Cruel

37 4 5
                                    

Chapter #17

Nagpapahinga na ang lahat. Tapos na naming isabit yung tatlo sa tapat ng building. I already warned the others to not get close to those three.

" Ate Lilac? "

Kaagad akong tumingin kay Caleb ng tawagin niya ako. Mapapansin sa mga mata nito na inaantok na siya.

" Matulog ka na. Babantayan kita, okay? ", sabi ko rito na tumango naman kaagad.

Nagulat naman ako ng bigla itong tumabi sa akin at humiga.

" Hindi po ako sanay matulog na hindi naririnig ang boses ni mama. Pwede nyo po ba akong kantahan? ", tanong nito.

So he's not used to sleeping alone huh.

" Okay, I will. Ipikit mo na ang mga mata mo. ", sabi ko rito at nagsimulang kumanta.

I started singing the song I always listen into when I can't sleep. A lullaby my grandmother always sang to me before she died.

Now, I can see him falling asleep. Ipinagpatuloy ko ang pagkanta habang hinihimas ko ang kaniyang buhok.

" Lilac? "

Napatingin ako sa pintuan ng kuwarto na kinalalagyan namin ni Caleb.

" Shh! Wag kang maingay. Kakatulog lang niya. ", pabulong na sita ko sa kaniya.

Napapakamot sa batok siyang humingi ng sorry. It's Ruiz. Mukhang kalmado siya matapos ng nangyari kanina. Sinenyasan ko siya na pumasok.

" Don't you feel scared? ", tanong ko sa kaniya na ikinahinto ng kaniyang paglakad.

" Heh~ as I thought. ", giit ko.

Hindi siya nakaimik pero nagpatuloy siyang lumapit sa kinapupuwestuhan ko.

" Oo, nakaramdam ako ng takot matapos kong makita ang ginawa mo pero.... kailangan ba talagang ganoon mo sila... "

" Ano? Tratuhin? "

" Well, yeah... "

" Mayroon akong rason sa bawat ikinikilos ko Ruiz but I can't tell you. Hindi pa ako handang sabihin sa kahit na kanino. "

Natahimik kaming dalawa. Tiningnan ko siya. His looks are asking me, "Why?".

" Magpahinga ka na Ruiz. Pasabi na lang kay Shaira na hindi muna ako sasabay kumain sa kanila. ", napapabuntong-hininga ko na utos sa kaniya.

Ilang saglit siyang tahimik bago tumayo. He looks down. Hindi ko siya masisisi. Ganiyan rin ang magiging ekspresyon ko kapag napunta ako sa sitwasyon niya.

" Okay, lalabas na ako... "

Pagpapaalam niya. Tahimik siyang lumabas ng kuwarto. At this point, everyone is scared of me. Is it really ok to leave them like that?

" Cruel... ", bulong ko.

I'm more like a cruel person if you think it like that. Tumingin ako sa natutulog na si Caleb. He's calmer than I expected. A 10 years old kid who do not fear me... weird.

Ganito rin ba si Caleb "noon"? Hindi naman siguro ano? Hindi. Ibang-iba ang Caleb na kilala ko from my past... ang Caleb na kilala ko ay malakas, walang kinatatakutan pero may tinatagong kahinaan. Caleb have a huge trauma because of what happened with his mother.

Sa tingin ko ay nakita niya ang mama niya noong tumatakas siya kasama nila Ruiz in my past life... or maybe there's something more.

Haysst. Hindi ako pwedeng magpakasiguro. Ito pa lang ang umpisa ng lahat. I already encountered a joker. Hindi ko na tatanungin pa kung bakit may butterfly effect simula ng bumalik ako.

Sila Tiffany, Timothy, at Alisha ay hindi kasama sa butterfly effect. Since I saved Caleb and Ruiz's brother, hindi na ako magtataka kung magkakaroon ng butterfly effect ang bawat eksena na delikado from my past memory.

I've changed the scene in the first floor since I already cleared the clinic... I think.

Sa naalala ko, they took 3 years to clear this whole place and have taken a huge damaged not just in food and weapons but with people too. Haysst. Napapabuntong hininga ako sa tuwing naiisip ko ang kuwento na iyon. Dahil sa laki ng naubos nilang oras, nahirapan silang talunin ang isang variant sa pinakataas na palapag.

Tsk. Kung hindi kasi ako napagbintangan ng mga oras na iyon, siguro ay nakatulong na rin ako pero... mahina ako ng mga panahon na iyon.

I may be cruel in this lifetime, I just want to keep them safe. Hindi ko pa rin sila lubos na pinagkakatiwalaan pero gusto ko silang tulungan kahit kaunti lang. Nasa sa kanila na iyon kung susundin nila ang payo ko o hindi.

I don't give a damn if they die after that. Trust is priceless in times like this. There will always be someone selfish just to protect their self

*Sigh. Madilim na sa labas. Mukhang napuno ang utak ko ng mga isipin at hindi ko na napansin na madilim na. Haysst, I should rest. My body aches and my head hurts from this day's activity.

Tumayo ako at naglakad papunta sa tabi ng higaan. Umakyat ako at humiga. Inayos ko ang kumot na tumataklob kay Caleb at ako ay tumabi sa kaniya.

Caleb seems tired too. Siguro ay kinikimkim lang niya ang gulat at takot na naramdaman niya ngayong araw na ito. Acting brave? It seems like you.

In my past life, no one really survived the incident in the clinic. Hindi inaasahan ng lahat ang mga pangyayari.

I'm wondering, paano kaya silang nakatakas sa impiyernong lugar na ito?

*Sigh. I should stop thinking. I'll think tomorrow. I'm... fucking tired.

Hmm... Mnm... hmm?

" Who– Caleb? ", nagising ako sa yugyog ni ginawa ni Caleb.

" Good morning ate Lilac! ", nakangiti nitong bati sa akin.

" Mn, morning Caleb. ", bati ko pabalik.

Naupo ako sa higaan at hinayaang mag-adjust ang mga mata. Tumingin ako sa direksyon ng bintana. A... nakalimutan kong isarado ang bintana kagabi.

" Caleb, nakatulog ka ba ng maayos? ", tanong ko habang nag-iinat.

" Opo! Salamat po sa tulong niyo! ", masigla niyang sagot.

Natawa naman ako. Mukhang maraming lakas ang katawan niya umagang umaga pa lang ah.

" Anong oras na ba? Gising na kaya yung iba? ", tanong ko habang hinahanap ang orasan.

" Hmm... ", tumingin ako sa direksyon ni Caleb at nakita ko na hawak pala niya ang orasan. Cute.

" Ano oras? ", tanong ko rito at lumapit sa kaniya.

" 7? 7... 7:27 po. ", sagot nito habang seryosong binabasa ang hawakan ng orasan.

Napangiti naman ako. I patted his head and praise him.

" Ang galing a! O sya sige, tara na? ", aya ko rito.

Kaagad naman siyang tumangu-tango sa akin na may ngiting nakakurba sa kaniyang labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Apocalypse: InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon