Chapter #6
Matagal bago kami nakarating sa Weaponry Department. Masyadong maraming chasers ang nakasalubong namin. Mabuti na lang at walang nakasunod sa aming chasers.
Kinuha ko ang susi sa aking bulsa at maingat na binuksan ang pintuan ng Weaponry Department. Binuksan ko ang switch ng ilaw na nasa gilid lang ng pinto. Bumukas ang mga ilaw. Kaagad kaming pumasok sa loob at isinarado ang pinto.
Malawak ang nasa loob at para itong naging isang covered court. May mga target blocks sa bawat side ng buong departamento. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at mabilis na naglakad patungo sa storage room. Naramdaman ko naman ang pagsunod nung apat.
" Ang laki pala ng department nyo. " bulalas ni Simon.
Hindi ko siya pinansin at binuksan ang pinto ng storage room. Bumungad sa amin ang mga armas na ginagamit namin 'pag nagti-training kami.
" Uhmm... magagamit kaya natin ito laban sa mga chasers? " nag-aalangang tanong ni Gabrielle.
Tumingin ako sa kanila. Nakita ko ang mga mukha nilang naiilang. Napangisi ako sa mga reaksyon nila. Tumalikod na ako at lumapit sa isang sulok. Tinulak ko ng madiin ang pader na nasa harapan ko. Kusa itong nagbukas at bumungad sa amin ang isang hagdan paibaba.
" Sumunod kayo. " utos ko sa kanila at nagpatuloy sa pagbaba.
Sa pagdating namin sa pinakadulo, iba't ibang mga armas na nakahilera at nakasabit sa pader ang bumungad sa amin.
Grab the bags under those weapons. Diyan nakalagay ang mga armas na nakahilera at nakasabit na nakikita nyo. Matapos kong sabihin iyon ay nagtungo ako sa sword section. Kinuha ko ang dalawang bag ng mga ito na nasa ilalim. Kinuha ko naman ang isang katana na naiiba sa lahat ng nasa sword section. Ito ang pinakapaborito ko sa lahat.
" Ako na magbuhat niyan. " mungkahi ng taong nasa likod ko.
Si Alexander. Nakangiti pa ito sa akin. Inabot ko sa kaniya ang dalawang bag ng mga sandata. May nag-abot naman sa akin ng isang bag ng mga pana. Atleast magaan. Kinuha ko ito at binuhat. Tiningnan ko ang kabuuan ng secret storage room. Halos lahat ng armas na naririto ay naubos. The truth is, there is still a secret storage in this Weaponry Department at ako ang tanging nakakaalam ng tungkol dito. Next time na lang ang tungkol doon.
Tumingin ako sa mga kasama ko. Nakahanda na ang mga ito. Si Ruiz ay bitbit ang bag ng mga spears at double-edged sword. Sila Simon at Gabrielle naman ay sa bag ng mga daggers at blades. Si Alexander sa swords at katanas. Samantala ako naman sa bows and arrows.
" Let's go. " utos ko sa kanila. Nauna na akong lumabas at umakyat ng hagdan.
Sa pag-akyat ko, isa-isa silang umakyat sa hagdan dahil isa't kalahating dipa lamang ang lapad ng hagdan. Nakalabas na ako ng secret storage room at nakabalik sa training storage room. Hinintay ko na makaakyat silang lahat. Alam kong napakabigat ng mga armas na dala-dala nila kumpara sa mga dala ko.
Nakasukbit sa likod ko ang bag ng mga pana at palaso. May kabigatan ito pero hindi naman gaano. Nakagagalaw pa rin ako ng maayos kahit na nasa likod ko ang mga ito.
" Hindi kaya mabigat? Kung gusto ninyo ay paunti-unti muna.. " saad ko ng makita kong medyo nahihirapan sila.
Sabay-sabay silang nagsiilingan sa sinabi ko. Napabuntong-hininga na lang ako. Mukhang pursigido silang madala ang lahat sa dorm ko.
" O sya sge. Ako ang magiging bantay ninyo. Kailangan nating makabalik kaagad. " muli kong pagsasalita.
Lumabas na kami ng storage room at naglakad na papunta sa may pinto. Binuksan ko ito at naunang lumabas. Tumingin ako sa kaliwa, wala akong nakitang chasers. Tumingin ako sa kanan, kaagad akong napamura sa nakita. Mabilis kong sinenyasan na lumabas na ang apat. Pinauna ko ang mga ito sa paglalakad.
Habang patuloy kami sa paglalakad pabalik sa dorm, nakabantay naman ako sa kanilang likod. Ang hallway na nilalakaran namin ay may tatlong dipa ang lapad.
" Shit! " narinig kong pagmumura ni Simon.
Kaagad akong tumingin sa kanila. May nasa sampu na mga chasers ang nasa unahan nila. Hindi na ako nagdalawang isip pa at mabilis na tinakbo ang nauunang lima na mga chasers. Ginamit ko ang katana na nakuha ko kanina sa storage room. I swing one, two chasers down. I swings two, 4 chasers down. I swings two again, 4 chasers down. All in all, 10 chasers down.
" Go. " madiing utos ko sa kanila.
This why I like using katanas. Marami akong mapapatay kapag gamit ko ito.
Nagpatuloy ang aming paglalakad palabas sa Departments large and long hallway. Matapos naming makaalis doon, bumalik kami sa hallway ng dorm building. Nauna ako sa pagliko sa hallway papunta sa hagdan.
I knew it. Muling napalitan ang mga chasers na nakaharang sa hagdan. Pinangunahan ko ito. Dahil sa may bago akong armas na dala at gamit ngayon, napadali ang pagclear ko ng hagdan. Fortunately, wala ng masyadong chasers ang nandito sa first floor.
Nauna ako sa pag-akyat at muling nagclear ng daan namin sa aming floor. Matapos noon ay mabilis kaming nakarating sa hallway kung saan nakahilera ang aking dorm. Napakunot ang noo ko sa nakitang mga chasers. Nasa lima ito at nakatayo mismo sa tapat ng pintuan ng dorm ko.
What happened?
Mabilis kong nilapitan ang mga ito. Mabilis kong napatay ang dalawang nauuna na mga chasers. Isinunod ko ang tatlo na hindi ko na binigyan pa ng tsansang makapagreak sa mga narinig na tunog muli sa aking sandata. Lumapit ako sa pintuan ng dorm ko.
" Shaira, Edison, Jonathan, Anthony, Louis, Jack, Samantha. Open this door. " seryosong utos ko sa mga taong nasa loob.
Nakarinig ako ng mahina ngunit nagmamadaling yabag ng mga paa. Mabilis na nagbukas ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Jack.
" Andito na sila guys! " ulat niya sa iba bago ako pinapasok.
Sumunod sila Ruiz, Simon, Gabrielle at Alexander na pumasok. Kaagad namang isinarado ni Jack ang pintuan. Sa pagpasok ko pa lang, alam ko ng may iba pang tao ang naririto maliban sa mga taong alam kong iniwan namin. Tsk, sino naman kaya sila...
" There's someone else here. Let me see them. "
BINABASA MO ANG
Apocalypse: Insides
Action" You seemed so calm. Did you also receive the chain message? " "I need some privacy, idiot! " ~~~ [ Notice: This story consist of nothing but the imagination of the author. The author wrote this story with mixed filipino and english language. ] [ W...