Lilac

47 6 0
                                    

Chapter #3

>>SOMEONE'S POV<<

Nakarating kami sa clinic ng makita naming nagkakagulo roon. Sa aming pagdating, nakita namin ang isang babae sa loob ng clinic at mag-isang inuubos ang mga chasers na naroroon.

" Please, someone stop her. Hindi na maibabalik pa ang buhay ni Teressa kahit ubusin niya ang mga iyan. " nag-aalalang saad ng isang babae habang nakatingin sa kinaroroonan nung babae na nasa loob ng clinic.

Napatingin ako sa isang babae na wala ng buhay at nakahiga sa sahig. May hiwa ito sa leeg at kita rin ang isang kagat sa gilid ng leeg nito.

Ah. Ganoon pala ang nangyari. Nahihinuha ko na ang mga nangyari rito.

" AARGH!!! " narinig naming sigaw nito sa loob ng clinic.

Nakita namin ang pagsipa niya sa isang upuan na malapit sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang babae.

" Lilac... " wala sa sarili kong tawag sa pangalan ng babae.

Mabilis akong tumakbo sa loob ng clinic at niyapos si Lilac sa likod. Nadudurog ang puso ko sa sitwasyong kinalalagyan niya. She's crying. Tinggal ko ang kutsilyo na hawak niya. Napamura ako sa aking sarili dahil nahirapan akong matanggal ang patalim sa napakahigpit niyang pagkakahawak.

Matapos kong matanggal ang patalim, hinarap ko siya sa akin at muli ko siyang niyakap. Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang katawan. Mas lumakas rin ang paghagulgol niya. Ang mga kamay niya ay yumakap rin sa akin at nagpatuloy siya sa pag-iyak.

" Shhh... tahan na. " mahinang sabi ko sa kaniya habang hinihimas ko ang kaniyang buhok at likod.

Kailangan na naming lumabas sa lugar na ito. Hindi lamang dito nangyari ang pagbabago ng mga tao. Sa labas rin.

Napansin ko ang paghinto ng pag-iyak ni Lilac. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Napangiti ako ng mapagtantong nakatulog ito matapos umiyak.

Iniyapos ko ang aking kanang braso sa likod, papunta sa kanang balikat ni Lilac. Samantalang, bahagya akong yumuko upang abutin ang likod ng kaniyang tuhod. Binuhat ko siya ng maingat at naglakad ng dahan-dahan sa itaas ng wala ng buhay na mga chasers.

Nakalabas kami ng maayos mula sa loob. Tiningnan ko ang mga taong nakaligtas mula dito sa clinic.

" Ano na ang plano ninyo? " tanong ko sa mga ito.

" Babalik ako sa dorm ko. " sagot ng isang babae.

Siya yung babaeng nagsalita kanina. Tinanguan ko lamang ito.

" Babalik rin ako. " sagot naman ng isa pa.

" Sa tingin ko hindi pwede yang mangyari. Hindi natin alam kung mayroon bang mga tulad ng mga iyan sa itaas. " hindi pagsang-ayon ng isa pang lalaki na kasama nila.

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Tama sya. Hindi pa tayo nakakasigurado kung ligtas ba sa itaas.

" Sumama kayo. Magpupunta tayo sa dorm ni Lilac. " wika ko.

Napatingin silang lahat sa akin.

" Sino si Lilac? " tanong nung lalaki.

" Ang babaeng hawak-hawak ko. " mabilis kong sagot sa tanong niya.

Napatingin silang lahat sa buhat-buhat ko. Gulat silang tumingin sa akin.

" Lilac? Parang pamilyar ang pangalan na iyan. Hindi ba siya yung leader ng Weaponry Department? " saad nung lalaki.

Tumango ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko na pinansin pa ang pagkagulat nila sa natanggap na impormasyon.

" Simon, Louis, sa likod kayo magbantay. Anthony, Gabrielle, sa harap kayong dalawa. " utos ko sa apat kong kasama.

Sila ang mga kaibigan ko. Sila rin ang mga kasama ko sa Combat Department at syempre ako ang leader. I've been amazed by Lilac ever since she arrived here. Mabilis siyang naging leader ng Weaponry Department sa loob lamang ng isang taon.

Nabalitaan ko rin na napakaestrikto nito sa mga member ng Department nila. Ang Weaponry Department ay ang departamento kung saan hinahasa ang mga tao sa paghawak at paggamit ng mga armas. Ang Combat Department naman namin ay puros patungkol sa hand to hand combat.

Matagal ng naglalaban ang aming mga departamento bago pa man dumating si Lilac. Palaging natatalo sa amin ang Weaponry Department noon pero magmula ng dumating si Lilac sa Department na iyon, naging tie ang laban namin.

Sabihin na nating nagulat kaming mga combatant sa naging resulta ng Battle Competition namin sa mga nasa Weaponry Department.

Nagsearch pa nga ako ng tungkol kay Lilac eh at para sabihin ko sa inyo, nagulat ako sa natuklasan ko. Lilac was the illigitimate daughter of the CEO of the most famous company in this country. Anak man sa labas, pinakita ni Lilac ang kaniyang talento. Hindi niya pinansin ang mga panlalait sa kaniya ng iba niyang mga katrabaho.

—————

Nakarating na kami sa Room# ni Lilac. Marami kaming nakasalubong na mga chasers pero mabuti na lang at walang nangyaring masama sa aming lahat.

Sa aming pagpasok, bumungad sa amin ang magkasintahan na sina Edison at Shaira. Napatayo ang dalawa sa kanilang kinauupuan at nagsilapitan sa amin.

" Anong nangyari sa kaniya!? Bakit ang dami niyang dugo!? " natataranta ng tanong ni Shaira.

" Nakasalamuha niyo rin ba ang mga iyon? " tanong ni Edison sa akin.

Tumango ako at tumingin kay Lilac na natutulog sa aking bisig.

" Si Lilac ang umubos ng mga chasers sa clinic... " saad ko.

" What!? " sigaw ni Shaira.

Napabuntong-hininga hininga na lamang ako. Alam kong hindi nila ako paniniwalaan.

" Is that why she is covered with blood? " mahinahon ng tanong ni Shaira.

" Yes. " sagot ko.

" *Sigh. Put her in the bathtub. Lilinisin ko siya. " utos nito sa akin.

Nagkatinginan kami ni Edison sa inutos ng kaniyang kasintahan.

" Ano pang tinutunganga mo diyan? Huwag mong sabihing ikaw ang magpapaligo sa kaniya? " saad niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at sinunod na lamang ang iniuutos niya. Pumasok ako sa loob ng banyo at dahan-dahang inilagay si Lilac sa bathtub na wala pang lamang na tubig.

Matapos kong gawin iyon ay kaagad akong lumabas ng banyo. Nakasalubong ko pa si Shaira na nakangisi sa akin. May kasunod si Shaira na isang babae.

Matapos kong lumabas ng banyo ay nagtungo ako sa kusina ni Lilac. Binuksan ko ang refrigerator at napanganga sa dami ng laman nito sa loob.

" Whoa! Andami! " bulong sa wika ni Edison na hindi ko napansin ang pagdating sa tabi ko.

Andami naman nito. Hindi ba kumakain si Lilac? Parang wala siyang binawasan kahit na isa eh.

Apocalypse: InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon