Punishment ²

37 5 0
                                    

Chapter #16

" N-No. Please! I'll do anything! Please, I don't want that! "

Saglit kong tingnan si Alisha at saka walang pag-aalinlangang pinutol ang mga braso at binti niya. Sigaw niya ang siyang maririnig sa buong 2nd floor. Kagaya ng ginawa ko sa bibig ni Timothy, hiniwa ko rin ito at tumalsik ang dila nito palabas.

" Tiffany, you're next. ", walang emosyon kong sabi.

" Y-You're a monster!! Halimaw ka! Hindi ka tao!! ", napangiti ako sa sinabi niya.

" Ahahahhaha!! Me a monster? Well, half of that is right. I'm a monster punishing a monster like you. ", sabi ko na natatawa.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanggalan siya ng braso at binti katulad nung dalawa.

" Shut up! ", I shouted and slice her mouth.

Huminga ako ng malalim at ibinalik sa lalagyan ang talim ng aking katana. Naglakad ako palapit sa mga putol na bahagi ng kanilang mga katawan at kinuha ito. Walang pagdadalawang-isip ko itong ibinato sa labas ng building.

" Done. ", sabi ko at lumapit sa dalawang babae.

Hinigit ko ang kanilang mga buhok at hinila ito pabalik sa hagdan.

" Caleb, pwede ba kitang mautusan na ibalik sa loob ng dorm ko sa dulo ang mga kahon na inilabas ng mga hayop na ito? ", mahabang tanong ko rito.

" Opo. Ako na pong bahala. ", sagot nito na nginitian ko.

Nagpatuloy ako sa hagdan hanggang sa makabalik ako sa 3rd floor. Naglakad ako palapit sa mga kasama ko habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ko sina Alisha at Tiffany.

Nakita ako ng mga kasama ko at kaagad na napatakip ng kanilang mga bibig. Hinagis ko sa harapan nina Ruiz at Alexander ang katawan ng dalawang babae.

" There, ibitin niyo silang dalawa sa harap ng 3rd floor. Babalik pa ako. Naiwan pa sa ibaba si Timothy. ", sabi ko at hindi pinansin ang takot na makikita sa kanilang mga mata.

Tumalikod na ako at naglakad pabalik sa hagdan. Huminto ako sa tapat ng hagdan at humarap muli sa mga kasama ko.

" By the way, silang tatlo ang magiging example para sa mga magtatangkang gawin ang ginawa nila. I'll hunt you and make you like them. ", nakangiti kong sabi sa kanila bago tuluyang bumaba ng hagdan.

Sa pagbalik ko sa ibaba at nakita ko si Timothy na gumagapang papunta sa hagdan pababa sa 1st floor.

" Who~a! Gumagapang ka papuntang 1st floor? You know that you will become an infected if you do that. Mabait na ako ng pinayagan ko kayong mag-stay sa dorm ko eh at hindi ko kayo pinatay. Why still struggle? ", mapang-asar kong sabi.

Lumapit ako sa kaniya at sinabunutan siya. Napangisi ako ng makita ko ang matatalim na tingin na ibinibigay niya sa akin.

" Nice reaction hahahahha! Siguro iniisip niyo na kayo ang biktima at ako ang halimaw. Hindi. Parehas lang tayong halimaw. ", sabi ko sa kaniya at sinampalsampal pa ang mukha nito bago inangat gamit ang isa kong kamay.

" Your way lighter than I expected. ", bulalas ko.

Maya-maya pa ay dumating si Caleb. Normal ang mukha nitong lumapit sa akin habang yakap-yakap ang teddy bear niya.

" Let's go? ", tanong ko sa kaniya.

" Mm! ", sagot niya na ikinangiti ko.

Naglakad na kami paakyat sa 3rd floor. Pinauuna ko siya sa pag-akyat at ako naman ang sumusunod.

Sa aming pag-akyat, nakita ko na patuloy pa rin ang paghingi ng tulong nung dalawang babae.

" Tsk. "

Lahat ay napatingin sa aming kinaroroonan. Muli nilang nakita ang hawak-hawak ko at napapikit. Ako naman ay hindi pinansin ang mga reaksyon nila. Nagulat nga rin sila ng makitang ayos lang kay Caleb na nakikita niya akong may dala-dalang duguan na katawan.

" Caleb doon ka muna sa kapatid ni Ruiz. I'll talk to Ruiz and Alex. ", utos ko rito na kaagad namang tumalima.

" Ruiz, alex. Let's talk. Dalhin niyo yung dalawa. ", malamig kong utos sa kanila.

Hindi sila kaagad tumalima kaya tiningnan ko sila.

" What? Do you pity them? ", walang emosyon kong tanong sa kanila.

I see...

" Hmm, do you think I'm a monster for punishing rats? ", tanong ko sa kanila na kaagad na napatingin sa akin.

Ang iba ay tahimik na nakikinig at nanonood. Yeah. They really think that I'm a monster...

" You're not a monster. ", si Caleb.

" You're not. ", si Shaira na seryoso ang mukha.

" Well, I guess the rest of you did think I am. ", wika ko.

Bumigat ang pakiramdam ko. They don't know why I'm doing this. Ginagawa ko ito para sa kanila pero wala akong magagawa kung paalisin nila ako or kaya ay papatayin nila ako.

" Bakit? Bakit mo pa ginawa ito sa kanila? ", tanong ni Alexander.

Oh. I see. Alexander is a nurse and is saving the lives of people. I can understand his question.

" Simple, the likes of them will sacrifice others for their safety. Marami ang mamamatay if I let them be. ", sagot ko.

" How... how are you sure? ", tanong nito sa akin.

I stop for a second. Right... hindi pa nila dapat malaman.

" I can't answer that for now. I'll tell you when the time comes. Hindi ko pa kayo lubos na pinagkakatiwalaan. I've been betrayed many times. Sorry... ", sagot ko sa kaniya at yumuko.

Katahimikan, 'yan ang namuo sa aming lahat. May iba sa kanila na hindi pa kilala ang tunay na ako. I'll tell them if I'm assured that they can be trusted.

" Ruiz, Alexander. Stand up. I still need to punish this three. Kahit pigilan niyo akong parusahan ang tatlong ito, hindi ako hihinto. ", seryoso kong sabi at hinila na si Timothy.

Naglakad na ako papunta sa harapang pasilyo ng 3rd floor kung saan matatanaw ang labas ng building.

Nakalimutan ko bang sabihin na may dala akong mahabang lubid? Well, nevermind. Nilapag ko sa isang gilid si Timothy at nagputol ng limang dipang haba ng lubid. Itinali ko ito sa katawan ni Timothy.

Noong una ay nagpupumiglas pa ito at duduraan ako ng dugo. Itinapat ko ang talim ng aking katana sa mata nito at nakangiting tumingin sa kaniya.

" If you continue to spit on me, I'll torture you until you slowly die. ", sabi ko rito at binuhat ang lubid na nakalabas sa kaniyang likod.

Masama na kung masama. I want to see this three suffering.

Apocalypse: InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon