa mga narinig.

" Are you crazy? You could've died... " Ruiz exclaimed with seriousness in his voice.

What? What did he mean she could've died—. Wait...

I gasped. Sa ginawa ko, ang lahat ay napatingin sa akin. Alam ko na ang ibig sabihin ni Ruiz. Nakita ko ang pagngisi ni Ruiz sa ginawa ko. Iyon ang naging dahilan para masagot ang tanong na nasa isip ko. Tumingin ako kay Lilac. She still have those cold gaze. No way she could do that.

Is she cazy!? She did that without asking for our help!! By just one glance on her now, you would know what she did...

" What happened? " si Alexander na kakalabas lang ng cr.

Nahinto siya sa paglakad ng makita si Lilac. Nanlaki rin ang mga mata niya. Ang tingin niya ay nagpalipat-lipat kina Ruiz at Lilac.

" What the heck? " ang tangi niyang naibulalas.

" Lilac, you-. What did you do? " tanong niya.

Isang walang emosyong tingin ang ibinigay niya kay Alexander at hindi sumagot. Nakita ko naman ang pag-atras ni Alexander.

" She solo cleared the whole second floor. " sagot ni Ruiz.

Napapikit ako sa isinagot niya kay Alexander. Huminga ako ng malalim. I knew it.

" What!? " tanong nilang lahat maliban sa amin ni Ruiz.

" What did you just said!? " sigaw ni Shaira.

Oopps.

" Shaira, ayokong makipag-away sayo ngayon. " mahinahong sagot ni Lilac kay Shaira.

" But-- "

" Shaira, pagpahingain natin siya. " si Edison.

Magagalit pa sana siya sa kasintahan niya ng umiling ito ng nakikiusap. Shaira frowned.

Tahimik ang lahat. Nakita namin na naglakad si Lilac papunta sa loob ng kuwarto. As I can remember, may cr sa loob ng kuwarto ni Lilac.

Tinignan ko ang lahat. Ang iba ay hindi makapaniwala sa nalaman at ang iba ay tumahimik lamang. Cleared na raw ang floor na kinalalagyan naming lahat. That means, pwede na kaming gumala sa floor na ito ng walang pangamba.

I don't know why.... why I don't feel shocked or bothered of what I've just learned. Noong una pa lang ay nakita ko na kung paano ni Lilac labanan ang mga nilalang na iyon. Sa clinic pa lang, alam ko ng malakas si Lilac. Hind siya matuturingan na Leader ng Weaponry Department kung hindi siya malakas.

Ang kaso nga lang, nawawala ang lahat ng emosyon niya sa tuwing papatay ng mga chaser. Although dalawang beses ko pa lang naman iyon napapansin, she has a pattern.

Her emotions will fade in a course of time and she will not hesitate to kill those chasers. Yan ang mga napansin ko. Siguro, kaya niya ginagawa iyon ay para maalis ang isiping tao parin naman sila noon.

She's unique. She's dangerous but I don't feel in danger when I am close to her. I feel like more of... protected by her instead.

" That girl... she's crazy... " bulalas ni Ruiz.

Napatingin kaming lahat sa kaniya. Hawak na niya ang kaniyang buhok. Mahina itong natatawa habang nakapikit.

I can say, he's crazy for her.

Apocalypse: InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon