Chapter #5
>>LILAC'S POV<<
They have been talking about the chain message. Napapangisi ako sa aking sarili sa mga naririnig. Hindi ko inaasahang mabilis silang makakapick up sa message na ipinakalat ko.
" Kailangan nating mahanap ang nagpasimula ng chain message na ito. Sya ang magiging susi para malabanan natin ang mga infecteds na nasa labas. " seryosong wika ni Edison.
Gusto ko sanang tumawa sa gagawin nilang balak pero hindi pwede. Baka mabuking na ako ang nagpasimula ng chain message. I already thought ahead of the time about hacking the account I made or finding the number I used. Sinira ko na ang sim card kahapon at sinunog.
Alam kong gagawin nila ang lahat para mahanap ang preparator ng chain message which is me.
" Lilac, tulala ka diyan. " wika ni Shaira na naupo sa tabi ko.
Hindi ako kumibo sa sinabi niya. Shit. Naalala ko na naman ang ikinuwento ni Shaira sa akin kanina. Sinabi niya sa akin na si Ruiz ang bumuhat at nagdala sa akin dito sa dorm. It's so embarrassing. Damn it.
" Sa tingin niyo, ano kaya yung technique na sinasabi ng preparator? " narinig ko na tanong ni Louis.
Napatingin ako sa direksyon nila. Andito kasi kami ni Shaira sa kusina. The technique I know. The technique that will only be found and created by my grandfather.
In my past life, nagkita kami ni lolo sa loob ng isang masukal at tagong lugar. Mayroon siyang itinuro sa akin na technique kung paanong palalakasin ang katawan. Ang totoo niyan, hindi complete ang technique ni lolo. Ang nagkumpleto ng kaniyang technique ay ako na kaniyang apo.
Dahil sa sobrang tanda na ni lolo, hindi niya nasaksihan ang completion ng technique na ginawa niya. Kung nakumpleto ko lamang ito sa maagang panahon, siguro ay buhay pa siya.
" Huy! Tulala ka na naman. " sita sa akin ni Shaira.
I snapped out of my thoughts and look at her.
" Lilac, huwag mong damdamin ang pagkawala ni Teressa. Hindi ba't mayroon siyang ibinilin sa iyo? " saad naman ni Samantha.
Napatingin ako sa kaniya. Nag-aalala ang mukha nito.
Ha? Anong–... Ah! Inakala ba niya na iniisip ko pa rin si Teressa?
" Mn. " maikling sagot ko sa kaniya.
Ngayon na nasabi niya ang tungkol sa hinabilin ni Teressa sa akin. Sa tingin ko ay kailangan na naming simulan ang pagclear out ng first floor at second floor.
" We need to kill all the chasers in this floor and the third floor as soon as possible. " saad ko.
Napatingin silang lahat sa akin. Great. Nasa akin na ang lahat ng atensyon. Tsk. Dapat pala ay hindi na muna ako nagsalita.
" Tama. Kapag nagpatagal pa tayo, maaaring wala na tayong madatnan pa na buhay sa itaas. " sang-ayon naman ni Ruiz.
Ruiz is a leader too. I know that he knows what I mean.
" Pero– " pinutol ko ang sasabihin ni Jonathan.
" Kailangan nating sumugal. Kung gusto mo ay sa resque team ka. " seryoso kong sabi sa kaniya.
" Paano ang mga armas natin? Sa tingin ko ay hindi magtatagal ang kitchen knife. " si Edison.
Tumingin ako sa kaniya at saka ako tumingin kay Ruiz. Tumango siya sa akin. I think he can read my mind so much. Haysst.
" Susugal kami ni Ruiz na magpunta sa Weaponry Department. Ang nais sumama at tumulong ay tatanggapin namin. " ako na ang sumagot sa tanong ni Edson.
" What!? You won't! " napapikit ako sa sigaw ni Shaira.
Heto na naman siya. Umaandar na naman ang pagka ate niya.
" Kailangan ko, Shaira. Kung hindi ay pare-parehas tayong mamamatay. " madiin ko na sabi sa kaniya.
" But- " hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya ng tumingin ako kay Edison at tinanguan siya.
Kaagad niyang natunugan ang pahiwatig ko at mabilis na tumayo. Mabilis siyang lumapit kay Shaira at hinawakan ang magkabilang braso nito. Tumayo na ako kasabay ni Ruiz. Bumalik ako sa kuwarto at nagpalit ng black t-shirt. Lumabas na ako at nakitang nakahanda na sina Ruiz at ang tatlo pang sumama. Sila Simon, Gabrielle, at Alexander.
I already know them like the back of my palm. Sila ang mga taong tunay kong naasahan sa nakaraan kong buhay. Ang nakapanghihinayang nga lang ay namatay sila sa isang freshly mutated Giant.
" No! Edison! Let go of me! I will not let her go outside! " sigaw ni Shaira.
Napabuntong-hininga ako at lumapit kay Shaira. Sinenyasan kong bitawan at bahagyang lumayo si Edison. Sinunod niya ako kaagad. Mabilis akong pumunta sa gilid ni Shaira at mabilis pa sa kidlat na hinampas ko ang nerve na nasa batok niya. Kaagad siyang nawalan ng malay kaya't sinalo ko ito at pinakuha kay Edison. Nakita ko pang hindi ito makapaniwala sa ginawa ko sa kasintahan niya pero wala kaming magagawa.
" Thank you.. " narinig ko na sinabi ni Edison.
Tinanguan ko lang ito at lumapit na kila Ruiz. Binuksan na nito ang pintuan.
" We're heading out. Walang sino man ang lalabas hanggat hindi pa kami nakababalik. Ikulong ninyo sa luwarto si Shaira kapag hindi nakinig. " bilin ko sa kanila.
Natawa sila sa huli kong ibinilin pero tumango rin. Lumabas na kami ng dorm at naglakad sa hallway paibaba. Sa may hagdan, nakita namin ang nasa limang chasers. 3 meters ang layo namin sa mga ito at sa oras na mas lumapit pa kami ay tiyak akong maaamoy na nila kami depende kung may sugat ang isa sa amin.
Huminga ako ng malalim at saka mabilis na tinakbo ang metro ng layo namin sa mga chasers. Mabilis kong hinanda ang aking armas.
Naamoy na ako ng dalawang chasers na nasa unahan. Isang metro na lamang ang layo ko sa kanila at ginawa ko iyong tsansa para bumuwelo. I slide down at ng makarating ako sa likod nila, mabilis kong itinuwid ang aking kaliwang paa. Mabilis at may puwersa akong umikot sa kanan. Natalisod ko ang mga ito. Kinuha ko ang tsansa na iyon para patumbahin silang dalawa ng iwasiwas ko ang kitchen knife na gamit ko sa aking kaliwang kamay.
" 2 down. 3 to go. " bulong ko sa aking sarili.
Ipinagpatuloy ko ang pagpapatumba sa mga chasers hanggang sa maclear ang hagdan. Tulala naman ang tatlo na nasa aking likod. Hay naku.
BINABASA MO ANG
Apocalypse: Insides
Action" You seemed so calm. Did you also receive the chain message? " "I need some privacy, idiot! " ~~~ [ Notice: This story consist of nothing but the imagination of the author. The author wrote this story with mixed filipino and english language. ] [ W...