Chapter #14
I checked the kids pulse and... he is not in good condition. This is bad. Inaasahan kong malala ang matatamo niya pero... I did not think it would be this serious.
Hang on, I need to think faster. Marami na ang dugong nawala sa kaniyang katawan.
" Tsk! "
Maingat ko na inangat ang dalawang kamay nito at ipinatong sa aking balikat.
" Hng... aray... ", I became frustrated even me as I hear him groan in pain.
" Hang on a little longer. I'll try to save you. ", sabi ko at pilit na hindi pinahahalata ang kaba.
Ng maisampa ko na siya sa aking likod ay dahan-dahan akong tumayo. Pagod man ang aking katawan, pipilitin ko na mailigtas ang batang ito.
" Please... save Ca—leb... ", nahinto ako sa mga sinabi ng bata.
Caleb... shit.
" Don't worry. I'll save him no matter what. ", desidido ko na sagot.
Naglakad na ako palabas ng silid at nagtungo sa main hallway. Hawak ko sa kaliwang kamay ko ang katana ko. Although buhat-buhat ko ang bata na ito, I can still move and fight.
" Lilac!! ", boses ng mga kasama ko, sila Alex and Ruiz.
Ang bilis naman ata nilang natalo ang horde...?
" Nasaan yung tatlong asungot? ", seryosong tanong ko.
Hindi sila makatingin sa akin at napahinto rin. Nagkatinginan pa ang mga ito na para bang may natuklasan.
" Nakatakas huh. ", walang emosyon ko na sabi.
Pumikit ako at napatiimbagang dahil sa inis. Magulo na nga ang isip ko, isama pa ang tatlong nakatakas.
" Nevermind that. Alexander, save this child. I need to find someone asap. ", malamig na utos ko.
Kaagad na tinungo ni Ruiz ang nasa likod ko.
" Jay! ", tawag ni Ruiz sa pangalan ng bata.
I guess this is his brother. Narinig ko ring tinawag ni Ruiz ang pangalan ng kapatid niya noong nakaraang buhay ko pero... at that time.. his brother is long gone and had become man-eating monster like those.
" Kayo na ang bahala rito. ", I run off matapos makuha ng dalawa ang bata sa likod ko.
" Wait! Lilac! ", sigaw ng dalawa na ipinagsawalang bahala ko.
Hinalughog ko ang bawat kuwarto na madadaanan ko walang pakialam na pinapatay ang mga infected na makikita ko. Hindi nila ako mapipigilang hanapin ang bata na iyon.
" Please. Please be safe. Please... ", usal ko habang lakad-takbo ang ginagawa sa bawat silid.
Nagpatuloy ako sa paghalughog hanggang sa umabot ako sa pinakahuling kuwarto. Hinawakan ko ang doorknob ng madiin at pumikit. Praying that he's here.
" *Hic.. *hic.. ", mabilis akong napamulat.
I quickly opened the door and went in. I heard sobbing. I know I heard it.
" Where... "
Ah. He's here..
" Mom... *hic... ", tahimik akong lumapit sa pinupuwestuhan niya.
Nagtatago siya sa kusina. He's 10 but he looks much younger than that. I sat down quietly on the opposite side of the kitchen counter.
" Caleb, was it? ", mahina kong sabi.
Hindi siya sumagot. Siguro ay nagulat siya ng may magsalita. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa tabi ng kitchen counter.
" Kid, about your mother.... she's... ", huminto ako.
I... can't. I can't tell him. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naalala ko ang nangyari sa clinic.
" She's what? ", nagsalita ito at nagtatanong.
" I... "
" Just tell me already!! ", sigaw niya pero ngayon ay lumabas na siya sa kaniyang pinagtataguan.
Tumingin ako sa kaniya at pinagmasdan ang kaniyang mukha. Umiiyak ito pero hindi pa rin nababago ang seryosong mukha nito.
" Your mother entrusted you to me when... ", mahina at putol na sabi ko.
No... I can't but... pinapaasa ko lang siya kung patatagalin ko pa.
" *Inhale. She's dead. ", tumulo ang aking luha kasabay ng pag-iyak ni Caleb.
Tumingin ako sa kaniya habang patuloy na nadudurog ang puso ko sa nakikita. He really loves his mom.
" Your mother is a brave woman. She did not become an infected but she rather die... ", sabi ko.
" *Sob, so she told you to... you... you killed her. ", sabi nito na nagpahinto sa akin.
Yumuko ako at hindi na napigilan pa na umiyak.
" ... yes. I killed her... I... I don't want to do that... I wanted her to live.... I....! ", I'm stunned.
Yakap-yakap niya ako habang umiiyak. Hinayaan ko ito at yumakap rin. Ligtas siya. Nakita ko na siya at ligtas siya.
Teressa... I saved him and I will protect him. Our promise, I'll fulfill it with my whole life. Your son is safe and sound... you can rest now.
" Caleb, your safe now. Shh~... I'll do my best to protect you. I promised so... I'll fulfill it. Don't cry now... ", I said while hugging him tightly.
" I will never leave you so.. leave it to your sister, hm? ", nakangiti kong sabi.
Pinunasan ko ang basa niyang mukha. Nakangiti ko itong hinawakan sa ulo.
" Yes po, ate. ", sabi niya at niyakap ako.
" Alam ko po na gagawin ni mama ang lahat para may mailigtas kahit isa man lang. Mom is always like that. She will always be... a hero. ", sabi ni Caleb.
" Yeah, she is and she will ever be. "
Tumayo na kaming dalawa ng kami ay medyo kalmado. Tiningnan ko si Caleb. Tahimik ito at walang emosyong ipinapakita ang kaniyang mukha.
" Ate, ano pong pangalan ninyo? Ngayon ko lang po kayo nakita. ", saad nito habang nagpapagpag ng katawan.
" I'm Lilac. I'm from 2nd floor. Nandirito kami sa 3rd floor para magclear ng mga infecteds at maghanap ng survivors. ", sabi ko at nagpakilala na rin.
" Pagclear? You mean kill those monsters? ", tanong nito.
I just nodded at kinuha ko ang katana na nakasandal sa sinandalan ko kanina. Nilagay ko sa sword strap ang lalagyan ng katana.
" Sumunod ka lang sa likod ko. ", wika ko at naglakad na.
Naramdaman ko naman ang pagsunod nito at siyang nagpangiti sa akin. Teressa, your child is pretty interesting. I can feel that he's sharper than you.
Nakalabas na kami ng huling silid at naglalakad na kami sa pasilyo. Sa dulo ng pasilyo ay natanaw ko ang nasa tatlong infected na nakaligtaan ata kanina or nakababa mula sa 4th floor.
" They're too many... ", I look behind me.
Nanginginig ang kamay nito at mahigpit ang pagkakahawak sa t-shirt na suot ko. He's not afraid of them but... he's afraid that I will disappear.
BINABASA MO ANG
Apocalypse: Insides
Action" You seemed so calm. Did you also receive the chain message? " "I need some privacy, idiot! " ~~~ [ Notice: This story consist of nothing but the imagination of the author. The author wrote this story with mixed filipino and english language. ] [ W...