Chapter #13
Nandito na ang lahat sa may hagdan pero hindi pa rin kami nakakaakyat. Ako ang nauuna sa tapat ng hagdan habang nakapatong ang kanan ko na paa sa unang baitang ng hagdan. I can hear them. At this point, I think they are all hungry.
" What do we do? Sa ingay pa lang nila, mapapansin na marami sila. ", narinig ko ang sinabi ni Alisha.
" Ako, si Ruiz at Alexander ang mauuna para mag-clear ng daan para sa inyo. Tandaan niyo ang formation na ginawa natin kanina. ", sagot ko sa kaniya at seryosong tiningnan siya.
" Y-Yes. ", nauutal na sagot niya.
Sumenyas na ako kila Ruiz at Alex atsaka ako naunang umakyat. We are in the staircase and the looks of it, mahihirapan kami.
Sa pag-akyat ko mabilis pa sa kidlat ko na pinugutan ng ulo ang mga nakaamoy sa presensya namin. Inaalalayan naman ako nila Ruiz at Alex. Our strategy is we are going to attack while switching places. Ako ang nauuna at sila ang susunod hanggang sa makarating kami sa itaas.
Nagulat pa yung dalawa sa nakita. There are so many of them up here. buhay pa kaya si Caleb. Shit! This is not the time for me to think about it.
Nauna na ako na umatake. Natauhan naman yung dalawa at agad silang pumunta sa magkabilang gilid. Ako ang magki-clear sa gitna na hallway. Sila Ruiz at Alex ay tag-iisa ng grupo. Sila ang magki-clear sa kaliwa at kanan na hallway.
Hinayaan ko na sila at nagpokus na lang ako sa nakaatas sa akin.
" Fuck! This is too many.. ", usal ko sa sarili.
Nasa gitna na ako ng mga chasers at hindi na ako makakahingi ng back-up. Haaa.. nevermind. I still don't want to die here. Not until I got out of this place. There are 20 chasers atmost here.
" Tss! "
Umatake ako sa tatlong nauuna sa harapan ko at kaagad na naputol ang mga ulo nila mula sa kanilang mga katawan. Hindi pa ako natatapos, agad akong nagpadulas paibaba at tinalisod ang lima na susugod sa akin sa lahat ng dako. Sinipa ko naman sa dibdib ang isa na tumatakbo na palapit sa akin. Umikot ako habang nakaambang ang talim ng armas ko. Ang tatlo na nakatayo na mula sa pagkakatumba ay mabilis na napugutan ng ulo. Naramdaman ko naman ang dalawa sa likod na nakatayo na kaya kaagad ko itong tinapos. I also killed the one I kicked earlier.
Hindi na ako kaagad nag-aksaya pa ng oras at pinatay ang apat na hindi pa nakaka-amoy sa akin. 10 down at mayroon pang higit sa sampu ang natitira sa lokasyon ko. Inuna ko ang isa na naglalakad ng walang kamalay-malay sa may sulok. Sinunod ko naman ang tatlo na ginulat pa ako ng bigla silang lumitaw mula sa sulok rin na iyon. Sa dulo naman ay nasa pito ang mga ito. Mga nag-aagas na ang mga hitsura nila. Kung hindi siguro ako bumalik sa nakaraan ay maduduwal pa ako sa mga hitsura nila.
Tsk. Kanina pa ako hindi mapakali. I can feel that there is something wrong here. It has been 3 days since the start of this apocalypse.. sana lang ay mali ang kutob ko.
Natapos ko na ang pito na nasa duluhan ng hallway. 21 silang lahat. Mayroon pa sa natitirang isang hallway. I don't exactly know kung nasaan si Caleb. Ang nakakaalam lang ay si Samantha.
" Aaack!! ", kaagad akong napalingon sa hallway na nasa gilid ko lang ng makarinig ako ng sigaw.
May nakita akong kumpol ng mga chasers sa labas ng isang pintuan na nasa dulo ng hallway. Tinakbo ko ang agwat ng distansya papunta sa mga chasers. There are 6 of them here and they are banging on the wooden door. Mabuti na lang at gawa sa puno ng narra ang pinto kaya hindi ito kaagad masisira.
Idinispatsa ko ang mga chasers na nasa pintuan at binuksan ang pinto. The door is not locked. Pumasok ako at ang bumungad sa akin ang siyang nakasagot sa pangamba ko.
No fucking way... ang kutob na hindi ko gustong mangyari ay nasa harapan ko na.
Isang level 2 chaser, it is called "Joker". Ang joker ay may malalambot na ngipin kung kaya't pinaglalaruan muna nila ang biktima nila. What I mean is, lalamugin muna nila ang magiging biktima nila bago kainin. Napatingin ako sa kinaroroonan ng isang lalaki.
Napamura ako ng makita ko na minor de edad ang lalaki. Shit! Siya ba si Caleb?
" This monster... ikaw ang pinaka-ayaw ko na makaharap but here you are smiling at me like crazy. Joker being joker nga naman. ", usal ko at kaagad na inilagan ang mahaba nitong kamay.
That disgusting arms. Tsk. Sa dami ng chasers dito hindi na ako magtataka kung paano ka nag-evolve, letche ka.
Ang mga kamay niya ay kayang humaba ng limang dipa at sa ngayon ay hanggang dalawang dipa lang ang ginagawa nito. Maliit ang silid kaya maikli rin ang kamay. Hindi pa rin iyon magiging advantage ko.
Patuloy ko na iniiwasan ang mga pag-atake ng galamay nito. You know what's the funny thing is, ang joker na ito ay walang utak kaysa sa joker na mapapanood sa tv na maraming pakulo at palaging nakakatakas kay batman. Mas ok na rin itong brainless joker kaysa sa original one. Gaano kaya kahaba ang naging pasensya ni batman sa hinayupak na iyon, I mean kay original joker?
Haaa.. nevermind. I should really focus into this thing. Hindi ko naman gugustuhing lamugin ng hayup na ito. Ipinagpatuloy ko ang pag-iwas sa mga atake nito habang nag-iintay ng tyansa. Hindi naman ako nagkamali. Ang kamay niya ay bumaon sa pader matapos akong tangkain na hampasin kanina. Sa mga pag-iwas na ginawa ko ay para lamang rito. Para lang makapunta ako sa posisyon na kilalagyan ko at intayin siyang umatake.
" Got you. ", sabi ko.
Kaaagad kong tinakbo ang dalawang dipang layo ng agwat namin. I sliced his head vertically. Natanggal ang pang-itaas na bahagi ng ulo at tumilamsik sa bandang cr. Hinihingal naman ako na tumayo ng maayos at lumapit sa binatilyo na napaglaruan ni joker kanina.
Wala na itong malay.
BINABASA MO ANG
Apocalypse: Insides
Action" You seemed so calm. Did you also receive the chain message? " "I need some privacy, idiot! " ~~~ [ Notice: This story consist of nothing but the imagination of the author. The author wrote this story with mixed filipino and english language. ] [ W...