Chapter #9
>>LILAC'S POV<<
Matapos kong maligo at makapagbihis, sumalampak ako ng higa sa kama. I have cooled down myself. Nakakailang buntong-hininga na ako mula kanina habang nasa cr pa ako. I lost control of myself earlier.
Napapikit ako at napatiimbagang. Pinipilit ko ang aking sarili na hindi makagawa ng bagay na mas lalo pa nilang pagsususpetsahan. Hindi ko magagawa ang plano ko hangga't pinuproblema ko na may makaalam ng sikreto ko.
Hangga't naririto ako sa loob ng company na ito, kinakailangan ko ang dobleng ingat. Ang kaso nga lang, masyadong maikli ang pasensya ko. I can't afford to wait here forever. Gusto kong.... hayssst.... masyado pang maaga. I know. But it's best to be early than late. Ayokong pagsisihan pang muli ang pagiging huli sa lahat ng bagay.
I take a long deep breath and force my body up of the bed. Tinanggal ko ang panali ko sa buhok mula sa aking palapulsuhan at itinali ang aking buhok ng mataas.
Tumingin ako sa alarm clock na nasa itaas ng isang nightstand sa tabi ng higaan ko. Its 1:00 pm. Maaga pa. Mukhang magagawa ko pang makahanap ng iba pang survivors.
Sa huling sandali, ako ay huminga ng malalim. Kinuha ko aking katana na nakasandal sa tabi ng nightstand. I'm ready.
I don't know.... but I feel.... uneasy....
*Sigh. Nevermind. I should probably get going.
Lumabas na ako ng kuwarto. Bumungad sa akin ang mga mukha nilang gulat. Tinaasan ko sila ng kilay. What the heck happen to them? Its as if they've seen ghost.
" L-Lilac? " si Samantha na gulat na nakatayo sa harapan ko at nakataas pa ang kanang kamay.
Kakatok yata siya sa pintuan kanina.
" Mm? " tanong ko rito.
Pinagmasdan ko ang mukha niya habang hindi binabago ang bato na ekspresyon na palagi kong ginagawa. Kagaad naman itong napaayos ng sarili.
" E-Ehem. G-Gising ka pala. Tatawagin sana k-kita para kumain. " nauutal nitong sagot sa akin.
Hindi ko ito binigyan ng reaksyon bagkus ay tumitig lamang ako sa mata nito.
" Don't worry about me. I'm still not hungry. " mahinahon kong tugon sa kaniya.
Napansin ko ang dahan-dahang pagbagsak ng balikat niya. It seems like she's disappointed of my response. Tinapik ko ang balikat nito at naglakad na papunta sa pintuan ng dorm.
" Saan ka pupunta? " tanong ni Ruiz matapos akong harangan sa pintuan.
This man.... I'm still irritated of him.
" Get out of the way, Ruiz. " madiin kong utos.
Natigilan ito sa kaniyang kinatatayuan. Ooopps... I over did it.
" N-No. S-Sabihin mo muna k-kung saan ka pupunta. " wika niya.
Pfff~. That almost made me laugh.
" Malamang sa labas. " prangka ko na sagot sa kaniya.
The truth is I'm still exhausted. Sa ginawa ko kanina na pagso solo clearing kamuntikan pang bumigay ang katawan ko.
" Don't you dare. "
Napatitig ako sa mga mata niya. His face.... his face darkened. What the hell?
Pinanatili ko ang pagiging matigas ng ekspresyon na pinapakita ko habang nakikipaglaban sa titig niya. This is not going to be as what I planned. Sa katuyan niyan ay hindi dapat nila ako makakausap ng ganito. No one talked to me in the past–....
Yeah.... it's all in the past....
" Lilac? " tanong ni Ruiz.
Tumingin ako sa kaniya pero hindi rin nagtagal at biglang nandilim ang paningin ko.
Shit... My head....
" Lilac! "
Huli kong nadinig mula kay Ruiz ng unti-unti kong naramdaman ang pagbigay ng katawan ko at pagkawala ng malay ko.
>>RUIZ'S POV<<
Nanlaki ang mga mata ko ng bigla na lang nawalan ng malay si Lilac. Mabuti na lamang at nahawakan ko kaagad ang balikat nito. Napahigpit ang hawak ko sa balikat nito habang dahan-dahan kaming bumaba sa sahig. Nakasandal ang ulo nito sa aking dibdib. My right knee is on the floor balancing my and Lilac's weight.
Yung iba naman ay kaagad na napatayo. Si Alexander ay mabilis pa sa kidlat na napalapit sa kinapupuwestuhan ko at ni Lilac. Kaagad niyang tiningnan ang lagay ni Lilac. Kinapa rin niya ang noo ni Lilac.
" She's just exhausted and it leads her to faint. What a careless woman... " ulat ni Alexander at napapakunot ang noo.
Tiningnan ko ang walang malay na si Lilac at napagdesisyunan ko na siya ay buhatin na. Maingat kong inilagay ang kaliwa kong braso sa ilalim ng tuhod nito at saka binuhat. She's light like feather.
Is she not eating well?
Kaagad kong dinala si Lilac sa loob ng kuwarto. Pinagbukasan ako kaagad ng pinto ni Samantha para ako ay makapasok. Nakasunod sa aking pagpasok sina Shaira, Edison, Samantha, at Alexander.
Tsk. This woman. She's really not taking good care of her health. At hihintayin pa niya sa puntong mawalan siya ng malay.
" Hindi pa siya nakakakain... " narinig naming bulong ni Samantha.
Nagkatinginan kami ni Alexander. Napahilot na lamang ako ng sintido. Hindi pa pala nakakain itong babaeng ito. Nakakainis. If I have not gone out to find her earlier, she could have died. Why is she in a hurry!?
Wait.. is it about the promise?
" Is she stressed? " wala sa sarili kong tanong.
Nangunot ang noo ko habang nag-iisip. She's that desperate to rescue Teressa's son.... to the point of solo clearing the floor? And fainting?
" Ano ba kasing nasa utak niya!? " naiinis na sabi ni Shaira.
Tumingin ako rito. Makikita sa mga mata nito ang pinaghalong inis at pag-aalala sa kaniyang kaibigan. I think she looks like Lilac's over protective sister. Masaya akong malaman na may kaibigan si Lilac. Although, siya pa lang ang kilala kong kaibigan ni Lilac.
" Hayaan muna natin siyang magpahinga. " utos ko sa kanila.
Lahat sila ay nagsitanguan. Si Shaira naman ay mabilis na pinahid ang mga basa na nasa kaniyang pisngi. Umiiyak na pala ito.
" Ako na ang magbabantay sa kaniya. " sabi nito at makikita ang pagiging desidido.
Tinanguan ko ito. Lumabas na si Samantha na kasunod si Alexander. Ako naman ay muling sumilip sa natutulog na si Lilac bago ko naisipang lumabas na rin. Si Edison ay nagpaiwan. Sasamahan daw niya si Shaira sa pagbabantay kay Lilac. Nakakain naman na ang dalawang iyon kaya't walang problema kung magpaiwan sila sa loob.
BINABASA MO ANG
Apocalypse: Insides
Action" You seemed so calm. Did you also receive the chain message? " "I need some privacy, idiot! " ~~~ [ Notice: This story consist of nothing but the imagination of the author. The author wrote this story with mixed filipino and english language. ] [ W...