CHAPTER THREE: STILL A DREAM
" and tell me why do, why do we love to make it hurt so bad? "
Short black hair with bangs, light-brown eyes, a perfect nose, and pouty lips, her proportions are something else too.
She has an innocent vibe that makes you feel attracted to her from the get-go.
What the fuck?
Ang ganda niya, kahit saan mo tingnan mas maganda siya sa'kin, ang cute niya ring tingnan at ginawa niya pang mamahalin yung uniporme, basta ganun lang.
She's so pretty.
She's so fucking pretty?!
Narinig ko pa na maraming may crush sa kanya sa classroom nila, Olivia told me that Christian and Angelica were seatmates but now they've become friends... at ngayon nililigawan niya na si Angelica.
Sino naman kasing 'di makakagusto sa kanya?
Ang ganda niya, mabait pa, matulungin, tapos abot langit din yung grades.
Of course kapag anghel ka rin, imposible bang hindi ka magkagusto sa kapwang anghel na lagi mong katabi sa klase?
Naluluha nanaman ako.
Ayokong umiyak pero 'di ko kaya, 'di ko inaakalang dadating ang panahon na may mahahanap si Christian na isang babae at liligawan niya yung babaeng yon mismo.
I told myself na magiging okay ako, hinanda ko rin ang sarili ko kasi alam ko na balang araw baka may magustuhan siyang babae.
I was insecure of course, pero hindi ako sumuko na magugustuhan niya rin ako. Pero nagkamali ako.
Hindi pala ako handa, hinding hindi ako handa.
Hindi ako handa na makita si Christian na may kasamang iba.
Hindi ako handa na may nagpapangiti sa kanya.
Hindi ako handa na magkagusto siya sa iba, at hinding hindi ako handa na pakawalan siya.
Putang ina naman oh! Ano namang gagawin ko ni'to? Kanina pa 'ko dito sa loob ng banyo, iyakin nanaman ako. Nabibwisit ako tuloy, bakit ba kasi ganun? Bakit pa kailangang ganun?
Bakit ngayon?
Parusa ba 'to?
Bakit niyo naman ako pinaparusahan? Siya lang naman yung hinihingi pero pati ba naman siya ibibigay niyo sa iba?
Bakit 'di na lang ako? Naiintindihan ko naman kung bakit siya eh, mas maganda siya, mas cute, 'di rin maingay at talagang dalagang pilipina.
I hate this so much.
I can't keep doing this anymore.
Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko at itigil ang mga luha ko sa pagpatak pero parang bawat segundo na iniisip ko siya at yung ngiting yun, nababaliw nanaman ako eh.
"Margauxx?" rinig ko si Katerina sa may pinto ng stall ng bathroom kung nasaan ako.
Pinunasan ko agad yung mga luha ko at binuksan ang pinto ng stall, nasa harap ko na siya at halata sa mukha niya na nasasaktan siya para sa'kin, ako yung mas nasasaktan dito bakit parang mas masakit pa yung ekspresyon niya, ha?
"Margauxx..." nguso niya at niyakap ako ng mahigpit.
Wala pa ngang ilang minuto nung sinabi ko sa sarili ko na 'di na 'ko iiyak pero nag si labasan yung mga luha ko, tinakpan ko ang bibig ko dahil ayokong may makarinig sa'kin sa labas, nakakahiya.
BINABASA MO ANG
ALWAYS YOU ✔️
RomanceMargauxx's time has finally come when Christian--her first love and best friend, has finally fallen in love with her and is willing to pursue her after years of longing and numerous heartbreaks. Except, this time, she is more than confused with the...
