HOPEDEEPLY
Tinakpan nila ng panyo ang mga mata ko, at agad na pinasakay sa sasakyan. Ramdam ko ang pagpasok din ni Sheena sa loob ng sasakyan saka tumabi sa akin. Tumatawa pa siya na parang ewan.
"Okay na ba lahat?" rinig kong tanong ni ate Tala.
"Oo, ayos na raw ang lahat," si Sion.
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan, at ang pag-start ng makina nito. Saan ba ako dadalhin ng mga ito? Bakit kailangan pa takpan ang mga mata ko? Para saan?
"Saan n'yo ba ako dadalhin?" tanong ko nang paulit-ulit sa kanila, na kahit ako naririndi na.
"Sa boyfriend mo, Marga," sagot ni Sion na alam kong siya ang nagdadrive ng sasakyan.
"Sion/Kuya!" Sabay sigaw nila Sheena at ate Tala.
"Bakit? Sinagot ko lang naman ang tanong ni Marga," inosenteng tugon ni Sion sa kanila.
"G*go ka! Hindi ka nag-iisip!" bulyaw ni ate Tala kay Sion.
"Bakit, saan po ba si Dean?" tanong ko ulit.
"Ayon! May ginagawang kakornihan para sa 'yo--"
"Ate Tala!" sita agad ni Sheena na nasa tabi ko lang.
Ramdam ko na ang pag-iling niya sa dalawa na nasa harapan namin. Bumuhakhak naman nang tawa si Sion habang nagdadrive.
"Paano iyon magiging sopresa kay Marga kung sinabi n'yo na sa kanya--" nabitin naman ang sinabi ni Sheena.
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Sheena. Mas lalong bumuhakhak si Sion sa harapan. Gano'n na rin si ate Tala, sinabayan ang kanyang bestfriend.
"Ano... sino sa ating tatlo ang may malaking kasalanan?" mapanuyang tanong ni Sion.
"Kayo kasi, e!" sigaw ni Sheena. Nagpipigil na rin siya ng tawa.
Napuno nang kulitan ang loob ng sasakyan kahit wala akong makita isa sa kanila. Sumabay pa rin ako sa kanila sa kulitan kahit mabilis na ang tibok ng puso ko ngayon, dahil sa sopresa ni Dean. Ano kaya iyon? Kinakabahan ako!
Tumigil na ang sasakyan. Narinig ko naman ang pagbukas ng mga pintuan nito. Kaya mas lalong hindi ko maintidihan ang nararamdaman ko ngayon. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso na parang kagagaling ko lang sa marathon.
"Teka lang! Aayusan muna kita." sabi ni Sheena.
Pinaharap niya ako sa kanya. Tinanggal niya ang panyo na nakatakip sa mga mata ko. Pagkatapos ay ni make up-an niya ako dahil medyo nabura na raw ang aking make-up. Binilisan niya pa dahil tinawag na kami ni ate Tala sa labas.
Pagkatapos akong make-up-an. Inayos niya muna ang buhok at ang dress ko bago ako pinalabas ng sasakyan.
The cold breeze embraced me as I emerged, and I could hear the scouring of the waves on the coast. The environment is dimly lit. Wala akong makita na kahit na sinong tao dito. Kaya nilingon ko si Sheena na nasa aking likod. Hindi ko rin kasi mahanap sina Sion at ate Tala. Bigla na lang sila nawala.
"Tara na!" sabi ni Sheena.
Sumunod naman ako sa kanya. At pagkatapos ng iilang lakad ay huminto siya bigla. Nahimigan kong nakangiti siya sa 'kin nang hinarap niya ako. Magsasalita pa sana ako nang kumaway na siya sa 'kin at mabilis na umalis palayo habang iniwan ako dito na nakatayo lang.
Ano 'to? Pagkatapos akong kunin basta-basta, iiwan lang nila ako rito!
Magra-rant na sana ako nang biglang umilaw ang maliit na series lights sa buong paligid.
BINABASA MO ANG
Years of Wait
RomanceCOMPLETE | unedited Maria Gandrielle (Marga) Roja, was a rough, tough and stubborn woman. She would do whatever she wants, even if her parents would get mad. At her very young age. She, in love with a man named, Tristan Deanielle Vercher. Matagal n...