Pain

30 5 0
                                    

Chapter #10

Kanina pa tahimik ang lahat magmula ng mawalan ng malay si Lilac. Ako naman ay paminsan-minsang bumabalik sa loob ng kuwarto para tingnan si siya.

She's sleeping pretty well. Mukhang nababawi na niya ang kaniyang lakas. Kanina kasi ay namumutla ang labi niya. Naagapan naman namin ito kaagad.

" Uy~! Tulala ka dyan? Yung iniinom mo na kape, kanina pa lumamig. "

I was snapped out of my thoughts. Nilingon ko ang taong nagsalita. Hindi ako nagsalita bagkus ay ininom ko na lamang ng tahimik ang kape na itinimpla ko.

" Malalim 'ata inisip mo... nag-aalala ka pa rin ba kay Lilac? ", tanong nito.

Tumabi ito sa akin sa pag-upo. Humigop ito sa kaniya ring kape. Napatingin ako sa repleksyon ko sa kapeng iniinom ko.

Maybe I really am worried... about her... Simula ng makita ko kung paanong nawala ang kontrol niya sa kaniyang sarili sa clinic, madalas akong nakakaramdam ng lungkot at takot. Hindi ko alam ang nararamdaman ko.

Naguguluhan ako....

" You. *Sigh, there is really something bothering you but... I won't force you to tell me. Take your time Leader. ", sabi niya bago umalis para ilagay sa lababo ang tasang pinag inuman niya.

He.. haysst... nevermind.

Inisang lagukan ko na ang natitirang kape sa aking tasa at tumayo. Nilagay ko ito sa lababo at nagpunta sa loob ng kuwarto ni Lilac. Nadatnan ko ito na natutulog pa rin sa higaan. 3pm na at tulog pa rin siya. Siguro ay sobra talaga niyang pinagod ang sarili niya.

Lumapit ako sa hinihigaan niya. Umupo ako sa kaniyang tabi at tumingin sa kaniyang mukha. Napangiti ako ng wala sa sarili.

She's like an angel when sleeping.

Unti-unting nawala ang aking mga ngiti at napalitan ito ng lungkot. Inangat ko ang kaliwa kong kamay at marahang inabot ang kaniyang pisngi.

" Why are you doing this...? ", tanong ko.

Kahit alam kong hindi siya sasagot.

" I feel frustated that you don't want to ask for our help... or my help.. ", I continued.

Para akong tangang kinakausap ang isang taong tulog at siguradong hindi naman sasagot. Haaaa... kahit naman sabihin ko sa kaniya ang lahat ng nasa isip at puso ko, para siyang walang pakialam. It won't matter anyways.

It is only the 2nd day ng mangyari ang lahat ng ito. We are not really close on the first place. Wala pa nga kaming lead sa nagsend ng message eh. Habang tumatagal, nararamdaman kong pahirap ng pahirap ang nagiging sitwasyon namin.

Although Lilac cleared the whole floor all by herself, hindi ko pa rin feel na safe kami. Something is bothering me.

" Mmn.. "

Napalingon ako kay Lilac ng gumalaw ito at naglabas ng tunog na wari mo'y nahihirapan siya. Awtomatiko ko na inilapat ko ang aking palad sa noo ni Lilac.

Pinagpapawisan siya at.. napakainit niya... unti-unting bumilis ang pagkalabog ng puso ko.

" Lilac? ", sinubukan ko siyang gisingin pero para bang mas lalo lang siyang nahirapan.

Ang taas ng temperatura niya. Kanina naman ay hindi siya ganito. Mabilis akong napatayo at lumabas ng kuwarto. Wala akong alam pagdating sa pag-aalaga ng pasyente at kailangan ko ng taong nakakaalam pagdating sa ganitong bagay.

Si Alexander.

" Hey man. Anyare sa'yo— "

" Bilis. Biglang uminit ang temperatura ni Lilac. Pinagpapawisan rin siya. I-I... fuck.. " hindi ko mapakaling sabi.

" Okay okay. Calm down. ", utos nito sa akin na kaagad ko ring sinamaan ng tingin.

" How? ", pagpipigil ko sa pagsigaw.

" *Sigh, let's go to her. ", giit niya at nauna ng maglakad papunta sa kuwarto.

Kaagad akong sumunod sa kaniya. Pagdating ko doon ay kinakapa na niya ang noo nito at ang palapulsuhan sa braso. Napapalunok ako habang lumalapit sa kaniya. Nakita ko ang sitwasyon ni Lilac. She's sweating non-stop.

" This is... weird. ", bulalas ni Alexander.

" What happened? ", Shaira asked after she arrived here.

" She's sweating like crazy and... we don't know why... ", sagot ko sa kaniya.

Pinipilit ko ang sarili ko na kumalma at mag-isip ng maayos. Hindi ako pwedeng maging pabaya. But... what do I do...?

" Mhnm.. "

Nabalik ang tingin ko kay Lilac. Ganoon rin ang iba. She looks like she is feeling pain...

Ramdam ko ang mas lalong paglakas ng pagpintig ng dibdib ko. Nakakaramdam ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag.

" This is not normal. Sudden high fever and sweating cold non-stop... I-.. I can't do anything... sa nakikita ko ngayon, mukhang nahihirapan at nasasaktan siya sa tuwing hinahawakan ang balat niya. ", ulat ni Alexander sa aming lahat habang pinagmamasdan si Lilac.

Tuluyan ng bumagsak ang balikat ko sa mga narinig. So we can't do anything huh..? What the fuck is this?

What the fuck is happening to her!?

" This isn't real... please tell me... Lilac... no.. ", si Shaira.

Naghihisterical na siya. Huminga ako ng malalim at pumikit. Not now, I need to compose myself. Kung magwawala ako ngayon, mas lalo lang lalala ang sitwasyon namin. Panicking can't solve this.

" No... Lilac, please... wake up... ", shaira whispered.

Lumapit na sa kaniya si Edison at niyapos ito. Si Shaira naman ay tuluyan ng umiyak.

I'll be honest, this is really weird. She just overworked herself and fainted. Imposibleng mapunta sa ganito. Suddenly having high fever and cold sweats.

Shit. Think, think Ruiz....

Nanlaki ang mga mata ng may maisip. No, this can't be.

" Shaira, can you examine Lilac's body? Find some bite or scratches... ", pakiusap ko rito.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap kay Edison. She look at me with disbelief.

" Gusto ko lang makasigurado. ", dagdag ko. Tumango naman siya.

Kaagad akong tumalikod. Ganoon rin ang ginawa nila Edison at Alexander. Pumikit ako at bumuga ng hangin. I wish I'm wrong. Lilac has been the morale of this group. Siya ang naging lakas namin.

" You can look now. ", humarap kaming tatlo sa kaniya.

Nakatayo na ito at nakatingin sa amin. She looks relieved.

" She doesn't have any of it. ", giit niya.

Sabay kaming tatlo na napabuga ng hangin. I'm relieved that I was wrong. Akala ko ay huli na ang lahat.

Thank god...

" Why is everyone here? "

Nagkatingin kaming apat sa narinig. None of us opened our mouths. Kaagad kaming tumingin sa kinaroroonan ni Lilac. She is now sitting on the bed and looking at us.

Apocalypse: InsidesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon