Chapter #2
Umalingawngaw ang boses ko sa loob ng clinic. Napahaltak naman ang mga taong sinigawan ko at dali-daling lumabas ng clinic. Ako naman ay ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Shit! Masyado silang marami. Mabilis akong umatras papunta sa malaking pinto habang dinedepensahan ko ang sarili ko. Hindi ko sila kaya sa ngayon. Nasa mahigit 50 sila at hindi pa malakas ang katawan ko.
Sa paglabas ko, habang hatak-hatak ang isang bakal na upuan, kaagad kong isinara ang double door ng clinic. Napamura ako ng muntikan ng magbukas ang mga pintuan ng balakin kong sirain ang bakal na upuan na hawak ko. Mabuti na lamang at may dalawang lalaki ang tumulong sa akin.
Mabilis pa sa alas kuwatro, sinira ko ang bakal na upuan. Tinggal ko ang tubo na dalawang sentimetro ang lapad. Lumapit ako sa pinto at isinuksok ang tubo sa hawakan ng pintuan. I immediately bend the bar around the knob at sa wakas ay sarado na ang dalawang pinto.
Naghahabol ako sa aking paghinga at sumandal sa may pinto.
" What the heck was that!? "
Napatingin ako sa babaeng umiiyak na at nanginginig sa takot. Sa lagay niyang yan... nagawa pa niyang makapagsalita...
" Those are flesh eating monsters. " sagot ko naman sa kaniya.
Tumayo ako ng maayos at lumapit sa babaeng nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader.
" Hey... " tawag ko rito.
Wala siyang buhay na tumingin sa akin. Ganyan din ang nangyari sa akin ng mangyari ang lahat. I lost myself. Nawala ang buhay sa mga mata ko. I can feel her hands shaking.
" Hey, miss. May I ask you something? " boses ng lalaki mula sa likod ko.
Tumayo ako at humarap sa kaniya. They all looking at me.
" What is it? " tanong ko.
" You seemed calm. Did you also received the chain message? " tanong niya sa akin.
Ang iba ay nagtaka sa itinanong ng lalaki sa akin. Ang iba naman ay tahimik at patuloy na nakikinig sa usapan namin.
" Yes. I received it yesterday. I read it all. I thought it was all just a prank so I erased it. " sagot ko ng diretso sa kaniya.
Hindi ko sasabihing nanggaling ako sa future. I won't disclosed the thing about my regression.
" Ahaha... I didn't read it all. It's too long to read. " napapakamot naman na tugon ng lalaki.
" Same here. I receive it too but I did not read it yet. Good thing though that I still didn't erase it. " sang-ayon naman ng isa pa.
The chain message they are talking about, I'm all the preparator of that. Atleast yung iba ay binasa at hindi pa binubura. Lahat ng information about sa chasers ay naroroon.
" Anong chain message yung sinasabi nyo? " tanong naman ng babae na tumigil na sa pag-iyak.
I'm amazed. Matapang ang babaeng ito. Lahat ng atensyon ay napunta sa kaniya. Kinuha ko ang opportunity na iyon para bumalik doon sa babae pero nahuli na ako.
She slowly became pale.
" Please... protect my son. N-Nasa 3rd f-floor siya at n-ng kaibigan n-niya. P-Please.... kill me. " pinilit niyang magsalita.
Saglit akong nahinto at natulala. Sh-She wants me to k-kill her?
" N-No. I-I can't do that. " mahina at nanginginig ko na tugon.
I-I.. I can't kill a human. Hindi pa ako nakakapatay ng tao at hindi ko kakayanin.
" P-Please! Y-You can do it... alam kong nasa tamang tao ko maiiwan ang anak ko. " malakas na sabi niya.
Naagaw na namin ang pansin ng lahat. I heard gasps at my back. Huminga ako ng malalim, at ipinikit ng madiin ang aking mga mata.
" If that's what you wish, I shall be the one to make it. " seryoso kong tugon.
Iminulat ko ang aking mga mata at nagtama ang aming mga paningin. She smiled sweetly at me.
" Thank you... " she said.
I flipped my knife and in a flashed, I sliced her neck. Shit. My tears are betraying me. Nasa bisig ko ang katawan ng babae, akap-akap. I let my tears gush out of my eye lids.
It hurts. She's a mother. We didn't know each other but she entrusted me her son.
Umiyak ako ng tahimik habang yakap-yakap ang kaniyang katawan. Akala ko ay naging manhid na ako. Akala ko ay naging matapang na ako pero hindi pala. Patuloy na tumutulo ng walang humpay ang mga luha ko. Nakaluhod akong yakap-yakap ang katawan ng isang matapang na babae. Ng isang matapang na ina. Alam na niya. Alam na niyang ilang saglit na lamang ay mawawalan na siya ng kontrol sa kaniyang sarili.
" She... she's a brave woman.. " boses ng isang babae sa aking likod.
" She is... her son will be proud of her. " sang-ayon naman ng boses ng isang lalaki.
Dahan-dahan kong hiniga ang katawan ng ginang sa sahig. Tumayo ako at mahigpit na hinawakan ang kutsilyo sa aking kamay. Nawala ang emosyon sa aking mga mata.
Naglakad ako palapit sa nakakandadong pintuan. May roong dalawang braso ang pumigil sa akin ngunit mabilis ko iyong tinabig at tinanggal ang bakal na nakalagay sa hawakan ng pinto.
Sinipa ko paloob ang pintuan. Mabilis akong pumasok sa loob at sunod-sunod na pinaslang ang mga chasers. Wala na akong pakialam kung maliligo ako sa dugo ng mga chasers ngayon. Ang nasa isip ko lamang ngayon ay ang mapatay ko ang mga ito.
Patuloy ko silang pinapaslang habang patuloy ring lumuluha ang aking mga mata. Nagngitngit pang lalo ang aking mga ngipin ng maalala ko ang katapangan ng babae. Hindi sana magkakaganito kung hindi siya nandirito sa clinic. Masaya pa sana siya at ng kaniyang anak.
" AARGH!! " malakas na sigaw ko.
Naubos ko na silang lahat pero hindi pa rin naalis ang mabigat na nararamdaman ko. Sinipa ko ang upuan na malapit sa akin. Nakaramdam ako ng mahigpit na yakap sa aking likod at pinilit na tanggalin ang kutsilyo sa mahigpit kong pagkakahawak.
Inikot ako ng taong yumakap sa akin kanina at muli akong kinulong sa kaniyang mga bisig. Hinimas rin niya ang aking likod. Wala na akong pakialam kung sino ang taong nagpaptahan sa akin ngayon. Niyakap ko ito ng mahigpit at mas humagulgol sa dibdib nito.
BINABASA MO ANG
Apocalypse: Insides
Боєвики" You seemed so calm. Did you also receive the chain message? " "I need some privacy, idiot! " ~~~ [ Notice: This story consist of nothing but the imagination of the author. The author wrote this story with mixed filipino and english language. ] [ W...