WHO IS SHE?

150 49 0
                                        

CHAPTER TWO: WHO IS SHE?

" all I know is I can't face it. "

"You cooked this?"

"Yes!"

Hindi naman ako talagang magaling magluto, pero sabi nga ng papa ko, things takes practice and I practiced cooking with my mom.

Ilang mga hapunan din ang dumaan at ang naiihain ko sa mga magulang ko para practice ay sunog o masyadong maalat. I like salty foods kasi, 'di ko naisip ang preference ng magulang ko sa pagkain.

Pinagalitan ako sa una pero nung naging perpekto yung pagluluto ko, tuwang-tuwa silang dalawa, I'm just happy that I can finally cook perfectly. Not really perfect but it's still something for me to be proud of.

At least may bago na 'kong talento, mag-adobo kaya ako bukas. Yun na lang kaya ang lutuin ko mamayang gabi, pero feeling ko magluluto si mama mamayang gabi, nakakamiss na rin yung luto niya.

"Ano namang niluto mo?" tanong ni Katerina sa likod ko.

"Kaldereta, nag-saing din ako ng kanin."

"Para kanino naman yan, ha?"

"Of course kay Christian~" maligaya kong sagot.

Lagi na lang kasing sandwich o tinapay ang kinakain niya, 'di lang talaga kasi siya mahilig kumain, kumakain siya kapag kailangan talaga, mabilis ang metabolism niya at 'di pa siya mahilig kumain kaya medyo nag-aalala ako sa kanya.

So, I cooked his favorite food, his favorite ulam--Kaldereta! Maaga akong nagising para lang lutuan siya ng kaldereta.

Kahit sina mama at papa gulat sa ginawa ko, I made an excuse na nagluto ako ng Kaldereta para sa'kin pero ang totoo ay para talaga kay Christian 'to.

Nalaman ko na paborito niya pala yung Kaldereta noong freshman year na'min, magkasama kami at ang laki ng ngiti niya nang nalaman niya na Kaldereta yung para sa lunch na'min, siya yung una sa pila rin.

It was the first time that I've seen so happy, he's never been like that back then, I mean usually masayahin naman siya pero iba lang talaga siya nung time na yun.

I want to do something special for him at least by cooking his favorite meal.

I'm just not sure if he's going to like it, kahit na marunong at medyo magaling na 'kong magluto, iba pa rin ang magiging lasa ng Kaldereta ko sa mga Kalderetang nakakain niya sa bahay niya o dito sa pagkain dito sa school.

But I hope that he'll like it at least, sinubukan ko ang lahat para lang maging masarap 'tong Kaldereta.

"Wow, ang bango, Margauxx."

"Talaga ba, Rina? Baka binobola mo lang ako ah!"

"No, I love food kaya, tsaka isa pa kahit na hindi ako mahilig kumain ng Kaldereta para amoy pa lang ni'to gusto ko nang kainin, I think he'll like it." confident niyang dagdag sa'kin.

That makes me happy.

That makes me feel a bit more confident, feeling ko kasi kaninang umaga na baka 'di masarap 'to sa kanya, baka sabihin niya lang na masarap kasi mabait siya sa'kin at kaibigan niya 'ko.

I want him to like it, really.

"Naku, kahit na mabango baka 'di naman masarap, 'wag mong sabihing sunog yan, Rocero."

ALWAYS YOU ✔️Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon