Chapter #4
Nagpapahinga na ang lahat. Nasa loob ng bedroom ang tatlong babae. Samantala, kaming nasa walong lalaki ay nasa salas.
Si Lilac ay hindi pa rin nagigising. Siguro ay napagod talaga siya ng sobra. Nang makita ko siya sa clinic kanina, ang kanyang mga mata ay walang emosyon ngunit lumuluha.
Ang kuwento sa akin ni Samuel, isa sa mga lalaking nakaligtas mula sa clinic, may pinaiwan raw na bilin si Teressa kay Lilac bago ito pumanaw. Ang anak nito, si Nash. Si Nash ay kaibigan ng kapatid ko. Ang alam ko ay nasa 3rd floor sila. Hiling ko lang sana na hindi sila lumabas ng dorm nila.
" Uhmm... matanong ko lang, ano yung chain message na sinasabi ni Lilac kanina? " tanong ni Jonathan.
Napalingon kami sa kaniya. Hindi ba niya natanggap?
" Ah... yung chain message na natanggap namin ay tungkol sa mga chasers na nakasalamuha natin. " sagot ni Simon sa kaniya.
" Chasers? " tanong niyang muli.
" *Sigh. Oh heto, basahin mo. " buntong-hininga na sabi naman ni Alexander.
Ibinigay niya ang kaniyang cellphone kina Jonathan at Jack. Kaagad itong sinumalang basahin ni Jack.
" Apocalypse. Kung gusto ninyong makaligtas sa apokalipto, siguruhin ninyong sapat ang kaalaman ninyo tungkol sa mga nilalang na gutom sa lahat ng bagay na nabubuhay dito sa ating mundo.
Chasers, ang kauna-unahang infected na makikita sa pinaka unang pagkalat ng virus. Ang mga ito ay may mga kulay puting mga mata, mga ngipin na kulay itim, mga balat na namumutla, at nawawala sa sarili. Ang mga ito ay ang unang variant ng infections. Mag-iingat kayo na hindi kayo makagat o masugatan ng mga ito. Kahit kaunting galos ay maaaring magtrigger sa pagpasok ng virus sa inyong katawan. Ilang oras bago ka maging infected? Hindi oras ang aabutan mo. Minuto at maaring segundo ang abutin bago ka maging tulad nila. Paano sila papatayin? You can kill them by piercing a sharp object in their heads or cutting their neck into two.
Ang mga impormasyong ito ay hindi sana ipapakalat sa lahat ngunit kapag hindi ko ito ginawa, hindi lamang higit sa kalahating ng populasyon sa buong mundo ang mamamatay, maaring wala ng matira pa sa sangkatauhan. Tawanan nyo na't lahat-lahat ang mga sinasabi ko, gusto ko lamang na magligtas ng mga tao kahit malayo ako.
Ang virus o masasabi na nating apocalypse na mangyayari, ay hindi lamang hanggang doon ang ilalakas. Ang virus ay patuloy na magi-evolve. Mangyaring mag-iingat tayo.
The virus have so many variants that you need to watch out for. Chasers are only level 1 infecteds. There are 1 to 6 levels of infecteds.
First, Chasers. A level that can be taken by normal human. Second, Animalia. A level of which can be taken by a group of people with abilities. Third, Flowers. A level that can be taken down by people with a certain level. Fourth, Shapeshifters. A level that can only be seen inside a tunnel or dark places. Shapeshipters cannot be underestimated. Shapeshipters can be taken down by people with mental resistance. Fifth, Giants. A level with hard difficulty to kill. Giants can be seen everywhere. Giants are hard to kill. Might as well leave them alone. And last but the most dangerous variant, Aliens. They are called aliens because of their ability to communicate to humans. Aliens are hostile, do not mind trying to talk to them. They will just make you a part of their evolution. Aliens can be seen in a city. There is only 1% of them appearing in 3 years.
Now that I've warned you about the levels of infecteds. You need to gain experience on killing them. Remember, do not be reckless. Your life is only one. This is not a game that you can spawn back to your life as many times as you want.
There is a technique how you can awaken your abilities but... hindi ko alam kung mahahanap ninyo ang taong nakaaalam kung paano iyon gawin o kaya ay kung willing siya na turuan ka o kayo.
Goodluck...
And survive.
—Acer041095. "
Napatingin kami sa isa't isa matapos niyang basahin ang chain message. Ang totoo niyan ay nabasa ko na iyan. Noong una ay hindi ako naniwala sa mga nabasa ko at ngayon na nakita ko ito mismo, hindi ko alam ang gagawin ko.
" Infecteds. Levels. Evolution. Abilities. Maari nating sabihin na safe pa tayo mula sa Aliens na sinasabi sa chain message pero para sa iba pang mga variant na nasabi, mukhang kailangan pa rin nating maghanda. " saad ni Alexander.
" May sinabi rin siyang, mayroong nakaaalam kung paano natin mabubuksan ang mga abilities na meron tayo. Pero saan natin siya hahanapin? " naguguluhang tanong ni Jonathan.
" Paano kung ang nagpakalat ng impormasyon na ito ay ang sya mismong nakaaalam kung paano? " tanong ko naman.
Nalipat ang tingin nila sa akin. Nag-iisip at naghahanap ng paraan kung paano namin makakausap o makikita ang tao na siyang tanging nakaaalam ng tungkol sa apocalypse.
" This will be harder than we thought. " bulalas ni Edison na napahilamos na ng mukha.
" Atleast, ang taong nagpakalat ng impormasyong ito ay nakatulong sa atin. Pwede pa natin itong mas ipakalat pa, di ba? " si Gabrielle.
" Ang intindihin na lang natin ngayon ay paano tayo makakasurvive kung kulang ang pagkain natin. Hindi naman pwedeng manghingi na lang tayo ng manghingi sa pagkain ni Lilac. " mungkahi naman ni Shaira na nakikinig pala sa usapan namin.
" Gising na siya. " saad naman ni Samantha na kasunod lang ni Shaira.
" That's so embarrassing. " wika naman ni Lilac na kalalabas lang.
Nakasando siya na puti at nakajogging pants. Ang buhok naman niya na mahaba ay nakatali ng mataas.
" Oh~, so andito silang lahat. Hindi ko inaasahang dito kayo sa dorm ko pupunta. " wika nito sa amin saka nagtungo sa kusina.
" Kung ganoon, paano kayo makakahanap ng pagkain? " tanong ni Edison.
" We will loot those empty dorms. " mabilis siyang sinagot ni Lilac na nakatalikod sa amin at kumukuha ng makakain sa loob ng kaniyang refrigerator.
Napatangu-tango naman kaming lahat sa kaniyang isinagot. Ang bilis niyang sumagot. May punto rin ang kaniyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Apocalypse: Insides
Action" You seemed so calm. Did you also receive the chain message? " "I need some privacy, idiot! " ~~~ [ Notice: This story consist of nothing but the imagination of the author. The author wrote this story with mixed filipino and english language. ] [ W...