FUTURE WIFE

62 19 1
                                    

CHAPTER EIGHT: FUTURE WIFE

" baby just say yes. "

Eric is special to me, I promised myself to protect him not just because he saved me but because he became precious to me.

He has a position inside my heart, he's always been there for me.

He's basically everything to me, ang ayaw na ayaw kong makita ay kapag malungkot siya o kapag umiiyak siya.

Naiinis ako, naiinis talaga ako sa taong nagpaiyak sa kanya.

It reminds me of that time when I used to comfort Christian too whenever he cried, especially that time.

This is why I also think that Eric is just a mini version of Christian, but that's not what is important.

Ang importante ngayon ay malaman kung bakit siya umiiyak so I could do something about it.

Mamaya pa yung pasok ko sa trabaho na overtime, thank God na nandito ako kung hindi baka kung saan nagpunta si Eric at napagalitan ng mga kapit-bahay namin dahil iyak siya ng iyak.

Eric does live with Christian, but sometimes when Christian is too busy I take care of Eric.

Pero kapag pareho kaming busy, doon na lang siya sa parents ni Christian.

Tinext ko na si Christian agad, 'di ko na maalala kung gaano ba siya kabusy today pero I need to remind him at least.

Christian is a pretty protective father, he also makes sure na laging masaya at healthy si Eric 'no. I didn't think na makikita ko ang side na yun kay Christian but it looks like I did got to see that side of him.

"O-okay na ako...!"

Biglang sigaw na sagot ni Eric sa'kin habang pinupunasan ko ang mga luha at dumi sa may mukha niya.

"Are you sure? Hm? You're still crying..."

"I am okay, mommy. I am okay."

"Ano ba kasing nangyari, hm? Do you not trust me? Your mommy?" niyakap niya 'ko bigla ng mahigpit.

"I trust you! You're my mommy!"

"So..." I pulled out from his embrace and let our eyes meet again as I smile at him with a hint of bitterness on my lips.

"...bakit ka umiyak?"

Huminga siya nang malalim at pinunasan ang sarili niyang luha sa may pisngi niya bago niya 'ko tiningnan ulet at sinagot ang tanong ko sa kanya.

"Umiyak ako kasi gusto kong ikasal kayo ni daddy."

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Sa una, ilang segundo muna ang lumipas at prinoseso ko pa yung sinabi niya sa utak ko.

Ano raw?

Gusto niyang ikasal kaming dalawa ni Christian?

Bumilis yung tibok ng puso ko at halos 'di ako makapaniwalang dadating ang panahon na maitatanong niya talaga sa'kin kung bakit 'di kami ng daddy niya.

Hindi naman ito ang unang beses na narinig ko 'to sa isang tao, marami na ring nagtanong sa'kin kung bakit hanggang ngayon 'di pa rin kami kasal ni Christian, 'di ko rin alam kung anong isasagot ko.

Tinatawanan ko na lang at 'di ko na lang sinasagot.

It's a really hard question but there is always an answer to every question no matter how hard it is.

ALWAYS YOU ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon