CHAPTER NINE: GREATEST LOVE
" the guy with a navy blue backpack."
I asked myself many times if how could live after the truth?
How could you breathe after that?
Kahit na gano'n, kahit na madaming tanong sa kung ano mang mangyayari, matatanggap mo rin ang katotohanan at magiging okay na ang lahat pagkatapos.
It will make sense in the end, and then you'll just end up laughing after.
Matatawa ka kasi 'di mo inaakalang gano'n ka pala noon, gano'n ka pala umiyak, gano'n ka pala ka-martyr, at gano'n ka rin ka tanga pagdating sa pag-ibig.
Inaamin ko naman na hanggang ngayon, 'di pa rin ako nakakamove on.
I mean 'di ko na alam kung anong nararamdaman ko para kay Christian, pero ramdam ko pa rin yung sakit, 'di naman na 'ko umiiyak pero masakit pa rin din.
Para bang may marka na yung puso ko sa sakit na napagdaanan ko noon, it made me a survivor, a fighter, I'm not sure if I'm even proud of it, kung masaya ba 'ko.
Pero paano kung yung alam mo na tapos na, na okay na, ay tsaka siya maglalakad papunta sa'yo at sabihin na 'hoy, may pag-asa' o 'hoy, baka meron nga'.
"Fuck... fuck..."
'Di ba kapag nakamove on ka na dapat, wala na talaga, pero ngayon parang kinakabahan ako at may nararamdaman akong kiliti sa may dibdib ko.
Para nanaman akong bata na kinikilig dahil lang--
"Christian asked you out on a date, that's not 'ganung bagay lang', Margauxx."
"Hehe~ paano na yan, Margauxx? Paano na yan? Hm?" tawa ni Francine sa tabi ko.
Of course, of course Francine knew about Christian and this situation I have with him.
Ang dami naming nainom na baso ng red horse kaya nailabas ko ang lahat lahat kahit na rin yung number ko sa school ID ko noon at kung magkano yung perang makukuha ko sa scholarship ko noon.
And Maryse knew, she's my twin, duh.
Ang 'di ko lang gusto ay kapag magkasama silang dalawa at kailangan kong sabihin sa kanila yung nangyari sa pagitan naming dalawa ni Christian dahil alam ko na malapit na 'kong sumabog at kailangan ko na siyang ilabas kung ayoko ngang sumabog.
Pero tangina rin kasi mang-aasar 'tong mga bwisit na 'to!
"Tulong, kailangan ko ng tulong hindi ng pang-aasar, hello?"
"Tulong? Anong gusto mong gawin namin? Kidnapin ka? Baliw ka ba? You have to face Baddel yourself, Margauxx."
"Alam ko naman yun, pero..."
'Di ko alam kung bakit pero 'di ko maintindihan ang sarili ko.
'Di ko alam kung tatanggapin ko ba yung tinanong niya sa'kin o hinde, I mean... he asked me on a date!
"Wait... what happened after?" tanong ni Francine habang nginunguya yung binili kong McDonalds french fries para saming tatlo.
"After what?"
"Nung tinanong ka niya, anong sinagot mo?"
Umubo ako at napatingin ako sa ulap at sa pader pagkatapos. Damn, just damn.
BINABASA MO ANG
ALWAYS YOU ✔️
RomanceMargauxx's time has finally come when Christian--her first love and best friend, has finally fallen in love with her and is willing to pursue her after years of longing and numerous heartbreaks. Except, this time, she is more than confused with the...
