SIMULA

273 18 65
                                    

HOPEDEEPLY




I was in elementary and he was already in high school when I met him.

The day when my heart stone started pounding so fast, at ang paggalaw ng mga tao sa paligid ay nagsisimula nang bumagal.

I don't believe the 'love at first sight' saying, sino bang maniniwala na mahal mo na agad ang isang tao sa unang pagkikita pa lang. Kalokohan lang iyon. Kaya 'yong naramdaman ko noong araw na 'yon, binalewala ko.

And I'm still so young that time, when I met him, so...

Maybe, it's a kind of attraction.

Nandito ako sa classroom. Mag-a-alas syete na pero konti pa lang kami rito sa loob. Nakaupo ako sa aking upuan habang nakatingin sa labas ng kabilang building kung saan nakatambay sa labas ng kanilang mga classrooms ang mga senior high students. Nakita ko si Dean na naglalakad paakyat sa second floor ng kanilang building kung saan ang classroom niya. Sinundan ko siya ng tingin.

Seryoso siyang naglalakad habang nasa likod niya ang kanyang itim na bag, may dala rin siyang libro. At kahit medyo malayo siya ay nakita ko kung paano niya binasa ang kanyang labi dahilan na pumula ito. In a swift movements, mabilis niyang inilipat sa kabilang kamay ang libro na dala niya. I couldn’t help but admire his simple tricks. It's awesome! Sa simpleng galaw niyang 'yon ay nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung normal paba ito? Kasi simula nung makita ko siya at nakilala ay ganito na lang lagi ang tibok ng puso ko. Nagwawala kapag nakita ko siya, nag-iinit kapag kasama ko naman siya.

Is this really an attraction?

“Mare, may assignment ka?”

Napatingin ako sa nagsasalita. Nakaupo na siya sa upuan na nasa harap ko. Sa sobrang pre-occupied ng utak ko ay hindi kona namalayan ang pagdating niya. Kunot noo kong tiningnan ang aking kaibigan na nag-aayos ng buhok.

“Pa-kopya naman ako,” sabi niya. Ngayon, naghahalungkat na siya ng gamit sa kanyang bag.

My brow shot up.

“Bakit wala kang assignment? One month tayong walang pasok, a,” tanong ko sa kanya.

“Kakauwi lang namin kahapon galing London, e. Kaya't nakalimutan kong sagutan ang mga assignment ko dahil sa sobrang pagod.” sabi niya at nag-peace sign pa. “Sige na, please… alam kong araw-araw kang nasa bahay ng tutor mo!” sabi niya na may kahulugan sa huling pangungusap.

I rolled my eyes at her bago kinuha ang notebook sa aking bag. Tapos na ang christmas break, at unang pasok namin ngayong taon na 'to. Last year, bago mag-christmas party. Madaming assignments and projects ang binigay sa amin ng mga guro, kaya ang ibang mga kaklase namin ay hindi maiwasang magreklamo. Imbes na magbakasyon sila ay hindi na nila magagawa iyon dahil sa dami ng projects. Wala na rin sila magagawa dahil ito ang gusto ng mga guro namin.

Pero ang iba na katulad ni Sheena, ang tangi kong kaibigan. Hindi natatakot, kasi alam nilang may mabait silang kaibigan na masasandalan. Hay!

Sumimangot ang mukha ko habang binubuklat ang notebook, at hinahanap ang assignment. Pinaghirapan ko itong sagutan tapos siya kukopya lang! May magagawa pa ba ako? At bilang isang butihing kaibigan… papakopyahin ko siya.

Nakasimangot ang mukha ko habang iniabot sa kanya ang aking notebook.

“Oh, paki-bilisan! Baka makita ka ng teacher natin na nangungopya.” sabi ko, naiinis. Diniinan ang huling salita.

“Okay, paki-sabi rin kay kuya Dean na ‘I love you’ este salamat pala sa assignment...” she said with a grinned.

I rolled my eyes at her, again. Bago tumingin muli sa labas ng classroom namin. Kung saan nakita ko siya kasama ang mga kaklase niya na nag-uusap. Nakayuko sila sa barandilya na parang may tinitingnan sa baba.

Years of WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon