CHAPTER TEN: HE'S ATTRACTIVE
" you should think about the consequence of your magnetic field being a little too strong..."
"Okay."
"H-Ha?"
Nabitawan niya yung mga gulay at prutas sa sinabi ko, kahit ako nagulat sa nangyari at nagkasalubong ang mga mata namin, halata sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sagot ko sa tinanong niya sa'kin nung nakaraang araw.
Parang 'di siya makapaniwala sa narinig niya, yung mga mata niyang naguguluhan, nakabuka yung bunganga niya at may pawis pa siya noo at pababa sa leeg at dibdib niya.
Damn, I didn't think he'd be this surprised by my answer.
Ewan ko ba kung bakit pero wala pa nga yung party, bukas pa yun pero ang bilis na nagising ako sa katotohanan at sa kung anong gusto kong isagot sa tinanong niya sa'kin.
Nung naghanda na 'ko ng mga materyales para sa gagawin namin, 'di ko mapigilang maisip yung tinanong niya sa'kin, it made me think that there's nothing really wrong with going on a date with Christian, whether it's romantic or friendship.
Siguro ako lang ang may problema dahil sa nakaraan, 'di ko pa nga rin alam kung romantic ba yung date o kung may nararamdaman siya sa'kin, I shouldn't overthink at all.
"I said okay, let's go on a date, Christian." ngiti kong ulit sa kanya.
He blinked once, twice, and then went to pick up the vegetables and fruits. He's adorable at moments like this.
"O-okay... okay..." rinig kong bulong niya sa sarili niya at inilapag yung mga prutas at gulay sa lamesa.
"Pero... Christian..."
Lumapit ako sa kanya at kinuha yung cutting board, nakalimutan niya kasi yung cutting board samantalang hihiwain niya yun para sa iluluto namin.
Hihiwain ko na yung mga prutas para ipakain namin kay Eric as his snack after his meal.
"Why did you want to go on a date with me?"
Naestatwa siya sa tinanong ko at nawala yung ngiti niya, blanko lang yung mukha niya.
Oh, he froze again.
"At... ano bang ibig sabihin ng date na 'to, hm?" I smirk.
'Di ko inaakalang darating ang panahon na aasarin ko si Christian dahil sa isang date, he was the one who asked me on a date and I might as well do something about this, right?
"Joke lang, Christian, ikaw naman..." tawa ko sa kanya.
Nakita ko na kanina pa niya hawak yung kutsilyo at para bang sinusubukan niyang hiwain yung carrot pero 'di niya matapos tapos yung trabaho niya dahil sa joke ko.
I was also curious to why he wanted to go on a date with me, you know.
"Hoy..."
Medyo magkalapit na yung daliri niya sa may kutsilyo imbes na sa Carrot kaya lumipat ako sa likod niya at hinablot ang kamay niya na hawak yung kutsilyo mula sa daliri at carrot sa cutting board.
"Mag-ingat ka naman, huy."
Nagkatinginan lang kami sa isa't-isa, we're too close to each other and I immediately realized that so I took a step backward away from him.
BINABASA MO ANG
ALWAYS YOU ✔️
RomanceMargauxx's time has finally come when Christian--her first love and best friend, has finally fallen in love with her and is willing to pursue her after years of longing and numerous heartbreaks. Except, this time, she is more than confused with the...
